CHAPTER 76 - Dad

4.7K 67 4
                                    

Almiah Lopez's POV (Mia)

Tumingin ako sa salamin at nakita ang sarili ko. Ang laki na ng eyebags ko, ang haggard ko, may ilan-ilan na rin akong pimples sa noo. Aishh!! Ganito ba kapag broken hearted?

Iniiwasan ko na ngang hindi maisip si Dior. But my mind and my heart is so epal! Kaya lagi akong napupuyat, e! Minsan nga ay hindi na ako nakakatulog kakaisip sa kanya.

"Hm?" tamad na tamad na sagot ko sa tawag ni Seth.

[Gising ka na?] Walang kwentang tanong niya.

"Malamang gising na 'ko! Babo!"

(Babo - Stupid)

[Hahaha, sinisigurado ko lang, baka kasi nanaginip ka pa.]

"Oh, e ba't ka napatawag? Para mang-asar?"

[Ani. Eotteoke jinaeseyo? Bab meogeoss-eo?]

(Trans: No. How are you? Did you eat?)

Kumunot ang noo ko at natawa. Hindi bagay sa kaniya ang magsalita ng korean. Ang panget pakinggan.

[Oy! Wag mo 'kong pagtawanan! Nag-search pa ako sa google para dyan. Ang effort ko, 'di ba?]

"Hindi bagay sa 'yo. 'Wag mo ng uulitin."

[Okay lang. Atleast napatawa kita.]

"Pupunta ako sa farm mo." Sabi ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin.

[Bawal.]

"Pwede!"

[Wow! Farm mo?]

"Farm din naman 'yon ni Spayn ha!"

[Haha, syempre joke lang.]

"Samahan mo 'ko. Nomi rin tayo." Narinig ko namang napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

[May meeting ako. Pumunta ka nalang sa farm. Nandoon si Nanay. Pero wag ka ng uminom.] Pero gusto kong uminom. Nakakainis naman, e! [May mga tauhan ako ngayon sa RamBar. Kapag ikaw talaga nakita nila doon, malilintikan ka talaga sa 'kin. Araw-araw ka nalang umiinom.] Ang O.A naman ng araw-araw! Minsan lang naman, e!

"Edi sa ibang bar nalang," biro ko.

[FO talaga tayo.] Natawa tuloy ako. Parang bata amp.

"Bye na nga!"

[Oy, Almiah! Sasapakin ko talaga si Dior kapag uminom ka] Kumunot ang noo ko. Ba't naman nadamay pa si Dior? [Seryoso ako, Almiah. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka magkakaganyan.] Seryoso na nga siya ngayon, wala ng halong biro.

"Bye na." Binaba ko na ang linya. Ba't kasi kailangan pang banggitin si Dior? Nagmo-move on na nga 'yung tao, e!

Pumunta ako sa mansyon ni Spayn, yayain ko nalang si Raven or sila Seah sa farm. Ayoko namang pumunta doon na ako lang.

"Aunt Mia," nakita kaagad ako ni Harleigh. Nasa salas siya kasama si Harris na nagbabasa na naman ng libro. Nandoon din 'yong trainor ni Harleigh sa ballet.

Lumapit naman ako sa kanila. "How are you?" may pag-aalala sa tinig ng kaniyang boses ng natungin niya ako.

"Good." Tipid kong sagot. Ngumiti naman siya at saka nagpatuloy sa ginagawa. Tumabi naman ako kay Harris. Noong unang beses ko itong nakita ay sobrang tahimik, hindi ka kikibuin kung hindi mo kakausapin.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon