Chapter 23: An Alistair
Author’s POV
“May problema ba, Zy?” hindi mapigilang magtanong ni Mishie sa kaibigan niya. Simula kasi nang dumating ito sa dorm nila ni Syn, wala itong kibo. Like there’s something big bothering her, again. Hindi naman kasi sila sanay na ganito ang kaibigan niya. Oo, lagi itong busy dahil sa pagiging top student nito pero hindi naman ito nagiging ganito katahimik.
Hindi siya nito sinagot kaya umayos siya ng pagkakaupo sa kama ni Syn at binitawan muna ang ginagawa niya. “Zeira Saldivar!” she bursts out in annoyance. Mahal niya ang kaibigan niya at ayaw niyang masyado itong nagpapakasubsob sa tungkulin nito. Isa nga rin ‘yong dahilan kung bakit siya pumayag na maging secretary ng FHCOL. Para na rin matulungan niya si Zeira.
“H-huh?” parang wala pa rin sa sariling sagot nito sa kanya.
“I’m asking you kung may problema ka. What’s bothering you?” may halo nang pag-aalala sa boses niya. Obviously, Zeira’s not paying attention. Halata nga rito ang dami ng iniisip.
“Wala. Iniisip ko lang yung sem-ender party.”
“What about it? We’re almost done na nga e.” pinakita pa niya rito ang mga papers at proposals na pinipirmahan nalang nila. Meron na ring budget kaya hindi na rin naman sila magkakaproblema.
“Uh. Never mind.” Ngumiti nalang ito sa kanya. “Nag-approve na ba yung mga sponsors na pinadalhan natin ng letters? How about the band?” she suddenly changed the topic.
Wala namang nagawa si Mishie at bumuntong hininga nalang. “Some sponsors already sent us emails na they’re approving our proposals, while the others are still not responding. ‘Yung band naman ay okay na.” she explained.
Dalawang set kasi ang mangyayari sa sem-ender party. Since end naman ‘yun ng sem and they want it to be memorable, ginawa nila itong hindi lang basta party. Sa umaga kasi, magkakaroon ng iba’t ibang klaseng booths ang bawat klase ng 3rd at 4th years. Since may tag-limang section ang 3rd at 4rth years, magkakaroon ng ten booths. Buong araw itong open habang sa gabi naman ay magkakaroon ng band party. Kaya nag-imbita sila ng isang sikat na banda para tumugtog.
Ngumiti si Zeira at saka bumalik sa trabaho niya kaya ipinagpatuloy na lang rin ni Mishie ang ginagawa niya kanina.
Ilang sandal lang ang nakalipas, “Ah—Mish?” nag-angat si Mishie ng tingin nang tawagin siya ng kaibigan. Nagulat pa siya dahil akala niya mahabang katahimikan na naman ang mangyayari.
“Why?”
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasíaTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...