CHAPTER 42 - Hase

3.9K 81 16
                                    

R18

Haelynn Spayn Serin's POV

Pumunta kami sa garden ni Eya para doon makapag-usap ng maayos. Hindi pa rin ako makapaniwalang buhay siya. Ang akala namin sa isa't isa ay wala na kami. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Diretsong tanong ko.

"Dahil kay Mika, Ate Hase," sagot niya. Natutuwa ako dahil maayos na siyang makipag-usap sa akin ngayon, hindi tulad ng dati.

"Maswerte nga siya dahil wala akong ginawa sa kanya. Tinali lang namin siya at pinakawalan na rin agad, dahil iyon ang gusto ng kapatid ko. Nangako naman siya na wala siyang pagsasabihan."

"Naiintidihan ko," saad niya. Lumapit na sa amin ang mga ipinadala ni Levi na doctor upang gamutin ang daplis ko at ang tama niya sa braso. "Kailan mo nalaman na ako si Anna?" Tanong niya habang nakatanaw sa langit.

"Noon pa lang, ang gaan na ng loob ko sa'yo. Syempre nagpakuha ako ng mga impormasyon patungkol sa'yo. At isa na doon ang isang litratong nagpatinag sa akin. At doon, nakumpirma ko na ikaw si Anna." Pagpapaliwanag ko habang nakatingin din sa langit. Noon palang ay hilig na naming tumingin sa langit lalo na kapag gabi dahil natatanaw namin ang mga bituin. "Bakit ikaw ang mata ni Oliver sa RamBar?" Tanong ko saka sumulyap saglit sa kanya. Madami pa akong gustong tanungin sa kanya, kaya iisa-isahin ko ang mga iyon.

"Hindi ko alam na pati iyon ay nalaman niyo pa...  Simula nung makilala ko si Oliver, naging sunod-sunuran na ako sa kanya. Nangako siya sa 'kin na tutulungan niya 'kong mahanap ang mga mafia na pumatay sa mga magulang ko. Pero nakita ko naman na hindi iyon ang priority niya. Mas nakatutok siya kung paano mapapabagsak si Boss." Ramdam ko ang pagkaulila niya. Simula nung mamatay ang mga magulang ko. Sinubukan kong ipahanap sila, pero nabalitaan ko na wala na sila.

"Siya ba ang mas gusto na maging police ka?" Kung alam niyang may dugo siyang mafia, mali yata na iyon pa ang tinahak niya.

"Isa na rin 'yon sa dahilan. Pero ginusto ko rin naman iyon." Tumango-tango ako.

"Pero bakit nagtago ka sa apelyidong Gardner?" Morales kasi ang totoong surname niya.

"Ayaw ipaalam ni Papa na may anak sila ni Mama dahil masyado raw mapanganib para sa akin. Pwede raw akong maging bala ng mga kalaban, laban sa kanila." Pagpapaliwanag niya. Kaya pala sa birth certificate niya palang, Gardner na ang nakalagay. Ang talino talaga ni Tito Emer. Malalapit lang din na mga tao kay Tito Emer ang nakakaalam na may anak sila ni Tita Emi.

"Eya... live here." Pandederetso ko na ikinagulat niya. Ngayong nahanap ko na siya, hindi namang pwede pabayaan ko nalang siya. "May dugong mafia ka, once na malaman nila na anak ka nina Emmerson at Emilia Morales, paniguradong papatayin ka nila."

"Dahil ba 'yon sa perang ninakaw nila noon?" Nagulat ako nang banggitin niya iyon. Dahil part naman sa mafia ang nakawan ng ari-arian. Hindi talaga maiiwasan ang mga ganoong sitwasyon.

"Alam mo pala ang tungkol do'n."

"Oo, nasabi 'yon sa akin ni Papa."

"Kung gano'n, alam mo kung nasaan ang mga perang 'yon?" Tanong ko. Masyadong malaki iyon kung tutuusin. Kaya nga sila pinatay dahil sa perang iyon pero wala naman silang nahita. Matagal siyang tumitig sa akin saka tumango. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko kukunin ang perang iyon sa'yo. Sa'yo 'yon kaya gastusin mo sa mga gusto mong bilhin."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Eya. Pinahatid ko na siya kay Raven. Pag-iisipan niya raw muna ang inoffer ko dahil baka malaman 'yon ni Oliver. Psh. Epal talaga 'yung lalaking 'yon.

Till The End Of Time (Mafia Lovers # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon