Chapter 48: Book of Death

48.4K 1.2K 62
                                    

Chapter 48: Book of Death

Pagkatapos kong kausapin si Daddy ay bumalik na ako sa kwarto ko. Ang sabi niya, magpahinga na raw muna ako dahil magkakaroon ng kainan mamaya. Alam na rin kasi ng buong palasyo na nagbalik na ang hari. Nakakatuwa nga dahil sobrang saya nilang lahat.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari habang wala siya. Yung pag-atake samin sa Mystic Palace. Yung libro. Yung kasal nila Viex at Roanna. Yung pagmi-meet namin ni Leo Arunafeltz pati na rin yung traydor na nagtatago dito sa Lairhart. Nagtaka nga ako nang hindi na magulat si Dad sa mga nalaman niya. Siguro ine-expect niya na rin talagang hindi magiging madali ang lahat ngayong nagbalik na kami dito.

"Drane." Tawag ko kay Drane nang makita ko siyang nakikipag-usap sa isang kawal na nagbabantay sa kwarto ko. Tumingin siya sa'kin at nagbow.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na prinsesa?" He asked.

"Wag muna kayong magpapapasok ng kahit sino sa kwarto ko." I told him. Tumango naman siya at nagbow ulit kaya dumiretso na ako papasok.

I motioned my right hand to the balcony's door and closed it. Ganoon rin ang ginawa ko sa ibang bintana dito sa kwarto. Pagkatapos nun, humarap ako sa isang bakanteng wall dito sa kwarto. Dati, nagtataka ako kung bakit ito lang yung wall na walang nakadikit o ano. Ngayon, alam ko na kung bakit.

Itinaas ko ang kamay ko at idinikit sa wall na 'yun. "Opiño sekyo." I chanted. Saka ako umatras. Kitang kita ko kung paano kusang natunaw ang wall na 'yun at naging isang lagusan. My Secret Room.

Pumasok ako agad at saka iyon isinara gamit ang isang spell. Hindi naman kalakihan itong secret room ko. Parang kasing laki lang rin nung kwarto ko sa Mortal World. Tapos may isang mahabang table sa pinakadulong gitna nito na napaliligiran ng mga bookshelves. May mga kahon rin na nakita ko dun sa kabilang sulok. Puro yun gamit na mga binigay sa'kin ni Wren dati.

I walked towards the table. Dito ko kasi inilagay yung libro. Tumayo ako sa tapat ng pinakagitna nung table at kusang nagbukas ang gitna nito. Kinuha ko yung Vampire book na nakalagay dun at kusa ulit itong bumalik sa dati. Nakangiti akong umupo at binuksan yung book.

Sa totoo lang, ineexpect ko na pagbukas na pagbukas ko nung libro, may makikita akong maraming sulat o kung anuman pero nagulat ako nang wala kahit isang salita o letra ang nandito. "Bakit gusto nilang makuha 'to e wala naman palang laman?" Tanong ko sa sarili ko habang piniflip ko kada pages. Wala talagang laman! Paanong binenta 'to sa NBS kung wala namang laman! Nakalagay pa sa novel section!

Paulit ulit ko pang finlip yung bawat pahina ng librong ito hanggang sa magsawa ako. Hindi talaga ganito ang ineexpect ko kaya naman sa sobrang inis ko, naibato ko yung libro. "Kainis! Muntik na akong magpakamatay nang dahil lang sa librong 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Narinig kong tumama iyon sa pader nitong Secret Room bago bumagsak sa sahig.

Napayuko ako dito sa table dahil sobrang nanghihinayang talaga ako. Akala ko pa naman, makakatulong 'yun para sa pag-ubos namin sa lahi ng nga vampire pero hindi! Gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko pero alam ko namang hindi ako matutulungan nun. Mas lalo lang lalala.

Tumayo nalang ako para sana umalis na dito nang may mapansin ako. Napatingin ako sa lamesa at nakitang nakapatong na ulit dun yung libro. "D-diba, tinapon ko 'to?" Parang baliw na tanong ko sa sarili ko habang nakaturo pa dun sa libro. Paanong napunta to dito sa tabi ko? Napalingon pa ako sa paligid ko pero sigurado namang walang ibang makakapasok dito. Kung meron man, siguradong malalaman ko.

Nilapitan ko yung libro pero hindi ko pa 'yun nahahawakan nang bigla nalang itong bumukas pero wala pa rin namang sulat dun. Wala pa rin kahit ano. Ano bang dapat kong gawin sa librong ito dahil hindi ko talaga alam kung ano'ng importansya ang meron dito.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa likod kung saan may mga nakahilerang bookshelves. Kakaunti lang ang libro dito kumpara sa Library pero sigurado akong importante ang mga nilagay ko rito dati. Nag-umpisa akong maghanap.

Spell Chanting
A Safe Way to Sorcery
Otherworld's History
Spell-Casters Clan
Art of Sorcery
Practical Arts

Halos lahat ng librong nakikita ko ay puro sa Sorcery at Spell Chanting. Pero napatigil ako nang mapansin ang dalawang libro na nakausli sa halos pinakataas ng bookshelf.

"Sielo." I said at kusang bumaba yung dalawang libro papunta sa'kin. Napakunot ang noo ko sandali nang mabasa yung mga title pero napangiti rin ako sa huli.

Vampire Society
Killing a Vampire

Kaya siguro wala akong makitang copy nito sa Library. Dahil ako mismo ang nagtabi nito dito dati.

Makapal at halatang luma na yung dalawang libro dahil halos magpulbos na yung bawat pages. Siguradong mahihirapan akong hanapin yung tungkol sa librong ito dito dahil may ibang pages rin na may sira na. I sighed. Inuna kong tignan yung Vampire Society. May mga sulat ito at may mga larawan din. Vampires. Arunafeltz. Parang ito na yata ang History Book ng Vampire Clan. Wala naman akong nakitang tungkol sa libro nang makita ko yung mga last pages.

May nakadrawing dun na katulad nung librong nabili ko. Tapos may nakalagay sa taas na Book of Death. So ito pala talaga ang makakatulong samin na pumatay sa kanila?

I flipped it to the next page at binasa yung nakasulat. Ayon dito, naparusahan ng mga sinaunang spell-casters ang Vampires dahil sa panghihimasok nito sa mundo ng mga mortal. Alam ng lahat na labag yun sa rules of Nature dahil nandito ang Otherworld para ma-maintain ang balanse ng mundo. But the Welshes are not to meddle with the people of Mortal World. Nilabag iyon ng ancestors ni Leo Arunafeltz kaya binigyan ng mga ito ang Vampire Race ng isang librong magtatakda ng pagbagsak nila. Maraming beses nila itong tinangkang sirain pero wala ring nangyayari hanggang sa mapagdesisyunan nalang nilang itago ito mula sa mga kalaban.

Walang nakakaalam kung ano ang nilalaman ng Book of Death at ang nakatadhana lang na pumatay sa hari ang pwedeng makapagpalabas ng tunay na anyo ng nasabing libro.

Kusang sumara yung libro pagkatapos kong basahin ang nilalaman nito. Ibig sabihin, posibleng isang weapon laban sa mga Vampires ang Book of Death? Pero, paano ko naman palalabasin kung anong weapon 'to? Ni hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, walang lumalabas na kung ano sa bawat pahina nito. Saka hindi ko naman alam kung ako yung nakatakdang pumatay kay Leo Arunafeltz.

Binasa ko pa yung isang libro pero yung natural way ng pagpatay sa vampire lang naman ang nakalagay dun. Pansin ko ring parang limited na limited lang yung information na nakalagay. Kaya hindi ko na pinagtyagaan.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa loob nang marinig kong may pumasok sa kwarto ko.

"Zy?" Rinig kong tawag sa'kin ng isang tao. Si Syn. Nasa kwarto ko na siya. Hindi naman niya ako makikita dito pero paano ako lalabas kung nandito siya? At ang alam ko, sinabi ko kay Drane na wag magpapapasok dahil may ginagawa akong importante. "Wala naman dito ah? Akala ko ba nandito siya?" Rinig ko pang sabi niya bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Niligpit ko na lahat ng librong ginamit ko kanina para makalabas na sana. Kaso nung ililipit ko na yung Book of Death, bigla akong natusok nung naka-usling kahoy sa gilid ng table. "Ouch." Nilapag ko muna yung libro na nakabuklat pa rin hanggang ngayon at saka tinignan yung sukat. Ang daming dugo agad ang lumabas sa kamay ko. Ang laki pala masyado nung naka-usli. Bakit hindi ko napansin ag-- "Hala! Natuluan!" I shrieked. Dahil nasa harap ko yung Book of Death, at nakatapat dun yung kamay ko na may dugo, natuluan yung libro nung tumulo yung dugo sa kamay ko.

Agad ko ring ginamit yung kabila kong kamay para punasan sana pero nabigla ako nang makitang namumuo na yung dugo. Pero hindi ko naman siya mapunasan. Parang--parang napunto ito dun sa pinakaloob nung page na natuluan.

Napatayo ako at pakiramdam ko, namutla ang buong mukha ko. Hindi kaya--?

Dahil sa sobrang curiosity ay ipinasok ko yung isang daliri ko sa mismong natuluan ng dugo. Napasinghap ako ng tumagos iyon. Halos paghinga ko, pigil na pigil nang dahil sa nakikita ko ngayon. Pumasok yung daliri ko sa libro! Pero sa mismong spot lang yun na natuluan ng dugo.

Mabilis kong inangat ang daliri ko nang unti-unting mabura yung dugo sa pahinang iyon. At nung tangkain ko ulit na ipasok yung daliri ko, hindi ko na maipasok.

I get it now! It's not a weapon! Maybe its a secret storage for that weapon!

--

Nagsimula na ang handaan dito sa palasyo kaya mas maraming Welshes dito ngayon kesa sa mga normal na araw. Nakaupo kami ni Daddy dito sa harap kung nasaan ang mga trono namin. Nasa gitna siya habang nasa kaliwa naman niya ako. May isang mahabang table sa harap namin na puno ng masasarap na pagkain. Medyo elevated itong kinalalagakan ng tronong inuupuan namin kaya kitang kita namin ang buong Grand Hall. Naka parallel naman ang table ng Senior at Current Leaders sa table namin habang may mga bilog na malalaking tables sa buong Grand Hall na puno rin ng pagkain para sa mga dumalong Welshes.

Hindi ko na natuloy na tignan kung ano yung weapon na nakalagay dun sa libro dahil hinahanap na raw ako para maayusan. May bukas pa naman at alam kong safe yung book sa Secret Room kaya kampante akong walang makakakuha nun kahit may sumalakay pa dito.

"Are you happy?" Dad asked. Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Yes, Dad. I'm really glad that you're with me right now." I answered honestly.

He held my hand na nakapatong sa table. "Sana lang nandito ang Mommy mo. I'm sure proud na proud rin siya sa'yo." He said as he gently squeezed my hand.

Ngumiti ako ng mahina. "Sana nga, Dad."

Sana nga. Sana nandito si Mommy. Kaso hindi. Pinatay siya ni Leo Arunafeltz. Naiisip ko pa lang ang ginawa niya, gusto ko nang kunin sa loob ng katawan niya ang puso niya at saka ito durugin. Kung hindi niya sana ginawa 'yon kumpleto pa rin kami hanggang ngayon.

Napansin ko na biglang humigpit ang hawak ni Dad sa kamay ko kaya napatingin ako dun. Nanginginig na pala ang kamay ko at nakakuyom. Hindi ko alam na sobra na pala akong naaapektuhan ng galit na nararamdaman ko.

Napatingin ako kay Dad na nakangiti at umiiling sa'kin. Na parang sinasabi niyang hindi niya gusto ang iniisip ko. Bumuntong hininga ako at saka tumayo. Mukhang nagulat naman silang lahat at napatingin sa'kin. Hindi siguro nila inaasahan ang gagawin ko.

"May I have your attention, Welshes?" Malakas na sabi ko habang nakatingin sa kanila. Napansin ko rin ang tingin ng mga Leaders at Senior Leaders. Lahat natigil sa kani-kanilang mga ginagawa para lang tumingin sa'kin.

Kanina, habang nasa Secret Room ako at inaalam kung ano'ng pwedeng gawin sa Book of Death, naka-isip na ako ng susunod na plano. Sana nga lang at gumana.

"Gusto kong maghanda ang lahat ng Welshes na nandito. Bata man o matanda. Gusto kong sumailalim ang lahat sa training sa loob ng isang taon." Seryosong sabi ko.

Maraming napasinghap nang dahil sa sinabi ko. May mga nagtaka at may mga hindi nagreact. Kabilang na dun sina Mishie, Syn at Wren. Hindi nila alam kung anong plano ko pero mukhang alam na nila kung bakit sinasabi ko 'to.

"Ano'ng ibig mong sabihin, mahal na prinsesa?" Napatayo si Master Hans. Wala namang pagtutol sa tono ng boses niya pero alam kong nabigla siya.

Nginitian ko ng tipid si Master Hans at saka ulit tumingin sa mga Welshes na nandito. "We will start the second war. Tayo mismo ang susugod sa Arunafeltz Kingdom para pabagsakin sila." I said gritting my teeth.

Hindi nagrereact si Dad pero alam kong sang-ayon siya sa plano ko. Ganoon rin ang mga Senior Leaders at halos lahat ng nandito sa loob ng Grand Hall. "It's time to take what's ours back. And that's the Otherworld."

Bigla silang nagsitayuan at nagcheer. Puro Long Live Lairhart ang naririnig ko kaya napangiti ako. Mas lalo ring lumapad ang ngiti ko nang makita ang reaksyon niya. Umpisahan na natin ang totoong laban.

--

Dumiretso ako sa kwarto ko nang matapos ang party. Lahat rin ng mga Welshes, nagsidiretso sa mga kwarto at bahay nila sa loob at labas ng palasyo dahil sa pagod. Sobrang pagsasaya naman kasi ang ginawa nila ngayong gabi. Habang naglalakad ako, ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin. Ano na naman kayang gagawin niya ngayon?

Tumigil ako sa harap ng nga kawal na nagbabantay sa kwarto kaya yumuko sila. "Pwede na kayong magpahinga." I said, smiling. Mukhang nagtataka naman sila dahil hindi ko naman sila pwedeng paalisin dito basta. Aangal pa sana yung isa nang unahan ko na siyang magsalita. "I'll be safe. Isa pa, that's an order." Mahinahon na sabi ko kaya wala na silang nagawa kung hindi ang magmartsa paalis.

Pumasok ako agad sa kwarto pagkatapos nun at saka tumambay sa balcony. Pero hindi pa ako nakakaisang minuto ay naramdaman ko na ang presensya niya dito. Nakangiti akong humarap sa kanya.

"Yana."

"H-heiress." Her voice cracked as she knelt down in front of me. Napabuntong hininga ako nang makitang umiiyak na siya. "Heiress, I'm sorry." paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kaya nilapitan ko na siya.

"Tumayo ka dyan, Yana." I said. Sinunod naman niya ako kaya pinaupo ko muna siya sa kama ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam ko namang napilitan lang siyang gawin ang mga bagay na 'yon.

"H-heiress. I-I'm the traitor." She said. Hindi siya makatingin sakin. Siguro dahil nahihiya siya o kung ano man. Ang totoo, hindi ko ineexpect na aamin agad siya nang dahil sa ginawa kong pag-aannounce ng second war. Alam nya kasing madadamay ang tatay niya kapag sumugod kami sa Arunafeltz. "I'm really sorry."

"It's okay. Alam ko naman." Nakangiti pa ring sagot ko sa kanya. Nag-angat siya bigla ng tingin.

"A-alam mo?"

Tumango ako. "Uminom ako ng dugo ni Wren at kasama ka sa mga naalala ko, bessy." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Totoo naman. Na kasama siya sa mga naaalala ko. Dahil bestfriend ko siya noon bago pa man ako mapunta sa Mortal World. Natahimik lang siya at naghintay ng mga susunod kong sasabihin. "I'm sorry. Kung hindi kita natulungan no'n nang kunin ka at ang papa mo ng mga Vampires. I was weak that time. I'm so sorry." I said. Bago pa man kasi ako madatnan ni Mommy nun sa kwarto ko, kasama ko pa si Yana nun bago siya makuha ng mga Vampires. Sinabihan niyang pumunta ako sa kwarto ko para hindi nila ako makuha kaya yun ang ginawa ko.

Umiling siya. "Pinrotektahan kita non dahil yun ang tungkulin ko bilang bestfriend mo. P-paano mo nga pala nalaman, Heiress?" Nahihiyang tanong nya.

"Ang totoo, nakita ko yung papa mo sa Arunafeltz nung pumunta kami dun kagabi. Isa siya sa mga taga-silbi. Hindi ko pa nga siya makikilala kung hindi lang dahil sa bracelet na suot niya." Paliwanag ko. Yun yung bracelet na ginawa namin ni Yana para sa Papa niya dati nung bata pa kami. Bulaklak yun na pwedeng gawing bracelet na hindi nalalanta. Nakita ko yun sa nagbigay samin kagabi ng dugo na nasa kopita. Kaya nalaman kong siya nga ang papa ni Yana. Isa pa, wala siyang pangil nung ngumiti siya sa'kin. "Simula palang nung natapos yung pagsalakay satin sa Mystic Palace at nakuha yung libro ko, naghinala na ako sayo. Pero hindi ko masyadong pinansin ang hinalang 'yon dahil alam kong loyal ka sa pamilyang kinabibilangan ko. Hanggang sa bumalik nga ang alaala ko. Nagtataka rin ako kung paano ka nakabalik ng matiwasay sa Lairhart galing sa Arunafeltz. Naconfirm ko lang kanina nung nag-announce ako ng second war." Mahabang paliwanag ko.

Naisip ko rin kasi kanina na kaya pala unang-una siya sa may tutol sa pagiging Vampress ko ay dahil ayaw niyang bumalik ang ala-ala ko. Dahil yun mismo ang susi para malaman ko ang traydor.

"Patawarin mo sana ako, Heiress. Hindi ko ginusto 'yon. Sinasaktan kasi nila ang Papa ko kaya pumayag akong maging mata nila sa inyo. Tinakot nila akong papatayin nila ang Papa ko kapag nagsumbong ako. Ako rin ang nagpasok sa isang Vampire sa Mystic Palace para manmanan ang bawat kilos ng mga Welshes dun. I'm sorry. Pero ngayon hindi ko na kayang manahimik, Heiress. Madadamay ang Papa ko kapag sumalakay tayo sa kanila." Nag-aalalang sabi niya habang umiiyak. Naaawa ako kay Yana. Kahit ano pa mang nagawa niya, alam ko naman kasing hindi niya rin ginusto. Alam kong napilitan lang siyang gawin 'yon dahil sa Papa niya. I will do the same thing kung Daddy ko ang hawak ng demonyong Leo na 'yon.

Niyakap ko si Yana habang tinatap ang likod niya. "Don't worry. Ililigtas natin ang Papa mo." Sabi ko at marahang humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya. "But promise me one thing." Sumeryoso ang mukha ko habang nakatingin ng marahan sa kanya.

Tumango siya. "What is it, Heiress?"

"Itutuloy mo pa rin ang parereport sa kanya ng mga nangyayari dito." Confusion is written all over her face but I just smiled. "And vice versa." Gusto kong malaman nilang after 1 year, babagsak na sila. Dahil wala naman talaga akong balak umatake sa kanila after 1 year. I want the best occasion in Arunafeltz to be ruined. I want Roanna's birthday to be a disaster in specific. Like how they turned my last birthday in Otherworld into a nightmare.

Yes. Dahil mismong araw ng birthday ko sila umatake sa Lairhart. Isa 'yon sa mga bumalik na alaala ko.

*****

Add me for updates! :)

FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The Heiress

Love,
Jin

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon