Chapter 9: Vampire
Nilanghap ko ang polluted na hangin sa labas ng Finelry High. ibang iba talaga ang hangin sa loob ng Finelry kesa sa dito labas. Siguro dahil sa puro puno sa loob ng Finelry kaya iba ang hangin sa loob.
At hindi ko alam na nakakamiss rin palang langhapin ang ganitong klase ng hangin.
Lihim akong napangiti habang naghihintay kaming tatlo nila Mishie at Syn ng bus. Pupunta kami ng mall. It will surely be fun. Kahit ako ang pinakamatured sa aming tatlo, hindi ko pa rin talaga maiwasan minsan na maging maloko. I do think that I have the most boring personality ever yet maloko rin ako. Ako nga ang pinakamakulit samin. I do love challenges. Gustong gusto kong ipinapasok ang sarili ko sa mga bagay na na-chachallenge ako.
Iyon nga ata ang rason kung bakit ilang beses na akong mapahamak nung bata na hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ko naliligtasan. Pati na rin ang pagiging top student ko sa Finelry. I love thrilling things, that's why.
At dahil sa pagiging challege-seeker ko, stressed na stressed ako ngayon. Hindi ko naman kasi expected na may magagalit sa'kin dahil sa posisyon ko. Well, kung yon ang dahilan kung bakit galit sa akin ang magkapatid na new student na yon.
Kaya ba ako niligtas ni Viex kagabi, dahil gusto nyang lumambot ang loob ko sa kanya? Para kusa akong umalis sa Finelry kapag sinabi niya? Hindi umepekto ang pananakot na ginawa niya sa'kin. Kaya ngayon, nagkukunwari siyang mabait?
Jeez. This is insane, Zeira. You're judging them.
But what could I expect? They hate me to death! They hate me that they think it's normal to kill me. And now, I'm telling myself that it's insane to judge them.
Am I crazy?
"Zy? Are you okay?" I heard a voice.
I look at the owner of that voice. "H-huh?" I asked Syn. They're both looking at me, weirdly.
Nakakainis. Bakit ko ba sila iniisip? Nasa labas na ako ng Finelry pero hanggang dito nasusundan nila ako. Pwede bang wala munang Roanna at Viex ngayon? Kahit ngayong araw lang?
I nodded at them in responce. Pero parang mas magandang sabihing responce ko yun sa sarili ko.
"The bus is coming!" Mishie exclaimed. She's excited as ever. Paano, makakapagshopping na naman siya. That's her thing, anyway.
**
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...