Haelynn Spayn Serin's POV
Mabilis na nagdaan ang mga araw. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung magsimula ang klase ng mga bata. Busy na rin kami ngayon sa paghahanda sa nalalapit na kaarawan ng mga bunso kong kapatid. Eighteen na sila sa darating na sabado.
Ang alam kong debut ng mga lalaki ay pagtungtong ng twenty one, pero dahil ito ang unang birthday nila na makakasama ko sila, gusto ko na maging espesyal at bongga ito.
Hindi sa Hacienda gaganapin ang birthday nila. Hindi naman pwedeng pumunta dito ang mga karaniwang tao lang, baka malaman pa nila na mga mafia kami.
Nagrent lang kami ng isang event place dito sa Tagaytay. Marami-rami rin ang inimbitahan namin, bukod sa mga kaklase nila na dadalo.
Naipadala ko na rin ang mga imbitasyon sa mga bisita. No invitation, no entry. Royal ball ang theme. Ang gusto pa nga ni Kirvy ay Harry Potter theme, pero ayaw naman ni Harvey n'on dahil hindi naman daw siya mahilig doon. Kaya ako na ang nagdesisyon at pumili.
Sa Fernwood Gardens Tagaytay gaganapin ang birthday party ng kambal. Sobrang naeexcite na nga ako, e!
"Mom, I don't like rose gold dress. I want red." Nandito kami sa salas kasama ang team ni Mia. Sinusukatan kaming lahat. At ito namang anak ko, ayaw ng rose gold. Psh.
"Me too," Axel chuckled to what Harris said. Inirapan ko lang siya. Psh.
Ang napili ni Kirvy ay maroon, ang suit na suot nila ay royal suit, parang sa mga prinsipe. Blue naman ang kay Harvey. Ang sakin naman ay Royal Blue Fashion Puff Sleeves Maxi Dress. Navy Blue Suit naman ang kay Axel at Harris, may halo lang gold ang sa anak ko. Si Harleigh lang ang naiiba dahil red ang napili niya. Off shoulder pa iyon.
Ako na rin ang pumili ng susuotin ni Rylee, hindi kasi siya makapili sa mga pinakita ko. Pati na rin kay Hans na sa mismong araw pa ng birthday ng kambal uuwi. Psh.
Ito na ang pinakahinihintay kong araw. Ang birthday ng mga bunso kong kapatid. Grabe rin ang pinagpuyatan ko dito. Gusto ko kasi na maayos at well organized ito. Kaya sinigurado ko na magiging maayos at memorable ang gabing ito para sa kanila.
"Nasa'n na raw si Hans?" bulong ko kay Raven habang sinasalubong namin ang mga bisita.
"Naka-landing na raw. Papunta na sila dito. Sinundo na siya ni Akiro." Sinabi ko naman kasi sa kaniyang two days before siya umuwi. Psh.
Nagsimula na nga ang party nang wala pa si Hans. Nangangalahati na nang dumating siya. Hindi na namin siya nahintay dahil paniguradong maiinip ang mga bisita. Masyadong paimportante! Psh.
Inis na pumunta ako sa isang room kung saan siya magpapalit ng damit.
Naabutan ko siyang nagmamadaling maghubad ng sapatos. Tinutulungan na rin siya ni Akiro sa pagsuot ng coat. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin."Hehe," nakangiting sabi niya, mukhang nang-aasar pa. Psh.
Kanina pa siya hinahanap ng mga investors at ng mga board members namin ni Axel. Pati na rin ng host dahil siya ang unang magbibigay ng mensahe sa kambal.
Sabay kaming pumasok sa loob. Kaya naagaw namin ang atensyon nilang lahat. Nagkakainan na pala. Tapos na ang mga palaro at kung ano pa.
Siniko ko si Hans na ngumiti man lang. Parang ewan, naglalakad kami tapos nakatungo? Psh. Nakakapit din ako sa braso niya.
Bago kami pumunta sa nakalaang table sa amin, pinakilala ko muna siya sa mga matataas na tao na dumalo.
"Hans Zander Serin," pagpapakilala niya kay Mr. Chou, one of my investor. Nilahad pa nito ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...