Chapter 36: Signs
"I'm going home." I said and started to walk towards the door without even answering Wren's question. I don't want to get involved with their problems but I was and still am involved. I am their princess. I should protect them but how? I can't even protect myself.
Narinig ko ang pagtawag ni Wren sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Nasa loob na ako ng bahay nila at naririnig ng ibang welshes ang pagtawag nya sa'kin. Tumingin ako kila Tita Isa at nagpaalam. Tuloy-tuloy lang ako na lumabas dahil baka tanungin lang ako ng ibang Welshes. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa kanila.
But one thing's for certain. I need to know who's that traitor. I just don't know how. Kaya kailangan kong mag-isip.
"Wait, Zeira!" Nagulat nalang ako nang biglang may humila sa'kin kaya napaharap ako sa taong 'yun. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa'kin.
"Why?" I asked him.
"Are you mad?" Nagtatakha niyang tanong na ipinagtaka ko rin. Bakit naman ako magagalit? Distracted lang naman ako dahil sa mga sinabi nila Jae Kyline at Yana sa'kin kaya hindi ko siya pinansin kanina.
Umiling ako and looked directly on his green eyes. I still can't believe that this green-eyed monster loves me. "No, of course. Bakit?"
He sighed at saka ako binitawan. "Bakit ka uuwi nang mag-isa? Sasamahan na kita." Sabi niya at saka naunang maglakad. Pasaway.
"Stop there, Wren." And he did. Lumapit ako sa kanya. "Look, I need to think. At gusto ko ring mapag-isa kaya dito ka nalang muna. As you've said last week, I can handle myself. Don't worry. Kakagatin ko ang magtatangka sa'kin." Ngumiti ako sa kanya.
"Pero--"
"No buts, wolf!" Sabi ko sa kanya at nag-umpisa nang maglakad paalis pero napatigil ako sa paglalakad nang tawagin na naman niya ako.
"What again?" I crossed my arms at nakitang nakatayo pa rin siya kung saan ko siya iniwan ngayon-ngayon lang.
"Is this about Viex?" Tanong niya. Hindi ko nalang sinagot. Hindi lang si Viex ang problema ko. Pati na ang Mystic Palace . Pero siguro mas mabuting unahin ko muna ang mga Welshes do'n kesa sa sarili kong kaligayahan.
"Sige. Okay lang. Naiintindihan ko." He then again sighed. Aalis na sana ako nang magsalita siya ulit. "Isa pa pala! Pwede mo naman na sigurong tanggalin yung spell na nilagay mo sa'kin no? Hindi ako maka-alis dito." Mukhang naiinis na sabi niya naman.
Kumunot ang noo ko. "Wala naman akong nilagay na spell sayo, ah?" Sabi ko at saka lumapit sa kanya.
"Wala nga. Kaya nga hindi ako makaalis dito ngayon." Sarcastic na sabi niya. Ngumiti pa siya pero halata namang naiinis na rin siya.
"Pero wala naman talaga! At kung meron man, I don't know how to reverse or to dispell it." I said, innocently. Ano bang sabi ko? Stop there lang naman ah! Napatampal ako sa noo ko nang magsink-in sakin 'yon. Malamang nga naging spell yung sinabi kong 'yun!
"You're powerful, Zeira. Kailan mo ba yun mare-realize?"
I sighed. "Fine. I'm sorry. Hindi ko naman alam na mati-turn into a spell yung sinabi ko." I said.
"Isipin mo lang o kaya sabihin mo. Dalian mo lang dahil naiinip na ako." He just said. Inirapan ko lang siya at tumingin sa paa niya. Napakasama talaga ng ugali. Huminga ako ng malalim at itinuro ko sa paa niya yung hintuturo ko.
"Dispell!" Malakas na sabi ko. Tumingin ako sa kanya pagkatapos. "Ano? Makakalakad ka na ba-- W-wren?" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Ano'ng problema nito? Bigla-bigla nalang nangyayakap.
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...