Haelynn Spayn Serin's POV
Tumakbo agad sa akin ang Baby Spaxel ko. "Did you miss mommy?" Tanong ko dito habang dinidilaan niya 'ko. Binihisan ko siya ng dog cloth. Color pink iyon na nabili namin ni Axel noong isang araw sa mall.
"Arf arf..."
"Ang cute ng Spaxel ko! Nagustuhan mo ba?"
"Takte! Alam mo bang lalaki 'yan, Spayn?!" Sabi ni Raven pagkakita kay Spaxel. Eh ano naman kung pink? Psh.
"Alam ko!"
"Ba't pink? Ginawa mo namang babae, eh!" Hindi ko nalang siya pinansin at inabot nalang si Spaxel kay Akiro. Psh. Magbibihis na ako.
Nagsuot lang ako ng White One Sholder Faix Fur Hem Dress. Rose gold sana ang isusuot ko kaso magpapapicture ako sa christmas tree mamaya. Panget naman kung parehas rose gold. Psh.
Nakatingin lang ako sa drawer ko habang pinagmamasdan ang bracelet na ibibigay ko kay Axel. Magugustuhan niya kaya ito?
-Flashback-
Habang nagbabayad si Axel ng mga pinamili namin. Pumasok muna ako sa katabing store. Accessories Store.
"Hello ma'am. Welcome to accessories store." Hindi ko pinansin 'yung babae dahil agad na dumapo ang paningin ko sa bracelet. Isa iyong Couple Silver Bracelet. "Ayan po ba ang gusto niyo? Sakto, isang stock nalang po 'yan." What the hell? Ba't naman ako bibili niyan? We're not a couple. Psh.
"I don't have a boyfriend."
-End of flashback-
Pero hindi ko alam kung bakit binalikan ko 'yon kinabukasan. Buti na nga lang at nandoon pa. Psh.
It's a couple bracelet na may rectangle na pendant. Sa harap ng pendant ay may nakasulat na 'Boss A.' at sa likod naman nakalagay ang initials ng name ni Axel, 'RAM'. Sa akin naman ay 'Madam S.' at sa likod, pinalagay ko ang palayaw ko, which is 'Hase'.
Apat na oras nalang at mag aalas dose na. Hindi ko pa rin alam kung papaano ko ito ibibigay kay Axel. Nahihiya kasi ako at baka hindi niya magustuhan.
Kinuha ko na si Spaxel kay Akiro at pinauna na silang pababain. Si Raven naman ay umalis. Ewan ko kung saan nagpunta. Psh. 'Yung dalawang girls naman ay kanina pa bumaba.
Sinuot ko na ang Black and Rosegold Heels ko. Lumabas na ako, hawak hawak si Spaxel. Papunta kami sa kwarto ni Axel. Kinakabahan ako.
Kumatok ako ng dalawang beses. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Manang Ester. "Spayn!" Tawag niya ng nakangiti. "Hinatid ko lang ang isusuot ni Axel... Pasok ka." Pumasok ako tulad ng sinabi niya. Pinuri niya muna ako ang suot ko saka nagpaalam.
"Manang Este-" Dumapo ang tingin ko kay Axel ng lumabas siya sa CR. Nakaupo kasi ako sa kama niya habang hinihimas si Spaxel. Nagulat siya nang makita ako. "Spayn..." Shit! Nakagat ko ang ilalim ng labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"L-lumabas na si Manang Ester. Pinapasok niya na ako." Tumango lang siya. Ang suot niyang polo ay hindi pa nakabutones lahat. Kaya kitang kita ang abs niya. "Lalabas na muna kami ni Spax-"
"No need. Patapos na rin naman ako."
"O-okay." Saka siya muling pumasok sa walk in closet. What the hell, Spayn? Anong nangyayari sa 'yo? Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nandyan si Axel? Am I falling inlove with him?
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...