Akiro Cordova's POV (Lethals)
Nauna kaming nakarating ng Lethals at ng ibang Gargos sa mansyon ni Mr. Miller. Except kay madam, Mr. Miller at Levi na hindi pa dumarating hanggang ngayon.
Pucha! Mas malaki ang mansyon na ito kesa sa mansyon ni madam. Maganda ang mansyon. Malaki at puro moderno ang design at ang mga gamit. Lumapit ako sa isang bookshelves at hinawakan ang mga libro.
"Akiro, 'wag mo ngang hawakan 'yan baka madumihan!" Rinig kong sabi ni Johann kaya napalingon ako sa kaniya. Palapit na siya sa akin.
"Pucha. Selos ka lang, eh. Porket wala sa'yo ang atensyon ko."
"Kadiri ka, pre."
"Hoy! Tama na 'yan, Johann at Akiro. Tara na!" Saway ni Ella ngunit hindi namin siya pinansin.
"Pre, wala bang chicks dito?" Bulong ko kay Johann habang palinga-linga.
"Feeling ko meron, pre."
"Aray naman!" Sabay na daing namin ni Johann. Tumingin kami kay Seah dahil sa pagbatok niya sa amin.
"Puro kayo kaharutan!"
"Takte. Nagseselos lang 'yan si Seah mga pre."
"Isa ka pa Raven, ha!"
"Hoy! Tumigil na nga kayo dyan. Mahiya naman kayo! Para kayong mga bata, eh!" Saway ulit ni Ella.
Ganito talaga kami magmahalan. Nagkakasakitan._
Rachel Barcase's POV (Leader of Blitz)
Tangina! Nakarating kami sa mansyon ng leader ng Lethals na si Spayn. Ngunit wala ng tao kahit isa man dito.
Bang!
Bang!
Bang!
Bang!
Bang!
Pinaputukan ko ang mga paso na makita ko sa garden ng mansyon ni Spayn.
Bwiset!
Bwiset!
Bwiset!
"Naisahan tayo!"
"Mukhang nalaman nila na paparating tayo!"
"Pumasok ako sa loob. Wala ng ibang damit sa mga cabinet."
"Punyeta! Paano nila nalaman?"
"Baka binalaan agad sila nina Heaven at Aguillar!"
"Let's go," putol ko sa kanilang lima. Kahit nagpipigil lang ako ng galit. Pero sa totoo lang ay gusto ko nang sumabog sa inis.
_
Joella Celis' POV (Lethals)
Nandito kami sa salas ng mansyon ni Mr. Miller. Inaayos pa raw ang kwartong tutuluyan namin. Pagkapasok mo sa main entrance, bubungad sa iyo ang isang napakalawak na hall. Sa gitna nito ay makikita ang salas at sa gitnang dulo naman ang napakalaking hagdanan. Kung sa mansyon ni madam ay nasa dalawang gilid ang hagdanan, dito ay nasa gitna. Parang palasyo lang. Napakalawak nito.
"Dito muna kayo habang inaayos pa ang kwarto niyo." Saad ni Dior.
Tumango lang kami bilang sagot. Umalis na silang apat ng mga Gargos na nauna dito at pumasok sa isang kwarto."Pucha naman, pre! Ang hilig mong dumikit sa 'kin!"
"Taena mo, Akiro! Ito lang ang bakante!"
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1)
RomanceIf they're both mafia bosses, how will they get along? Haelynn Spayn Serin. The leader of the Group Lethals. She will prove that woman can lead to. She's very dangerous woman. That's why don't mess with her. Hanggang sa makahanap siya ng katapat n...