Chapter 27: Misery In Every Mystery

54.4K 1.4K 105
                                    

Chapter 27: Misery In Every Mystery

Naglalakad lang kami ni Viex papunta sa likod ng ladies dorm habang nagkukwentuhan. Nakakatuwa nga at hindi siya masungit ngayon. Ano kayang nakain nito?

"Bakit mo pala ako hinintay sa office?" tanong ko sa kanya.

He shrugged. "I just want to."

Napailing ako sa sagot niya. Gusto niya lang? "Ibang klase." I whispered pero sapat na para marinig niya. "Alam mo bang bawal pumasok ang hindi member ng FHCOL dun?" I asked him.

He just nodded. Hindi siya sumagot kaya tinanong ko ulit siya.

"Eh bakit ka pumasok?"

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil ulit ako. Malapit na kami sa ladies dorm at liliko nalang para makapunta sa likod ng dormitories. Nag-init ang mukha ko nang tumingin siya sa'kin. Hindi ko alam kung dahil saan pero siguro dahil sa coldness niya especially ng mga mata niya. Balik cold Viex na naman kasi siya.

"Why did you hug me?" he asked coldly as I gulp hard. Hindi ko alam ang isasagot. Kanina ko pa rin kasi tinatanong sa isip ko 'yan. Bakit ko ba siya niyakap?

Parang anytime, sasabog na yung mukha ko sa sobrang init nito kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Ugh. Bumabalik na naman lahat ng naramdaman ko kanina. Ano ba talaga 'to?

"W-why did you hug me back?" ganting tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako titingin lalo na nang bigla niyang hinuli ang tingin ko na naging dahilan para mapalapit ang mukha niya sa mukha ko. Geez, Viex! Why are you doing this to me?

"I've always wanted to hug you, Zeira. Now, why did you hug me?" Pilit niya pa ring hinuhuli ang tingin ko kaya umatras na ako palayo sa kanya. Napatakip ako bigla ng mukha dahil ang init init na talaga ng mukha ko. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Daig ko pa yata ang sinintensyahan ng kamatayan dahil sa nararamdaman ko.

"T-tigilan mo nga ako, Viex." Nanginginig na rin ang boses ko. Naramdaman kong papalapit siya sa'kin kaya umatras lang ako ng umatras.

"You're blushing." He said.

Nagulat ako nang dahil sa sinabi niya kaya tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko. "No, I'm not!" depensa ko. Bakit naman ako magba-blush? Hindi! Hindi!

"Then why is your face turning into an apple with hair?" he asks. Ano ba naman tong lalaking to? Inaasar niya ba ako?

"Am I wearing my 'Hey! I'm blushing, tease me, Viex' shirt? Bakit mo ba ako inaasar?" sigaw ko sa kanya. Hindi naman ako naiinis. Actually, I'm enjoying this. I've never thought na magkakaroon ng time na magiging ganito kaming dalawa. Well, minus the apple with hair thingy.

"Hahahahahaha!" Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. As in malakas. Na tipong nakahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa. What the heaven is this? Si Viex ba talaga to? He's laughing real real real hard!

"You never cease to amaze me." Napapailing na sabi ko habang nakatingin sa kanya at pinagmamasdan lang siyang tumawa. Napangiti nalang ako. Ang cute niyang tignan habang tumatawa.

"Viex?" A familiar voice calls out.

Gulat akong napatingin sa taong 'yon. Si Roanna. Nakatingin siya kay Viex na mukhang gulat na gulat pero may iba pa. Parang... parang nasasaktan siya.

Napatigil bigla si Viex sa pagtawa niya at napatingin rin kay Roanna. Yung kaninang masayang expression ng mukha niya, ngayon bumalik na ulit sa pagiging cold. Ang bilis naman magbago ng expression ng mukha ng lalaking ito.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon