Haelynn Spayn Serin's POV
After one week, napagpasyahan naming lumipad ni Axel patungong Las Vegas para makausap si Mr. Moore. And also to see Mr. Smith, my lolo.
Gusto sana naming isama 'yong kambal pero napagdesisyunan naming hindi nalang. Ang saya pala sa pakiramdam na may katuwang sa mga ganitong bagay. Katuwang magdesisyon for our children. Well katulong ko rin naman sina Raven dati, pero iba pa rin kapag isang ama at ina ang nagdedesiyon para sa ikakabuti ng kanilang anak. Ang sarap lang sa feeling.
"Good afternoon, Mr. Miller." Bati ng isang lalaki. Siya ang nagsundo sa amin sa airport. "And Ms. Serin."
"Mrs. Miller," pagtatama ni Axel sa kanya. Psh.
"He's Dave, his the one who handle everythings here while I'm a way."
Tumango-tango lang ako, walang pakielam kung sino siya. Dahil kating-kati na ang mga paa kong pumunta ng hotel.Nabalitaan ko kahapon lang, ayon sa mga tauhan ko dito, may sakit daw si Mr. Smith. Hindi ko alam pero gusto ko na siyang makita, gustong makita ang kalagayan niya.
Huminga ako nang malalim at saka pumasok sa loob ng kwarto ng asawa ni Mr. Smith dito sa hospital kung nasaan sila. Kabadong-kabado akong pinihit ang doorknob.
Pagkapasok ko, tumambad sa akin ang isang matandang babae. Mapayat siya, puti na ang buhok, halos buto-buto na nga siya, pero masisilayan pa rin ang ganda niya, lalo na nang ngumiti siya sa akin.
Nasa tabi niya ang asawa niya, nakatungo sa kama at mukhang mahimbing na natutulog.
"John, may bisita tayo," marahan niyang hinaplos ang asawa sa ulo. Malambing niya rin itong ginising. Pilipino rin pala ang napangasawa ng aking lolo.
Nagising si Mr. Smith, inangat niya ang tingin sa asawa at saka inilipat sa amin.
Nagulat siya nang makita kami ni Axel. "M-miss Serin... and Mr. Miller?! What brings you here?!"
Gusto ko siyang kausapin, at lalo na ang yakapin. May nag-uudyok sa akin na gawin iyon pero may pumipigil din sa akin na huwag gawin iyon.
"I just want to talk to you, Mr. Smith," si Axel ang sumagot. Kahit naguguluhan ay sumunod si Mr. Smith sa labas.
Lumapit naman ako sa asawa nito at naupo sa kinauupuan ng asawa niya kanina lang. Kanina pa siya nakangiti sa akin, hindi ko alam kung bakit.
"Uh... I'm Spa—"
"Spayn," napakalambing niya kung magsalita.
"Oh, you know me?"
Tumango siya. "You're the one who was interested in buying my husband's share, right?"
"Ah, yes. But unfortunately, he didn't sell it to me, instead, to the man that I am with a while ago."
Mas lalo pa siyang ngumiti. "I'm sorry to hear that. Sa lahat ng may gustong bilhin ang share ng asawa ko, si Mr. Rhouisse ang napili niya. He feel something different to this man. Maybe, he remembered his son." When she mentioned it, hindi ko na napigilan, tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko na ikinagulat niya. My lolo have only one child, which is my father. Hindi sila nabibiyaan ng asawa niya na magkaanak. But base sa mga nalaman ko, nag-ampon sila.
"I'm s-sorry." Pagpapaumanhin ko saka pinunasan ang pisngi ko.
"Are you... Heaven Serin's... granddaughter?" Pagkasabi niya n'on ay agad akong nag-angat ng tingin, hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"You look like her, lalo na ni Samuel." When she mentioned my father's name, mas lalong bumuhos ang luha ko, para akong isang bata kung umiiyak. Sa tuwing binabanggit ang magulang ko, nagiging emosyonal ako.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...