Chapter 49: Allies
2 days before the wedding
Abala ang lahat sa paghahanda para sa pag-atake namin sa Arunafeltz Kingdom. Maraming mga inaayos ang mga sandatang gagamitin nila. Mayroon ring mga tuloy lang sa pagti-training. May mga nagpapahinga. May ibang gumagawa ng ritwal at iba pa. 1 month ago ko lang in-announce sa kanila na sa birthday kami ni Roanna aatake.
Maraming nabigla dahil mas napaaga ang pag-atake. Pero ito kasi ang original plan ko. Kinabukasan nung araw na umamin sa'kin si Yana, sinabihan ko ang Senior Leaders at Current Leaders na mas hirapan ang magiging training ng mga Welshes pati na rin ang mga kawal ng palasyo. Kaya alam kong sapat na ang mga lakas nila para manalo kami. Malaki rin kasi ang tiwala ko sa kanila.
Kasama namin sa magiging pag-atake ang lahat ng Sorcerers, Witches and Warlocks, Wizards, Elves at yung sampung Werewolves. May ibang Welshes rin na sasama at tutulong para mas lumakas ang pwersa namin dahil di hamak na mas marami ang Vampires samin. Mas mabilis pa sila. Kaya kahit may kakayahan kaming magcast ng spell, sigurado akong pahihirapan pa rin nila kami.
Pero alam kong matatalo namin sila. Hindi man lahat ng Vampires pero alam kong mapapatay ko silang mag-ama. Sila lang naman ang target ko. Hindi dahil sa gusto kong makaganti dahil sa ginawa niya sa parents ko at sa Lairhart. Kundi dahil gusto kong lumaya na kaming lahat sa kasamaan ni Leo Arunafeltz. Pakiramdam ko kasi, buong Otherworld ang naghihirap nang dahil sa maling pamumuno niya.
Every month rin akong umiinom ng dugo ni Wren. At ngayon, lahat na ng ala-ala ko, bumalik na sa'kin. And thanks to him. Kahit kasi nanghihina siya after ng ginagawa ko, willing pa rin siyang ipagpatuloy yun every month.
Matagal ko nang natuklasan yung tungkol sa Book of Death. Nakuha ko yung weapon na nakatago dun dahil sa dugo ko. Sounds funny but I feel like my blood is the key to that book. O sinadyang maging ganito ako para mabuksan 'yon? Kasi nung tinry kong dugo ni Wren ang ilagay don, hindi naman gumana. Hindi ko siya nabuksan.
And yung tungkol naman sa weapon. It's a Neb wood. Kasing haba yun ng isang buong braso ng tao at sobrang tulis nung dulo habang may silver na hawakan naman sa kabilang dulo. Pero hindi lang yun. May nakapulupot dun na parang tangkay ng rose na naging kasing kulay na nung kahoy.
Nalaman ko ring yun nalang ang kaisa-isang Neb wood dito sa Otherworld dahil sinunog daw lahat ng Neb Tree dito noon ng mga sinaunang Vampires. Yun daw kasi ang nakakapatay sa mga Vampire Royalties. Kumbaga, sila kasi yung mga talagang pure vampires kaya mahirap silang patayin. Hindi sila basta basta namamatay sa isang ordinaryong kahoy.
Akala nila dati nasunog na nila lahat yun pero may naitago pa pala ang isang Sorcerer na Ancestor namin at nilagay sa isang libro. Dumaan ang maraming taon at walang nakapagbukas nung librong yun. Ako palang. Isa yun sa mga rason kung bakit kampante akong mananalo kami at mababawi ang Otherworld.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa papalubog na araw. Nandito ako sa tagong garden ng Palasyo. Actually, ako lang talaga ang pumupunta dito lagi para mag-isip isip. Last last month ko lang 'to nadiscover at simula nun, araw-araw na akong nagpupunta dito. Makulay kasi dito tapos ang sarap pa ng simoy ng hangin.
Napangiti ako ng malapad nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko. Gusto kong matawa dahil kahit nagtatago siya, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig niya. "Lumabas ka dyan, Wren. Alam mong nate-trace kita kapag wala ka sa wolf transformation mo." I smirked.
Ramdam kong napamura siya at lumabas sa isang punong pinagtataguan niya kanina. Nakaupo ako sa damuhan at napansin kong tumabi siya sa'kin. For the last 8 months, si Wren ang madalas kong kasama. Kapag may nangyayari sa'king masama o maganda, siya ang laging nasa tabi ko. Minsan nafi-feel ko na kulang ako kapag hindi ko siya nakikita pero kapag naman nandyan siya, sobrang sumasaya ako. Yung pakiramdam na hindi mo na gugustuhing matapos yung nangyayari dahil siya ang kasama mo?
Alam ko namang mahal ko siya. Lalo pa't bumalik na ang mga alaala ko. Mas lalo ko lang napatunayan na deserving siyang mahalin. Pero kahit ganon, hindi ko masabi sa kanya yung nararamdaman ko. Hindi ko masabing mas mahal ko na siya kay Viex ngayon. Ayoko na kasing magkamali. Gusto kong maconfirm ko muna lahat ng nararamdaman ko. Ayokong sabihin sa kanya na mahal ko siya tapos kapag nakita ko si Viex, malalaman kong hindi pa pala talaga ako nakakamove on.
Yes. Nakamove on na ako. Ramdam ko 'yun. Pero hindi pa rin ako pwedeng magsabi ng tapos. Life is tricky. Minsan kasi akala mo nakamove on ka na sa isang tao pero kapag nakita mo siya, bigla mo nalang kakainin lahat ng sinabi mo. Hangga't ganito ng nararamdaman ko, hanggang may doubt pa ako sa sarili ko, hindi ko muna sasabihin sa kanya. Ayokong masaktan na naman siya nang dahil sa'kin. I might as well die if I hurt him again. Kaya sasabihin ko nalang sa kanya ang bagay na 'to kapag natapos na ang second war.
"Parang ang lalim ng iniisip mo, ah?" Seryosong tanong sa'kin ni Wren. Napatingin ako sa kanya pero inirapan ko kaagad siya.
"Ano naman sayo?" Pabalang na sagot ko.
Biglang nagsalubong ang dalawang kilay niya. "May problema ka ba sa'kin?" Halata kong naiinis na siya kaya napangiti ako ng nakakaloko. Gustong gusto ko talagang naiinis siya. Hindi kasi siya natatakot na ipakita yung totoo niyang ugali sa'kin. Na parang sa way na 'yon, sinasabi niyang totoo lahat ng sinasabi at ginagawa niya.
"Wala naman. Iniinis lang kita." Natatawa kong sabi. He tsk-ed kaya mas lalo akong natawa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kami nakakasurvive sa nagca-clash na ugali namin. Kahit kasi nag-aaway kami madalas at nagsisigawan, we're still ending up together. To be honest, that's one of the reasons kung bakit alam kong kami ang magkasama. Kung bakit kami ang pinagsama ng tadhana.
"Ang lakas mo talagang mang-asar." Hindi na siya nakatingin ngayon. Sa araw na na konti nalang, lulubog na.
"Nagsalita naman ang mas malakas mang-asar." I said, still smirking.
Napasimangot lang lalo si Wren at hindi na sumagot. Nagstay lang kami dun hanggang sa lumubog yung araw. Aalis na sana kami nang may biglang sumulpot sa harap namin ni Wren. Nagulat ako nang makita siya dito. Hindi ko ineexpect na magpapakita pa siya sa'kin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.
"V-viex. Ano'ng ginagawa mo dito?" I said gritting my teeth in anger. Paano siya nakapasok dito?
"I want to talk to you." Napatingin pa siya kay Wren pagkatapos niyang sabihin 'yon. Na parang gusto niyang sabihin na paalisin ko si Wren dito.
Umiling ako. "Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na bago pa man ako tumawag ng mga kawal." Galit na sabi ko. Tahimik lang si Wren at nakatingin ng masama kay Viex. Pinakiramdaman ko lang ang sarili ko. What am I feeling? Nararamdaman ko pa ba yung mga bagay na nararamdaman ko kapag kasama ko si Viex dati?
I tried to wash my thoughts away. Hindi yan ang dapat mong isipin ngayon, Zeira. May nakapasok na kalaban sa teritoryo namin at hindi ko alam kung ano'ng binabalak niya.
"We're still going to talk." Cold na sabi niya habang unti-unting lumapit sa'kin. Pero bago pa siya tuluyang makalapit ay humarang na si Wren sa gitna namin. Kaya likod nalang niya ang nakikita ko ngayon.
"Umalis ka dito, Viex." Nanlamig ang buong katawan ko sa tono ng boses niya. Dalawang beses ko palang narinig ang ganyang tono niya. Ngayon at nung kinausap niya rin si Viex dati nung sumalakay sila sa Mystic Palace.
"No, Wren. She needs to know everything." Giit pa rin niya. Pakiramdam ko, nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Agad kong hinawi si Wren sa harap ko para harapin si Viex. I slapped him hard on the face.
"Everything, huh?" Halos mangiyak-ngiyak kong sabi. But no! Handa ako sa mga ganitong pangyayari kaya hindi ako iiyak. Hindi. Hindi sa harap niya. "Ano pa bang natitira sa 'everything' na sinasabi mo, Viex? Didn't you hurt me enough because of that everything?" Tinulak tulak ko siya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam pero ayoko nang marinig ang mga sinasabi niya. Pakiramdam ko kasi, mahuhulog na naman ako sa mga kasinungalingan niya. "Ano pa, ha? Ano pa?" Bulyaw ko sa kanya.
Napatigil ako sa pagtulak sa kanya nang maramdaman ko ang hawak ni Wren sa balikat ko. "Ayaw na kitang makita, Viex! Umalis ka na dito!"
Nakayuko lang si Viex at hindi nagrereact. Ano? Tinablan na ba siya? Kasi ako, sobrang sawa na sa mga ginagawa niya.
"That's so mean, my dear." a familiar voice came.
Napatingin kaming lahat sa kanya. At halos hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan siya pero agad rin naman siyang nakalayo. Tinignan ko silang dalawa. "At nagsama ka pa talaga ng demonya? Ang kakapal ng mga mukha niyong pumunta dito!" Naiinis na sigaw ko sa kanila.
Umiling si Roanna habang hindi naman umiimik si Viex. "We just want to help you, Zeira. Pakinggan mo naman kami." Roanna said. May iba sa boses niya ngayon. Hindi yung usual na tono niya. Walang halong kasamaan. Parang--parang sobrang sincere ng sinasabi niya.
"I'm sorry but I don't need your help. Tara na, Wren." Sabi ko at saka hinila si Wren. Pero napatingin ako sa kanya nang hindi siya gumalaw. Nakatingin lang siya sa'kin na parang wala siyang pakialam sa nangyayari. At ayaw niyang sumama sa'kin. Napakunot ang noo ko at nilapitan siya.
May iba sa mata niya. Mas malaki yung irises niya ngayon kesa sa usual na size nito. Naiinis na napatingin ako kay Roanna. "Why did you compel him?" Wala talaga akong time para makipagbiruan sa kanilang dalawa.
"Para hindi ka makaalis dito. Alam ko namang hindi mo siya iiwan kasama kami, am I right?" She said.
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Nakakainis! Ano bang gusto nilang mangyari?
"Just give us a few minutes to explain. Please." Viex said. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sakin ng matiim. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Hindi ko rin naman kayang magtiwala pa pagkatapos niya akong paikutin.
"Kailangan mo talagang malaman ang mga sasabihin namin, Zeira. So please hear from us." Sabi naman ni Roanna.
Bumuntong hininga ako at tumango. "Fine. 10 minutes to explain." Sabi ko at humalukipkip.
Ngumiti sa'kin si Roanna na akala mo magkaibigan kami kaya inirapan ko siya. Napasimangot siya bigla dahil dun.
"First of all, nabalitaan namin ang gagawin niyong pag-atake sa Arunafeltz. And we want to help." sincere na sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What the heaven are you saying?" That's not what I was expecting for her to say. Sino ba naman ang matinong taong tutulungan ang kalaban para pabagsakin ang kaharian niyo?
"Sawa na ako sa kasamaan ng Daddy ko. I want all of this to end. And if it meant killing him, then I won't think twice." determinadong sabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan pero may konting part sa'kin na gustong maniwala at tanggapin yung tulong na gusto nilang ibigay.
"Paano naman ako nakakasigurong hindi ito kasama sa plano niyo para gumanti samin?"
She sighed. "We've been helping you since nakita ka namin sa Finelry High. Pinapahanap ka samin ni Daddy para patayin pero nang iba ang naging plano namin. We've been protecting you, Zeira. Kung tutuusin nga, utang mo samin ang buhay mo." She said. Magrereklamo sana ako pero hindi niya ako hinayaang magsalita. "Hindi ako ang kaaway mo. Hindi ako ang nanggulo sa office niyo dati. Hindi rin ako ang gustong magpapatay sayo. True enough. Pinakitaan kita ng puro kasamaan. Pero ginawa ko yun para hindi maghinala samin si Daddy. Dahil kapag nalaman niyang tinutulungan ka namin, papatayin niya rin kami."
"What do you mean?" Naguguluhan ako nang dahil sa mga sinasabi niya. Gustuhin ko mang i-digest lahat, hindi ko magawa.
"Nagpadala dati si King Leo ng taong papatay sa'yo. Nang malaman namin yun, pinilit namin siya ni Viex na ipadala rin niya kami para hanapin ka at patayin. Para bantayan ka. Dahil hindi ka pwedeng mamatay. Ikaw lang ang makakapatay sa Daddy ko kaya hindi ka pwedeng mapatay."
"Sinong pinadala niya para patayin ako?"
"Si Night Collins."
Napakunot ang noo ko. Niloloko ba nila ako? Kaibigan namin si Night Collins! Isa pa, tao siya! Hindi siya Welsh! Nahalata siguro nila na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila kaya nagsalita si Viex.
"He's a slayer, Zeira. He wants to be a vampire but the ritual didn't work on him." he said.
"That's right. Sinusunod niya si Daddy dahil pinangako ni Daddy na gagawin siya nitong Vampire kapag sinunod siya nito. At nang nalaman ni Dad na nasa iyo yung Book of Death, mas lalo niyang inutusan si Night na patayin ka at ipakuha yung libro." Segunda ni Roanna.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa inyo. Isa pa, ang sabi nila iisa nalang ang slayer na natitira sa buong Otherworld. And that's Viex." Naiiling na sabi ko.
Bumuntong hininga si Roanna. "Sa buong Otherworld, oo. Pero hindi sa Mortal World." Sabi niya. "Siya yung nanggulo ng office niyo. He made an illusion para isipin mong ako yun. Pabor sakin yun dahil iisipin mong sobrang sama ko. But no, siya ang may gawa nun dahil hinahanap niya yung libro sayo. Nasa akin pa yung libro nun at naghahanap ako ng way kung paano ko ibabalik sayo hanggang sa lumabas kayo ng Finelry. Pero hindi pa rin tumigil si Night hanggang makuha niya yung libro. Kaya ko siya pinapatay kay Mishiena. At nung namatay siya, nawala na yung Mark niya sa leeg. At ang nakita mo nalang ay yung kagat ni Mishie sa kanya."
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Sa lahat ng sinabi niya, isa lang ang tumatak sa'kin. "You turned her just to kill Night Collins?!"
"Yes and no. Yes dahil isa yun sa mga rason. Dahil hindi ako ang pwedeng pumapatay kay Night. And no. I turned her para gamutin ka kapag pinasahan kita ng dugo ko. Para maging Vampress ka. Ayoko mang gawin yun but that's the only way para bumalik ang alaala mo." Naaalala ko nun na si Viex pa raw ang sumundo kay Mishie. Ibig sabihin, alam niyang mangyayari yun? Kasabwat siya nila Roanna? At yung gabing kinagat ko si Alexis at hindi ko makita si Viex. "Planado na lahat, Zeira. Ako ang gumawa ng paraan para makuha mo yung libro at si Viex naman ang nagdala sayo sa Otherworld. Pinalabas namin na isa sa mga plano namin ang ma-fall ka kay Viex para hindi malaman ni King Leo lahat ng ginagawa namin. We did that because we really need you, Zeira."
Natulala ako nang dahil sa mga sinasabi niya. Dapat ba akong maniwala sa kanila? Tinry kong isipin lahat ng nangyari. Nakuha ko yung Book of Death sa NBS pero impossibleng mapunta nalang dun bigla ng isa sa mga pinaka-iingatang libro ng mga Vampires. Ilang beses akong nanganib mamatay nang dahil dun. Tapos after nun dinala ako ni Viex sa Otherworld para sabihin na kaya niyang gumawa ng illusion.
Then I became a vampire, then a vampress. Nung nakuha yung Book of Death sakin, nakatanggap si Mishie ng invitation sa party sa Arunafeltz at pinadala rin nya sakin yon para pumunta ako. Ibig sabihin, si Roanna ang nagbigay nun sa kanya. Kung iisipin, planado nga ang lahat.
"You mean, kaya ako sinaktan ni Viex dati ay para maisip kong pamunuan ang Lairhart at gumanti sa inyo?" Dahan dahang tanong ko. Nagkatinginan sila at tumango. Gusto kong umiyak pero at the same time, magpasalamat sa mga ginawa nila. Oo. Nasaktan ako pero yun din ang naging way kung bakit nandito ako ngayon. "Bakit mo 'to ginagawa, Roanna? Bakit gusto mong patayin ko ang sarili mong ama?" I asked her.
Nagulat ako nang ngumiti siya. Pero may tumulong luha sa mga mata niya. "Because he killed my mother." Nabigla ako nang dahil sa rason niya. And from that moment, parang gusto ko siyang lapitan at yakapin. Tuloy-tuloy ang pag-iyak niya. "Mabait ang Mommy ko pero pinatay niya ito nang hindi nito sundin ang lahat ng gusto niya. I love my Dad pero hindi ko na kayang tiising ang lahat ng ginagawa niya. I told you already. If killing him means making him to stop then I won't think twice."
Natahimik lang kami pagkatapos niyang magpaliwanag. Ayaw ko mang aminin, pero alam ko mismo sa sarili ko na naniniwala ako sa mga sinabi niya. Hindi ko matanggap pero kailangan.
Hinintay ko muna siyang matapos umiyak bago ako magsalita. "Handa ka bang sirain ang mismong araw ng kasal mo para lang tumulong samin?" Tanong ko.
Tumango siya. "I love Viex." Napatingin siya sandali kay Viex at saka napangiti. Nakatingin lang ako pero nagtaka ako nang hindi ako makaramdam ng kahit na anong kirot sa puso ko. Siguro masakit pa rin yung ginawa niya sa'kin dati pero ngayong nalaman ko na ang lahat, pakiramdam ko, nakalimutan ko na rin lahat ng sakit na naranasan ko sa kamay nilang dalawa. Kasabay na rin nung feelings ko para sa kanya. "Pero hindi ngayon yung tamang oras para magpakasal kami. Lalo na't nasa process pa siya ng pagmomove on." Sabi niya at saka napatingin sa'kin. Napangiti ako ng alanganin. Na-awkward-an ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, mahal pa ako ni Viex? "Sana, Zeira, mapatawad mo kaming dalawa sa lahat. Lalo na si Viex. He sacrificed a lot--"
"Roanna."
"What? I'll tell her. Tanggap na rin naman niya." She rolled her eyes at him. "So yun nga. He sacrificed a lot even his feelings for you. Sa sixteen years na nawala ka, halos mabaliw ang isang to para lang mahanap ka. Akala ko pa nga dati, naniwala siya sa mga pangbi-brainwash ni Daddy sa kanya. Pero may isang rason siya para hindi gawin 'yon. And that's you. Kung alam mo lang kung gaano kita kinaiinggitan, Zeira." Napapangiwing sabi niya. Napailing si Viex kaya napangiti nalang ako.
"It's all in the past, Roanna. Napatawad ko na si Viex. Pati na rin ikaw. Lalo na sa mga sinabi nyo sa'kin ngayon. I'm sorry kung pasaway ako kanina." Napakamot ako sa ulo ko bigla.
Napangiti rin si Viex sa'kin. Ngayon ko nalang ulit nakita ang genuine smile niya. "I'm forgiven?" He asked.
I nodded. Nagulat ako nang bigla siyang humakbang palapit sakin. He hugged me as tightly as he can. And so i hugged him back.
Roanna clears her throat. "Fiancee here, Zeira. Isa pa, nagseselos na rin yata yung isa." He said. Napatingin naman ako sa tinuturo niya at nakita kong nakatingin na ng masama samin si Wren. Sinamaan ko lang rin siya ng tingin at saka humiwalay sa pagkakayakap ni Viex.
Lumapit ako sa kanya. "Nakawala ka na pala sa compulsion ni Roanna, hindi ka pa nagsasalita." Inis na sabi ko kay Wren. Mas lalo niya akong tinignan ng masama.
"Anong gusto mong sabihin ko? 'Ehem. Ex here. Baka gusto niyong maghiwalay?'? Ganun ba?" Inis na sabi niya. Natawa naman kaming lahat nang dahil sa asal ng asong to. Tinignan ko lang ang inis na inis na mukha niya. Ngayong alam ko na lahat at napatunayan ko nang hindi ko na mahal si Viex gaya ng pagmamahal ko sa kanya dati, mas confident na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Umiling ako. "Pwede namang," I cleared my throat. "Boyfriend here. Baka gusto niyong maghiwalay?" Ginaya ko pa ang boses niya na mas nagpakunot ng noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
Napabuntong hininga ako. Ang slow ha! Kainis. "Wala!" Narinig ko pang tumawa si Roanna kaya napatingin ako sa kanya. May naalala rin kasi akong itanong. "So what's your plan?" Seryosonh tanong ko kaya napangiti siya ng nakakaloko.
Dahil sa nangyari ngayon, mas lalo lang lumakas ang loob kong matatalo namin ang Hari ng Arunafeltz Kingdom.*****
Add me for updates! :)
FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The HeiressLove,
Jin
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasíaTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...