Chapter 26: Beating Heart

63.8K 1.6K 117
                                    

Chapter 26: Beating Heart

It’s Saturday. Dapat nasa bahay na ako ng mga oras na ito but I texted Mimi that I won’t be able to go home dahil na rin sa marami akong gagawin. Gustuhin ko rin man kasing umuwi, hindi talaga pwede. Isa pa, kailangan kong malaman kung sinong pumatay kay Night.

“Sure ba kayong hindi kayo uuwi ngayon?” Mishie asked us with her ‘please-go-home’ look. Hindi rin daw kasi uuwi si Syn ngayon. Ewan ko ba dito. Babantayan niya raw kasi ako. Napapailing nalang ako sa pagiging over-protective niya pati na rin ang ibang welsh.

I sighed then shook my head. “I’m sorry, Mish. I really have a lot of things to do here.” Malungkot na sagot ko sa tanong niya. “Besides, papasok ka rin naman sa Monday so magkikita rin tayo.” Ngumiti ako sa kanya.

“Same here. And stop being clingy, Mishiena.” Syn rolled her eyes. Alam ko namang nagbibiro lang siya at buti nalang hindi na siya pinatulan ni Mish.

“That’s not my problem, and I’m not being clingy,” sumulyap siya kay Syn at tumingin ng masama at saka tumingin ulit sa’kin. “Masyado ka nang stressed nitong mga nakaraang linggo, Zy. Another thing is, diba tapos na naman yung para sa Sem-Ender party? Bakit hindi ka nalang muna magrelax?”

I chuckled. Mishie is really Mishie. “Okay lang naman ako.” Mukhang hindi pa rin siya convinced kaya medyo tinulak ko na siya. “Dalian mo na. Naghihintay si Tito oh,”

Nagpout pa siya at saka tumango. “Sige. Alis na ako. Mag-ingat kayo dito, ha?” she said. Maybe she’s pertaining to the wild animal na umatake kay Night.

Tumango kami ni Syn.

“You too.” Syn said kaya pumasok na si Mishie sa kotse nila.

Hinintay muna naming makaalis ang kotse nila ng tuluyan bago kami bumalik sa loob ng school. Wala nang masyadong students dito sa Finelry dahil nagsi-uwi na sa kani-kanilang mga bahay.

“Nasan sila?” tanong ko kay Syn habang papunta kami sa FHCOL’s office.

“Nasa likod ng dorm, Zy.”

Tumango ako sa kanya. “Mauna ka na don. May kukunin lang ako sa office.”

Kumunot naman bigla ang noo niya nang dahil sa sinabi ko. “Are you sure?”

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya at saka ako humarap sa kanya. “Syn, I’m fine. Walang masamang mangyayari sa’kin.”

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon