Epilogue
1 year later
Wren's POV
"Wren/Leader..."
"Mauna na kayo. Dito na muna ako." Malamig na sabi ko sa kanila. Ayaw pa sana nilang umalis pero wala rin naman silang nagawa. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ng isang tao sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Stop blaming yourself, bro. Siguradong malulungkot siya." Viex said.
Tumango nalang ako para matapos na. Gusto ko lang namang mapag-isa. Bakit hindi nila maintindihan 'yon? Naupo ako sa tapat ng isang magandang bulaklak na tumubo dito sa tagong garden na paborito niyang puntahan dati pa. Dito sa mismong spot na 'to siya laging nauupo dati. Nung nalaman kong dito siya lagi tumatambay para mag-isip, dinalasan ko na rin ang pagpunta dito. Hindi man kapani-paniwala pero baliw na baliw talaga ako sa babaeng 'yon. Sa babaeng hindi ako naalala agad. Sa babaeng pinakamamahal ko. At sa babaeng pinatay ko. Isang taon na rin ang nakalipas pero tangina, hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa bulaklak.
"16 years. Sa loob ng 16 years nagdusa ako dahil wala ka. Nung nakita naman kita, may mahal ka nang iba. Tangina diba? Tapos nung ako na ulit ang mahal mo, saka ka naman nawala. Buti kung nilayasan mo lang ako e. Matatanggap ko pa. Kaso hindi e. Wala na ba talaga tayong pag-asa?" Mapait na sabi ko. Nakakatawang isipin dahil parang konting tulak nalang, mawawala na ako sa sariling pag-iisip. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakakasurvive sa araw araw na wala siya e. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang mabuhay kung yung mismong taong mahal ko, pinatay ko. Nakakabakla pero naramdaman ko nalang na bigla na namang tumulo ang mga luhang namumuo sa mata ko.
"Siguro sinisisi mo ako, no? Kasi ako, kahit ilang beses nilang pagaanin ang loob ko, wala e. Ako pa rin talaga yung nagtarak ng kahoy na 'yun sa dibdib mo. Ang gago ko talaga 'no?" Natawa ako pero naging iyak rin 'yon. Nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na 'yung bulaklak, tumatawa pa ako habang umiiyak.
"Dapat, Zeira, sinama mo nalang ako e. Nakakaselos. Buti pa yung Leo na 'yon kasama mo mamatay. E ako, buhay nga. Hindi ko naman alam kung paano ko ipagpapatuloy yung buhay ko." Pinunasan ko yung mga siraulong luha na lumalabas sa mata ko at natawa ng mahina.
"Bakit ganun? Bumalik na sa dati yung Otherworld dahil napatay mo na lahat ng kalaban natin. Nailigtas na ni Yana yung tatay niya. At sila na rin nung gagong Zero. Nagiging sweet na sa isa't isa sila Syndrie at Riley. Unti-unti, minamahal na ni Viex si Roanna at pinamumunuan na nila ang Arunafeltz Kingdom. Si Jae Kyline naman bumalik sa Mortal World para balikan yung mahal niya. Si Lrindoza, grumaduate na kaya bumalik dito sa palasyo niyo. Kaya nga mas nalilito ngayon si Mishiena kung sino ang pipiliin sa kanila ni Exl." Napailing ako. "Lahat sila, masaya. Ako, miserable. Sa bagay, kasalanan ko naman kung bakit. Pinatay kasi kita."
Napabuntong hininga ako. May mga pagkakataon na gusto ko nalang magwala at saktan ang sarili ko. Pero alam ko namang hindi na nun maibabalik ang buhay na sinayang ko. Wala na e. Wala na siya. Ano pang magagawa ko? "Makakasama pa kaya kita ulit?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
"Ah. Mali. Alam kong makakasama pa kita. Magpapakasal pa tayo at bubuo ng pamilya." Napangiti ako. "Hihintayin kita, mangkukulam. Tandaan mo yan. Kapag naman napagod na ako kahihintay, ako na mismo ang susunod sa'yo dyan. Ipinapangako ko sa'yo yan."
—
Zeira's POV
1 year ago nagising ako sa isang napakadilim na lugar. I don't know where am I and all I could feel was beyond loneliness that time. Hindi ko alam kung nasaan ako. I feel so lost and empty. Ibang iba sa mga naranasan ko dati nung nasa Lairhart ako. I tried to find Wren but I saw no one. And when I say no one, I mean it.
Sa isang taon na 'yun, natuto akong kausapin ang sarili ko. Natuto akong magpalipat lipat ng lugar. Natuto akong mamuhay ng walang kasama. Alam kong namatay ako. Kaya naman sobrang pagtataka ko kung bakit pagkagising ko, nasa isang madilim at deserted town ako. Tinry kong maghanap ng mapagtatanungan pero wala. This place looks normal but the fact na walang tao dito, something's really wrong. I am supposed to be in a place where souls go. Pero pakiramdam ko, buhay pa rin ako at na-trap lang ako sa isang lugar kung saan walang tao. The funny thing is, I don't know how to find my way back to my home. Hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko. Sa araw-araw na paggising ko, ang tinatanong ko sa sarili ko ay kung nasaan ako. Bakit wala sila Wren dito? Bakit ako lang mag-isa? Is this some kind of a punishment? And am I really dead?
Until one day, I met a guy. The first man in my whole year here! I felt so relieved that time. Pakiramdam ko, makakabalik na ako. May pag-asa na ko. He told me na namatay rin siya and he was also a Welsh. A Werewolf to be exact. Dahil nga sa kanya, naalala ko si Wren. Pero blue ang mata niya.
"Sigurado ka bang walang way pabalik sa Otherworld?" Tanong ko sa kanya. He shrugged. "Not sure with that. Pero sinasabi ko na sayo, Zeira. I've been here for 5 years at wala akong nakitang way pabalik. Ikaw nga lang rin ang ka-isa-isang nakita ko dito. Odd things happen here. Pero ang makakita ng tao o Welsh, yun ang pinakanakakagulat." Napabuntong hininga nalang ako.
"Ano bang klaseng lugar 'to?" Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi pa rin yon nakaligtas sa tenga niya. Natawa siya. Tawa na nakakapag-paalala sa'kin kay Wren.
"I told you already. I call this place The Lost World."
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasiTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...