Chapter 34: Love and Lies

54.3K 1.4K 108
                                    

Chapter 34: Love and Lies

A week passed...

"Bakit ka ba sunod ng sunod?" Naiinis na tanong ko kay Wren.

"Bakit ba reklamo ka ng reklamo?" Pabalang na namang sagot niya. Napakasama talaga ng ugali! Nakakainis! Geez. For a week, lagi siyang nasa bahay. Kung saan ako pumunta, nandun rin siya. Parang gusto niya nga yatang pati sa banyo, sundan niya ako e! Isang linggo ring sumasakit ang ulo ko dahil puro siya lang ang nakakausap ko. Akala ko pa naman, makakapagpahinga ako sa two weeks na bakasyon pero mukhang wala yata siyang balak na patahimikin ang mundo ko.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakangisi na naman siya na akala mo nanalo siya sa lotto. "It's not funny, Wren. Seriously." I rolled my eyes at him but he just flashed his infamous grin at me. Napipikon na ako pero ano naman silbi? He still won't back off.

Tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa playground ng subdivision. Ramdam ko pa ring nakasunod siya sa'kin pero hindi na ako nagreact. Kung si Viex lang sana ang nandito. I sighed.

I haven't seen him since that night. Namimiss ko siya pero naiinis rin ako at the same time. How could he just vanished after that kiss? He kissed me! He should take responsibility of it. but what now? Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Miss na miss ko na talaga siya. Gusto ko siyang makita kahit sandali lang pero wala talaga. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi magpakita sa'kin o talagang busy lang siya. Pero saan naman siya magiging busy? Hay.

Nang makarating kami sa playground, naupo lang ako sa bench sa may tapat nito. Pumunta lang naman ako rito para mag-isip at never pa rin naman akong naglaro dito sa playground. Lagi kasing volleyball ang nilalaro namin nila Syn nung bata pa kami.

"Bakit nakaupo ka lang dyan?" Naramdaman ko ang pag-upo ni Wren sa tabi ko kaya medyo umusod ako. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to. Napa-tss nalang siya nung napansin niyang lumayo ako.

"Bakit nangingialam ka?" Pabalik kong tanong.

"Nagtatanong ako ng maayos." May halong iritasyon na sa boses niya. Great! Siya pa may ganang mairita ngayon?

"So do I." I simply said. Sa totoo lang, sa loob ng isang linggo, never pa kaming nakapag-usap ng matino. Laging may mamimilosopo, may mangongontra at may mapipikon. Kaya nga nakakainis e. Tapos hindi pa ako binibisita nila Syn at Mishie. Kapag pumupunta naman ako sa kanila, wala sila lagi. Saan naman kaya nagpupunta ang dalawang 'yon?

"Hindi ka na ba makakausap ng matino?" He asked.

"How about you? Kailan ka ba nakausap ng matino?" Tinignan ko siya pero napaiwas ako ng tingin nang makitang nakatingin rin siya sa'kin. Geez. Naalala ko bigla yung tingin niya sa'kin nung concert.

"Tss." Umayos siya ng upo at nanahimik nalang. Napabuntong hininga naman ako. Tahimik lang kami sa mga sumunod na minuto. Nag-iisip lang ako at parang gusto niya rin naman siguro ng katahimikan ng utak.

I sighed for the nth time. Tama bang itanong ko sa kanya 'to? Nagdadalawang isip akong lumingon sa kanya. Napalingon naman siya sa'kin na nagtataka Nang mapansing nakatingin ako. "Can I ask you something?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"You're already ask--" pinutol ko na agad ang sasabihin niya dahil baka hindi na ako makapagtimpi at layasan ko na siya.

"Have you been in love?" Seryoso kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. His green eyes bore into mine. It looks like na nalilito siya dahil biglang ganun ang tanong ko. What? Gusto ko lang namang malaman. Hindi na ganoon kalungkot ang mga mata niya. Hindi gaya nung concert habang kumakanta siya. Siguro nga, fini-feel niya lang talaga yung kanta nung mga panahon na 'yun.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon