CHAPTER 23 - Pares

4.1K 70 2
                                    

Haelynn Spayn Serin's POV

Sa lahat ng pwede nilang kainin. Bakit 'yung cookies ko pa?! Psh. Nakakainis! Dumeretso ako sa taas para kuhanin ang susi ng motor ko saka lumabas papunta sa parking lot. Sa pagmamadali ko, nabunggo ko si Axel.

"What the—"

"Where are you going, Spayn?"

"Wala kang pake!" Psh. Tumalikod na ako sa kanya ngunit hiniwakan niya ang braso ko. "Ano ba??!"

"You didn't answer my question!" Punyeta naman.

"Kakain ako sa labas!" Gutom na gutom na talaga ako. Pasalamat siya, wala akong dalang baril at dagger.

"Tara." Kumunot naman ang noo ko.

"Anong tara?"

"Stupid. Let's eat outside!" Sabi niya saka naglakad palabas. What the hell? Bakit naman siya sasama sa akin? Lumingon siya ulit dahil naramdaman niyang hindi ako sumusunod sa kanya. "Let's go, Spayn. I'm hungry! Kanina pa 'ko nanonood sa inyo!" Sabi niya at tuluyan ng lumabas. What the hell? So kasalanan ko pa na nagutom siya? Parang gago. Psh.

Pagkalabas ko, nakasakay na siya sa napakataas niyang raptor. Psh. Lumapit ako at kinatok ang bintana niya. Mabilis niya naman iyong binuksan.

"What? Sumakay kana!"

"Mag mo-motor ako!"

"What?" Napipikon na ako sa lalaking 'to!

"Bahala ka sa buhay mo. Kumain ka mag-isa—"

"Fine!" Inis siyang bumaba sa kotse niya. May kinuha muna siya sa likod saka lumapit sa akin. "Wear this." May inabot siya sa akin na hoodie. Tinanggap ko nalang 'yon at sinoot. Naalala ko, naka sports bra nga lang pala ako.

Inabot ko sa kanya ang extra helmet ko at sinuot ang sa 'kin. Nang masuot ko na ang akin, napatingin ako sa kanya dahil nahihirapan siyang i-lock 'yon. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya. Napatingin naman ako sa kanya dahil parang nagulat siya sa ginawa ko. Agad akong lumayo at sumakay na sa motor ko.

"Sakay na!" Seryosong nakatingin lang siya sa akin at mukhang nag-aalangan pang sumakay. Psh. Kala mo naman ngayon lang sasakay ng motor.

"Ako na ang magdadrive!" What the hell?

"No!"

"Ako na!"

"Excuse me, baka motor ko 'to?!"

"Safe ka bang magdrive?!" Pag-aalinlangan niya.

"Wag kang mag-alala, safe na safe akong magdrive."

"Tss." Sumakay na siya sa likod ko. Napangiwi naman ako saka pinaharurot ang motor ko. Agad naman siyang napahawak sa bewang ko. What the hell?

Dumaan muna ako sa gasoline station dahil paubos na ang gas ko. Nakagat ko nalang ang labi ko sa katangahan ko. Wala pala akong dalang wallet. Ang suot kong legging ay walang bulsa. Naka sports bra lang ako at ang hoodie na suot ko ay hindi sa akin. Pagkaakyat ko kanina sa taas, susi at cellphone ko lang ang kinuha ko. Ang tanga ko!

Tumingin ako kay Axel at ngumiti. Kumunot naman ang noo niya.

"What?"

"Bayaran mo muna. Wala pala akong dalang wallet, hehe."

"I have no cash here." Nasabi pala sa akin ni Akiro na hindi raw gumagamit ng cash si Axel at puro card lang daw. Well, chismis lang naman 'yun ni Akiro. May pagkachismoso kasi 'yon, isama mo na rin si Johann. Psh.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon