Chapter 35: Confession

55.2K 1.3K 47
                                    

Chapter 35: Confession

Of all the things na nangyari sa'kin sa loob lang ng isang buwan. This confession is the most unexpected. Well, all were unexpected pero sa lahat ng unexpected na 'yun ito yung napakaimposible. Wren? And I? Geez. Impossible.

I literally froze when I heard him say those words. Pakiramdam ko, naririnig ko na naman yung mga boses. You're so stupid, Zeira. Bakit nga ba hindi mo agad nabosesan? Those voices are from Wren and you! Napailing ako ng wala sa sarili. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngayon lang nagsi-sink in sa'kin lahat ng mga nangyari.

"I-ikaw? Ikaw yung lalaki?" I asked him. Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko pa ring marinig mula sa kanya. Naguguluhan pa rin kasi talaga ako.

Tumango siya. "Oo, Zeira. Ako 'yun."

Marahan kong ipinikit ang mga mata ko, taking it all in. Makalipas ang ilang segundo ay saka ko binuksan ang mga mata ko at bumuntong hininga. "So we-- we were together?" Tanong ko pa na tinanguan naman niya. Nag-aalangan akong tanungin sa kanya ang mga bagay na 'to but I need to know. Napailing ako na umayos ng upo sa pavement na inuupuan namin. Madilim sa parteng ito ng subdivision but I don't care. All I care about now is the truth. "You loved me. I can't believe it." Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.

Minahal niya ako pero pinagtangkaan niya ang buhay ko. Why?

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-iling niya kaya tumingin ako ulit sa kanya. "What? You didn't--" he cuts me in mid sentence and I was shocked by his answer.

"Minahal kita. Ang kaso lang, mahal pa rin kita hanggang ngayon." Prangkang sabi niya.

Napatigil ako sa pagsasalita. Pakiramdam ko, hindi nagfa-function ng maayos ang utak ko ngayon dahil parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya. He chuckled when he saw my expression. Agad naman akong umiwas ng tingin nang mag-meet ang mga mata namin. Na-a-awkward-an ako sa sitwasyon namin. I like Viex and he knows that. But I just learned that we had a past. I loved him.

"Alam ko namang mahal mo na si Viex." Umpisa niya. Hindi ko siya tinignan dahil baka kung ano na namang makita kong emosyon sa green niyang mga mata. Hindi ko rin kasi kayang makita siyang nasasaktan dahil nasasakta rin ako. Tulad nalang nung concert. "Hindi ko naman sinasabi sa'yo ito para maibalik natin yung dati. Ayoko lang na sa iba mo pa malaman yung totoo." Dagdag niya pa.

Marahan lang akong tumango dahil hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Tahimik lang kami hanggang sa naisip kong magtanong ulit. "Bakit galit ka sa'kin nung nagkita tayo sa Mystic Palace?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Nag-away ba tayo dati? Did we break up?"

Umiling siya. "Hindi ako galit. Nasaktan lang ako dahil hindi mo na ako kilala. Nakalimutan mo na ako." Narinig kong medyo natawa siya. Pero hindi naman yung tawang masaya. Sarcastic laugh.

Nakaramdam ako ng konting inis dahil sa reason niya. Pero mas nanaig yung awa at pagkaguilty ko dahil hindi ko siya nakilala. "I'm sorry, but none of this is my choice and you know that." I blurted out feeling really sorry for what happened.

"Don't be sorry. Alam ko namang wala kang kasalanan. Masyado lang ako nadala ng emosyon ko. I'm sorry, my prin-- Heiress." He said. Then awkward silence came, again.

Ngayon, alam ko na. Kung bakit ko napanaginipan si Wren nung nakagat ako ni Roanna. Kung bakit malungkot siya nung nakita niya kami ni Viex sa concert. Nung unang beses kaming magkita at pagtangkaan niya ang buhay ko. At kung bakit ko naririnig ang boses niya. I guess, he really was the best thing that happened to me before.

Unti-unting gumaan ang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. But I still feel sorry for Wren. Gustuhin ko man na ibalik yung dati, huli na. Dahil may mahal na akong iba. And that's Viex.

"Wren?" I called. Napatingin naman siya sa'kin.

"Hmm?" Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa'kin

"Can we be friends?" Umpisa ko. Nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya pero ngumiti rin naman siya pagkatapos. A sad smile in particular. Napayuko ako. "I know I'm asking for too much but I really want to be friends with you." Tahimik lang siya kaya siguro ayaw niya. I sighed. Magsosorry sana ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nagulat ako hanggang sa naramdaman ko nalang yung labi niya sa noo ko.

Pagkatapos nun, humiwalay siya ang kaunti pero nakahawak pa rin ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Inangat nya ng onti ang mukha ko at saka ngumiti. "Matatanggihan ba naman kita?" Nakangiting tanong niya. Napangiti rin ako. "Alam ko namang maraming gustong makipagkaibigan sakin dahil gwapo ako. Kahit pa ang prinsesa ng mga mangkukulam." Dagdag nya na ikinasimangot ng mukha ko. Marahas akong humiwalay sa kanya at tumayo.

"Ang kapal talaga ng apog mo. Bahala ka dyan. Uuwi na ako." Sabi ko at nag-umpisa nang maglakad pabalik sa bahay namin.

Narinig ko ang malakas na pagtawa niya. Bumalik na naman siya sa pagiging mapang-asar niya. Napailing nalang ako habang naglalakad.

"Ingat, Zeira!" Rinig kong sigaw niya sa'kin. Napakunot ang noo ko at lumingon sa kanya. Nakatalikod na rin siya sa'kin at naglalakad papunta sa kanila.

"Hoy, aso!" Tawag ko sa kanya. Napatigil naman siya bigla. At muntik na akong matawa sa itsura niya nang humarap siya sa'kin. Nakasimangot ang mukha niya ng todo na parang gusto niya nang pumatay ng tao. "Hindi mo ba ako ihahatid?" Takhang tanong ko habang pinipigilan kong matawa.

Marahan siyang umiling. "Hindi. Kaya mo na ang sarili mo. Kapag may humarang sa'yo, kagatin mo." Nakasimangot pa rin niyang sabi.

I pouted. "Okay, aso. Bye!" Paalam ko sa kanya at madaling tumakbo papunta sa bahay. Wala pang ilang segundo, nakarating na agad ako. Well, being a vampire really has its own perks.

Napahinto ako nang nasa gate na ako at saka napangiti. Kaibigan ko na si Wren. Ex ko siya, yes. Kaya natutuwa ako na pumayag siyang maging kaibigan ko. And when he kissed my forehead, I felt happy. His kiss actually felt familiar.

Napatampal ako sa noo ko. "Forget it, Zeira!" Napapailing na sabi ko sa sarili ko.

Sa totoo lang, wala akong pakialam kung ngayon lang niya sinabi. Ang mahalaga, sinabi niya sa'kin. And I know that time heals. Alam kong makakamove on rin kami sa mga nangyari.


Five days later (Friday)

"I thought we're friends? Bakit sinusungitan mo na naman ako?" Naiinis na tanong ko kay Wren. Sinusungitan na naman kasi niya ako. Actually, nung nag-usap lang talaga kami hindi siya nagsungit e. Pero after nun, balik Wren the masungit na naman siya! Hindi ko rin magets ang ugali ng isang ito e.

"Ano bang pakialam mo? Manahimik ka nalang dyan at kumain." Masungit na sabi niya kaya napatingin sa'min yung ibang Welsh na nandito sa bahay nila. Pati si Tita Ysa, nakatingin samin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang kausapin ni Exl si Tita Ysa. "Tita, kung gusto niyo pong paalisin na yung dalawang away ng away dito, ayos lang po sa'min." seryosong sabi niya. Napatingin siya sa ibang mga kalahi niya. "Diba mga pre?"

Akala ko hindi sila sasagot dahil takot sila sa leader nila pero lahat sila nagsi-sang-ayon.

"Oo nga, tita. Walang problema sa'min." Sabi ni Ean.

"Naririndi na rin kami sa dalawang yan e." Singit naman ni Sade.

"Araw-araw nalang, Tita." Sabi na naman ni Exl.

At marami pa silang comments. Natatawa lang si Tita Ysa pati na sila Yana, Jae Kyline, Yumi at Yuki. Napabuntong hininga ako at tumingin ng masama kay Exl.

"Ano ba yan! Ang init dito. Makalabas nga muna." Bigla niyang sabi. Tumayo siya bigla at saka lumabas habang dala yung pagkain niya. Mainit? Napailing ako. Buti naman at nakuha siya sa tingin.

"Mainit daw. Centralized ang aircon niyo diba?" Tanong ko kay Wren na nasa tabi ko habang kumakain. Nandito kasi kami kila Tita Ysa para kumain. Umalis si Mimi at Didi para magdate, kaya hindi na ako sumama. Anniversary kasi nila. Buti nga, kasya kami sa mesa nila. I mean, buti nalang, nandito si Yana dahil pinahaba niya yung lamesa.

Kinilabutan ako nang tumingin na naman ng masama sa'kin si Wren. Nagpout nalang ako at hindi na siya kinausap. Baka kasi mamaya, balian na ako ng buto nun dahil kanina ko pa siya dinadaldal.

Pagkatapos naming kumain, pumunta muna ako sa likod ng bahay nila para magpahangin. May garden kasi sila dito kaya masarap tumambay. Alagang-alaga rin kasi ito ni Tita Ysa. Ang gaganda pa nung mga bulaklak.

Bigla kong naalala yung bulaklak na kinuha ko dati sa Otherworld nung unang beses akong dalhin ni Viex dun. Napangiti ako nang maalala yug exact scene. Yun ang unang beses na nakita kong nag-alala si Viex dahil sa'kin. Siguro nga, nung mga panahon palang na 'yun, may gusto na ako sa kanya.

"Miss him?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Jae Kyline. Nakangiti siya sa'kin kaya napangiti rin ako at tumango. Alam kong si Viex ang tinutukoy niya. Pero hindi ko alam kung paano niya nalaman. Siguro, halata na rin talaga sa'kin.

"Almost two weeks na rin siyang hindi nagpapakita sa'kin." Malungkot na sabi ko nang maupo siya sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa isang malaking bato na upuan. Medyo mahaba naman kaya kasya kami.

"Maybe he's busy, heiress. We know that he likes you. Magpapakita rin siya sa'yo." She said. Napangiti ako at tumango. She seems to know the feeling.

"Na-in love ka na ba, Jae Kyline?" Maang na tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko dahil hindi siya agad nakapagreact. Pero mukhang nakarecover rin naman siya dahil bigla siyang ngumiti.

"Yes, Heiress. But it was a tragic one." Nakangiti siya pero ramdam kong malungkot siya. Mukhang nasasaktan siya hanggang ngayon.

"I'm sorry." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa tragic na 'yon. Kung namatay ba yung lalaki o hindi lang talaga sila pwede pero nafi-feel ko pa rin na sobrang nasasaktan siya kaya hindi na ako nagtanong ulit. She just sighed and nodded. Siguro, ayaw niya lang talagang pag-usapan yung tungkol dun.

"Anyway, Heiress. What's up with you and Wren?" Natatawa niyang tanong sa'kin. Nagulat naman ako dahil bigla siyang nagtanong ng ganyan. Almost two weeks na kaming magkasama ni Wren na kaming dalawa lang pero dahil 'yon sa pagiging bodyguard nya raw. Kaya nga rin pumayag sila Mimi at Didi na iwan ako sa bahay ay dahil alam nilang kasama ko si Wren.

"Wala 'yun. We're friends. Saka binabantayan niya raw ako." I shrugged. Hindi rin naman kasi alam ng mga Welshes na mag-ex kami ni Wren. Kung magkita raw kasi kami dati, laging pasikreto dahil natatakot raw akong malaman ng mga magulang ko ang relasyon namin. Kaya bukod saming dalawa at kay Viex, wala nang ibang nakakaalam.

Nagulat rin ako nang malaman na alam pala ni Viex ang tungkol dun. Pero imbis na magalit sa kanya, mas lalo ko lang siyang namiss. Alam ko rin naman kasing hindi niya ugaling manghimasok sa business ng iba kaya naiintindihan kong hindi niya sinabi sa'kin.

"E bakit ang sungit niya sayo?" Naiintrigang tanong ni Jae Kyline. Nagshrug nalang ako ulit. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ang sungit ng aso na 'yun e.

"Hey guys! Ano'ng ginagawa niyo rito?" Napatingin kami parehas sa bagong dating na si Yana. Nginitian niya kaming dalawa kaya napangiti rin ako sa kanya.

"Nagku-kwentuhan lang." Sagot ni Jae Kyline sa kanya.

Tumango siya at tumingin ng mataman kay Jae Kyline kaya napakunot ang noo ko. Biglang nagbago ang expression ng mga mukha nila. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata nila kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Nag-uusap ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Naconfirm ko lang na tama ang hinala ko nang magulat silang pparehas. I can also hear their heartbeats beating fast kaya alam kong kinabahan sila.

Nagulat ako nang biglang ilabas ni Yana ang rose niya. 'Yun yung ginamit siya sa'kin dati para bihisan ako. Ano'ng gagawin niya dun?

"Misoru shiuelde." she mumbled at saka niya ipinaikot sa taas ng mga ulo namin yung rose niya. Nagtaka ako nang gawin niya 'yon. Napatingin pa ako sa paligid namin pero wala namang nangyari.

"What did you do, Yana?"  I asked.

She smiled at me, apologetically. "Don't worry, heiress. It was a shield spell."

"Shield spell?"

"Yes, heiress. Pinoprotektahan nito yung mga pinag-uusapan natin ngayon. As long as we're under the shield, no one will here our conversation. Lagi namin 'tong ginagawa kapag nag-uusap-usap tayo." Jae Kyline explained. Napatango ako pero nagtataka pa rin.

"Bakit kailangan pa natin ng ganito?" Tanong ko pa. Hindi ko rin kasi maintindihan. Wala namang ibang makakarinig sa'min bukod sa mga Welshes sa loob ng bahay. At bakit ngayon, kaming tatlo lang ang under ng shield spell na 'to?

"Vampires can hear us, heiress. You know that right? Kaya nilang makinig sa mga nag-uusap within 20 kilometers from them." Tumango ako. Minsan nagagawa ko yun basta magconcentrate lang ako. "And also, this is really important na kahit yung ibang Welsh, hindi dapat malaman."

"What do you mean?"

"Ah, Heiress. We have to tell you something." Nagkatinginan silang parehas na parang napakasamang balita ng sasabihin nila sa'kin.

"What is it?" I asked them, eagerly. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Nagkatinginan pa silang dalawa bago tuluyang magsalita.

"Tingin po namin, may spy sa Mystic Palace." Sabay nilang sabi. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Ano? Bakit?" Nag-aalala kong tanong.

"May mga patibong malapit sa House of Magic, pati na rin po Sensor spell. Naglagay kaming mga leaders ng maraming ganun sa paligid para kapag may malapit na Vampire o kalaban o may nahulog sa mga patibong na 'yun, biglang titigil sa paglalabas ng malinis na tubig yung fountain at magiging dugo 'yon. Those won't be triggered if they don't know what's behind that old house. But it did, heiress." Umpisa niya. That means may nakakaalam na kung nasaan ang Mystic Palace? "Walang ibang nakakaalam no'n at imposibleng may nakapasok na vampire sa Mystic Palace. Pwera nalang, kung may kasama siyang isa sa mga leader ng bawat race na kusang nagpapasok sa kanya. Kaya sigurado po kaming may spy sa Mystic Palace, Heiress.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon