Chapter 28: Odd Dream
It’s a weird thing to wake up in the middle of an unfamiliar place. That was the first thing that popped out in my mind when I get to open my eyes. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito pero sigurado akong kahit kailan, hindi pa ako nakakarating dito. Ni sa panaginip, hindi ko maalala ang lugar na ito.
Tumayo ako mula sa malambot na kamang pinaghihigaan ko. Ang totoo, kung hindi ko pa naramdaman ang lambot ng kamang iyon, hindi ko malalaman na kama ang hinihigaan ko. It looks like a big stone na nakadikit sa sahig, pero imbis na makasakit ito ay napakakomportable pa nitong higaan.
I looked around me and all I can see are beautiful trees and flowers. Iba’t iba rin ang kulay ng mga bulaklak sa paligid, ganoon na rin ang mga bunga ng bawat punong nandito. Puro damo rin ang paligid pero lahat ng iyon ay kulay puti. Damong kulay puti? Ngayon lang ata ako nakakita ng ganitong klase ng damo. Nonetheless, ngayon lang ako nakakita ng isang mundong puno ng kulay. Napakapeaceful ng lugar na ito. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at napangiti ako nang makakita ng iba’t ibang klaseng ibong lumilipad, pero hindi ko masyadong makita kung anong klaseng mga ibon sila dahil napakataas ng lipad nila.
I started to walk pero napakunot ang noo ko nang sa bawat hakbang na ginagawa ko ay unti-unting nagbabago ang paligid. Then something hit me. Hindi pangkaraniwang mundo ang nilalakaran ko ngayon. I should have known! Nasa otherworld ako. Pero ano’ng ginagawa ko rito? I tried to think of a reason pero parang wala namang lumalabas sa isip ko.
Mula sa pagiging makulay ng paligid, nagbago ito at parang napunta ako sa isang malaking bahay. Napatingin ako sa itaas ng bahay na kinaroroonan ko. Napakataas ng mga bubong nito na parang sa isang palasyo. Makikita rin ang mga nagkikinangan at naggagandahang palamuting nakasabit sa itaas. It was all made of gold that contains different orbs as a design.
“Heiress Zeira.”
A voice said. Tumingin ako sa tumawag sa’kin. Hindi dahil sa tinawag niya akong heiress kundi dahil pamilyar ang boses niya. Sa lahat ng nangyayari sa’kin ngayon, ang pagkakarinig ko lang sa boses niya ang pamilyar.
Hindi na ako nagtaka nang makita ko siya rito. “Cyrus.” Tawag ko sa pangalan niya. I was always bothered by his mysterious personality, well, not until he told me everything about me being the heiress pati na rin ang sa mga magulang ko. Pero lahat nga ba? Nang ipaliwanag niya kasi sakin lahat, bigla nalang siyang naglaho. Ang dami ko pa ring gustong itanong sa kanya. Gaya ng bakit alam nila Mimi at Didi na pinsan ko siya. Kung bakit niya alam ang lahat ng bagay na alam niya? Saang race siya nabibilang?
“Matagal ka nang hinihintay ng mga magulang mo, Heiress.” Nakangiti siya sa’kin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Napakapormal niyang magsalita na parang hindi siya ang pinsan ko. Pero hindi ko na iyon pinansin dahil mas nangibabaw ang excitement sa puso ko nang dahil sa sinabi niya. Hinihintay ako ng mga magulang ko? Where are they?
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...