CHAPTER 4 - Grandmother

7.6K 110 2
                                    

Haelynn Spayn Serin's POV

Papasok palang ako ng gate pero tanaw ko na ang mga tauhan ni Lola. Mga nakasuot na itim na tuxedo ang mga ito, tulad ng sa mga tauhan ko.

Kinakabahang pumasok ako sa mansyon. Alam na kaya ni Lola na nandito si Hans? Pagagalitan niya ba ako dahil hindi ko kaagad sinabi sa kaniya? At saka ano naman ang ginagawa niya dito?

Simula noong mamatay ang mga magulang namin ni Hans. Hindi na masyadong nagpapakita or dumadalaw sa mansyon si Lola. Dadalaw lang siya kapag may importante siyang sasabihin pero sobrang dalang lang. Dahil minsan kapag may mensahe siya sa amin, si Mr. Spencer ang ipinapadala niya. Kahit nga birthday ko or ni Hans ay hindi siya dumadalaw sa amin. Psh.

Dumeretso ako sa dining room kung nasaan sila ni Mr. Spencer.

"Lola," nakangiti akong lumapit kay Lola at bumeso pero syempre kinakabahan ako. Well lola's girl here pero aaminin kong takot ako kay Lola. Nakakatakot kasi siya kapag nagalit.

"Seatdown, apo," maawtoridad na sabi niya.

Nadapo naman ang paningin ko sa mga taong nakaupo sa lamesa. Sa left side ni Lola. Nakaupo ang myembro ko. Sina Seah, Ella, Akiro and Johann. Wait, nasaan si Raven? Nauna siyang umalis sa akin kanina, ah! Saan na naman nagpunta 'yon? Psh. Sa right side naman ay si Mr. Spencer.

Tumabi ako sa side ng myembro ko. Bale ako, bakanteng upuan para kay Raven, Seah, Ella, Akiro at Johann. Katapat ko naman si Mr. Spencer.

Bigla naman akong napaisip. Alam na kaya ni Lola na nandito si Hans?

"Pababa na si Hans, apo." Gulat akong napatingin kay Lola. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Alam mo na nandito siya?" Nagtatakang tanong ko.

"Yeah." Kunot noong napalingon ako sa biglang pagsulpot ng kapatid ko. Lumapit siya kay Lola at bumeso saka lumapit sa akin at bumeso rin. Napatingin naman ako sa mga myembro ko na mga nakatungo lang.

"Wag mo silang sisihin, ate."

"Shut up, Hans!"

"Alam kong nandito si Hans, apo." Naguguluhang tumingin muli ako kay Lola. "Ako ang nagsabi sa kaniya na umuwi dito."

"What? What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Masunurin ang kapatid mo. Kung ano ang sinabi mo ay susundin niya, ngunit may misyon akong ibinigay sa kanya"

"Misyon?"

"Teka saglit, asan na ba si Raven?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Anong misyon? At nasaan na ba si Raven? Psh.

"On the way na po siguro. May inasikaso pa kasi siya." Pagpapalusot ko. Tumatango-tango lang si Lola. Lagot talaga sa akin si Raven mamaya. Psh. Kung saan-saan pa nagpupupunta.

"Lola anong mi--" Sinubukang kong tanungin ulit kung anong misyon ang binigay ni lola sa kapatid ko kaso dumating naman si Raven.

"Nandito na ang gwapong si Raven! May dala akong mga prutas sa iyo grandma," nakangiting sabi niya. Lumapit siya kay Lola at tulad ng ginawa namin ni Hans, bumeso rin siya dito. Psh. Ibinigay niya ang mga dala niyang prutas sa isang maid saka umupo sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin pero inirapan ko lang siya. Psh. Tumikhim naman si Lola kaya napunta ang atensyon naming lahat sa kanya.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Nandito ako dahil may iuutos ako sa inyo Lethals."

"Ano 'yon, Lola?" Sumenyas siya sa isa niyang tauhan na may dalang mga folder. Pinamigay niya ito sa bawat isa sa amin na nandito.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon