Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)

61.5K 1.3K 91
                                    

Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa bawat booths na madadaanan namin. Iba-iba ang booths na nakatalaga sa bawat sections at mukhang na-execute naman nila ng maayos ang mga iyon. Nililibot namin nila Mishie at Syn ang buong main building ng Finelry para mag-observe dahil sa bawat rooms nakatayo lahat ng booths na napili ng bawat sections. Bawal kasing gamitin ang open grounds sa gitna ng main building (Nahahati kasi sa dalawa ang main building ng Finelry tapos magkatapat yung dalawang yun tapos may malaking open ground sa gitna.) dahil doon gaganapin ang concert mamaya. Si Nijel naman, tinatawagan na yung band para sa party mamayang gabi. Natutuwa rin ako dahil bawat makakasalubong naming mga students, ang lalaki ng mga ngiti sa labi. Mukha namang nag-eenjoy talaga sila.

“Ano bang balak mo, Zy? Tumingin lang sa bawat booths buong araw?” reklamo ni Mishie habang naglilibot kami na agad namang sinegundahan ni Syn.

“Right, Zy. Mag-enjoy ka naman. Ikaw ang dahilan kung bakit ganito kaganda ang Sem-Ender party ngayon.”

Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa at nagshrug. Nakakatuwa at kahit papaano, nagkakasundo na silang dalawa.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-oobserve. Hindi ko alam pero kahit tumingin lang ako sa mga booths, sumasaya na ako. It’s all worth it. Lahat ng nangyari, lahat ng pagod. It was all worth it dahil maganda naman ang kinalabasan. Pakiramdam ko nga gusto nang tumalon ng puso ko dahil sa sobrang tuwa.

“Hello, Miss President, Miss Syndrie at Mishiena.”

Napatingin ako sa mga nagsalita at nakita ang apat na kaibigan ni Night Collins. Ganun din naman yung dalawa. Nakangiti sila sa’kin kaya nginitian ko rin sila.

“Alexis, Matt, Stephen and Alee. Hello din sa inyo.” I greeted back. Nakakatuwa ang apat na ito dahil kahit na namatayan sila ng kaibigan, hindi pa rin sila naghiwa-hiwalay. Parang mas tumatag pa nga ang samahan nila.

Naalala ko na naman tuloy bigla si Night Collins pati yung libro ko. Hindi ko pa rin kasi natatanong kay Mishie ang tungkol dun. At ayoko munang tanungin dahil alam kong sensitive pa rin siya sa lahat ng tungkol kay Night.

Napalingon ako kay Mishie at parang hindi pa rin siya comfortable na nasa harap niya ang mga kaibigan ni Night. Sinisisi niya pa rin siguro ang sarili niya sa mga nangyari. Si Syn naman, ngumingiti-ngiti lang sa kanila at hindi nagsasalita. As usual, suplada talaga ang isang ito.

“Congrats Miss President. You did really great.” Alee said. Her smile was so genuine when she let those words come out of her mouth. Kaya mas napangiti ako nang dahil sa sinabi niya.

“Thanks.” Sabi ko nalang.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon