~After 6 years~
Almiah Lopez's POV (Mia)
"Jagiya!" Pasigaw na tawag ko kay Dior. Pababa na siya ng hagdanan. Magdedate kasi kami ngayon. Ay este, pupunta kaming Crawford International School dahil recognition ng aking mga pinakakamamahal na inaanak. Oh, nung kumpil nila ako naging ninang ha.
Ako ang madalas magsabit ng medalya kina Harvey at Kirvy dahil wala naman si Spayn or si Raven. Ewan ko nga kung may balak pa silang umuwi. Tsaka isa pa, hindi naman maitatago ni Spayn ang sekreto niya kay Axel.
"Napakaingay mo talaga, 'no?" Hindi ko siya pinansin at inayos nalang ang collar ng long sleeve na suot niya.
"Tita," sambit ng apat na taong gulang na anak ni Ella. Mas naeexcite tuloy ako sa kambal ni Spayn. Kahit kailan ay hindi ko pa ito nakikita. Sa picture lang kapag nagsesend si Raven sa akin.
"Hello, Baby Zyndly." Napacute talaga nitong anak ni Ella. Ang ganda ganda pa. Manang-mana sa ninang.
"Kailan mo ba 'ko bibigyan ng anak?" Pagmamaktol ko kay Dior.
"Asa!" Ang harsh talaga palagi ng lalaking 'to!
Pagkatapos ng ceremony, pinasyal ko 'yung kambal. Kumain din kami. Aba, with high honors ba naman ang mga inaanak ko.
#proudninanghere
"I'm going to San Francisco."
"Huh?" Gulat na tumingin ako kay Harvey. "I mean, what do you mean?"
"I want to visit Stanford University. Gusto kong makita ang university na papasukan ko."
"Yabang! Porket nakapasa! Sana ol," pang-aasar ni Kirvy na may halong lungkot. Hindi kasi siya natanggap sa Standford Univeristy. Dream school kasi iyon ng mommy nila para sa kanila. Si Hans naman ay sa Harvard.
Si Spayn, hindi siya natuloy sa Harvard dahil nga maagang nawala ang mga magulang niya. Siya ang pumalit at umako sa lahat ng responsibilidad na naiwan ng mga magulang niya. At hindi rin siya pinayagan ng Lola niya kahit gusto niya.
Kaya si Hans ang nag-aral doon. Kaya nga sobrang saya ni Spayn noong nakapagtapos si Hans ng kolehiyo sa Harvard kahit late. Kahit nga ako ay natutuwa. Aba, simula first year hanggang fourth year, except sa second sem, ay ako ang kasama ni Hans.
Makulit, minsan gabi ng kung umuwi, pasaway pero napakaresponsable naman. Kahit gumigimik tuwing gabi kasama ang mga barkada niya ay hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya.
"Kailan ang punta mo?"
"Next week. Nakausap ko na rin si Ate." Tumango-tango lang ako at saka muling nagpatuloy sa kinakain.
"Hindi ako sasama, ha." Saad ni Kirvy kaya lahat kami ay napaangat ng tingin sa kaniya.
"K," maikling pag sang-ayon ni Harvey sa kapatid. Manang-mana sa kasungitan ng Ate.
Gaya nga ng sabi ni Harvey, lumipad siya ng San Francisco para bisitahin ang hinahangad na unibersidad. Naiwan naman si Kirvy at puro basketball lang ang pinagkakaabalahan ngayong bakasyon. Hiyahay lang dahil sa CIS lang naman siya mag-aaral ng kolehiyo. Tsaka isa pa, may isang taon pa naman sila bago magkolehiyo. Pwede pang bago ang mga 'yon.
Noong una nga ay ayaw ni Spayn. Pinapatry niya pa itong mag-apply sa NYU, SFSU, Berkeley at lalong- lalo na sa Harvard, ngunit ayaw ni Kirvy dahil... ewan ko sa batang 'yon.
"Saan ka na naman ba pupunta, Kirvy?"
"Aakyat ng ligaw, hehe," birong sabi niya pero nakasuot ng jersey at may hawak na bola.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...