Chapter 19: The Main Portal

65.8K 1.7K 126
                                    

Chapter 19: The Main Portal

Mabilis kong inayos ang sarili ko at saka naglakad pababa para kumain. Sinabihan ko si Viex na huwag bubuksan ang pinto ng kwarto ko. Baka kasi may umakyat sa taas tapos makita pa siya. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong makita nila Mimi si Viex.

Wala rin kasing ibang lalaking nagpupunta sa bahay bukod kay Nijel. Hindi kasi ako komportableng may pinapapunta sa bahay namin. And great! Ngayon may tinatago akong lalaki at sa kwarto ko pa, without the consent of my parents.

“Tagal mo namang magbihis. Gutom na ako e.” bumungad sa’kin ang nakasimangot na mukha ni Cyrus habang nakahawak sa tiyan niya ang kaliwang kamay niya. Nakatayo siya sa dulo ng hagdanan at nakatingala sa’kin. Naka gray polo shirt siya at white na shorts tapos vans shoes. Yan ang usual niyang suot. Tapos ang gwapo pa ng lalaking to. Kaya kahit anong suotin niya, bagay sa kanya. Hindi na ako nagtatakhang maraming nagkakagusto sa kanya sa school nila.

“May hinanap lang ako.” I lied. “Lagi ka namang gutom, Cyrus. Walang bago don.” Natatawa-tawang sabi ko sa kanya para hindi niya paghinalaang nagsisinungaling ako. He knows me that much kaya kung hindi ako mag-iingat, malalaman niyang nagsisinungaling ako.

Umiling-iling lang siya at saka ako sinabayan papunta sa kusina. Nandoon na si Mimi at Didi at nakahanda na rin ang pagkain. Kami nalang ni Cyrus ang hinihintay.

Dumiretso ako sa lagi kong inuupuan kapag kumakain. Maliit lang yung dining table namin dahil tatlo lang naman kami dito sa bahay pero pang-animan na tao ‘to. Nasa gitna si Didi habang sa kaliwa niya nakapwesto si Mimi. Ako naman sa kanan at katabi ko si Cyrus.

Nagku-kwentuhan silang tatlo since matagal ring hindi dumalaw dito si Cyrus. Gusto ko mang makisali sa usapan nila, hindi ko magawa. Masyadong occupied ang utak ko para sa mangyayari mamaya. Kung ano ang mga sasabihin ni Viex sa’kin. Kung saan magsisimula ang topic namin at kung saan matatapos.

Tahimik lang ako habang kumakain na kunyari nakikinig pero hindi. Ngumingiti lang ako sa kanila kapag nababanggit ang pangalan ko.

Alam kong sinabi ko sa sarili ko bago ako umuwi dito sa bahay na hindi muna ako mag-iisip tungkol sa bagay na ‘to. Pero hanggang dito sinusundan ako ng mga tanong na ‘yon. Siguro kailangan ko na nga talagang tapusin yung pag-iisip. Because the answers are there, right in front of me. All I have to do is to open it para maliwanagan na ako.

“Why aren’t you talking, Bibi? Masama ba ang pakiramdam mo?” Mimi suddenly asked.

Napatingala ako sa kanya at umiling. “Napagod lang po ako sa byahe, Mimi.” I lied, again. Simula nang dumating sa buhay ko yung magkapatid na ‘yon, lagi nalang ako nagsisinungaling. Nagsisinungaling ako para pagtakpan sila. I shook my head absentmindedly.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon