Chapter 50: Fall of the Vampires
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Syn. Napagasp naman ang ibang leaders na nandito sa kwarto ko. Kinuwento ko kasi sa kanila lahat ng nangyari kagabi. Yung revelations na sinabi sa'kin ni Roanna at Viex. Pati na rin yung kay Night Collins. Si Mishie naman, hindi nag-rereact at nakikinig lang.
Tumango ako sa tanong ni Syn. "Yup. And it also turns out na si Night Collins yung nakita ko sa may Gatewoods dati. Nung mga bata pa tayo." Paliwanag ko pa.
This time nagsalita na si Mishie. "Omg! Yung multong nakita mo dati?"
Natawa ako. Hindi niya nga pala nakita yun. Pero si Syn alam kong nakita niya. Kaya rin siguro tumatakbo sila palapit sakin nun. "Hindi siya multo, Mish. Nasa transition siya nun kaya hindi mo siya nakita." Sabi ko.
It all makes sense to me now. Nakakatuwa nga at pakiramdam ko, unti-unti nang umaayos ang lahat ng bagay. Pagkatapos ng pag-atake namin sa Arunafeltz, alam kong magiging maayos na talaga. At magkakabati na lahat ng Race. Si Leo lang naman ang problema namin.
"I see." Tumatango-tangong sabi ni Mishie.
"Buti nalang talaga kakampi natin sila Roanna." Biglang bulalas ni Yana. Tumango naman kaming lahat.
"Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. All this time, itinuturing ko siyang kaaway. Muntik ko pa siyang patayin tapos siya pala, ilang beses nang nililigtas ang buhay ko." Napapailing na sabi ko. Siguro nga, hindi lahat ng taong masama sa paningin natin, wala ng ginagawang mabuti sa'tin. Minsan kasi, mas gusto nilang tumulong na hindi natin nalalaman. Gaya ni Roanna at Viex.
"Yun din naman po ang gusto niya, Missy." Nakangiting sabi ni Yumi. Nginitian ko siya.
"Nga pala, wala ba kayong gagawin?" Tanong ko sa kanila. Bukas na kasi mangyayari ang pag-atake tapos nandito pa sila sa kwarto ko. at saka kanina pa rin naman kami nagkukwentuhan.
"Wala naman na, Heiress. Tapos na lahat. Pahinga nalang ang kulang." Natatawang sabi ni Exl.
Natawa rin ako. Ilang months na kasi kaming puro paghahanda ang ginagawa. Hindi naman pwedeng pagod kami bukas. "Magpahinga na kayo."
Nagsitayuan naman sila Syn, Mishie, Yana, Zero, Jae Kyline, Yumi, Yuki at yung mga Wolves maliban kay Wren. Nasa tabi ko siya at hindi nagsasalita kanina pa. Ewan ko ba sa asong 'to. Napakamoody talaga kahit kailan.
They all bid their goodbye's and see you later's. Pero bago pa man tuluyang makalabas yung mga Wolves, napatingin pa sila samin ni Wren.
"Anong tinitingin tingin niyo?" Sinamaan sila ng tingin ni Wren. "Aray ko! Tangina!" Nabatukan ko tuloy. Napakasama talaga ng ugali. Wala namang ginagawa sa kanya yung Wolves, kung makapagtanong akala mo ready na siyang pumatay.
"Napakasama ng ugali mo! Namatay ka ba sa tingin nila? Ha?" Sermon ko. Ako naman ang tinignan niya ng masama pero sinuklian ko lang yun ng isa ring masamang tingin. Akala mo ha!
I heard the Wolves chuckled kaya napatingin ako sa kanila. Bigla naman silang napatigil sa pagtawa at saka umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko sa mga itsura nila. "Bakit hindi pa kayo umaalis?" Tanong ko.
"May itatanong lang si Eight, Heiress." Si Riley ang sumagot kaya napatingin ako kay Eight.
"Ano yun, Eight?"
Napakamot siya ng ulo dahil sa pagtataka. "Ano po bang itatanong ko? Aray--grrr!" Binatukan na naman siya ni Valter at saka may binulong. Pero narinig ko rin naman.
"Yung kay Leader!" Sabi niya. Pero mukhang hindi pa rin nagets ni Eight.
"Ano ba 'yun? Dalian niyo kung ayaw niyong tanggalan ko kayo isa isa ng ulo." Naiinis na sabi naman ni Wren sa kanila. Napasamid silang lahat.
"Itatanong lang namin kung--" hindi maituloy ni Winston ang sasabihin niya kaya si Exl na ang nagtuloy.
"--kayo na po ba ulit?" he asked curiously.
Halos masamid ako sa sarili kong laway ng dahil sa tanong nila pero bago pa ako makasagot, may nagbato na ng unan sa kanila kaya mabibilis silang nagsilabasan sa kwarto ko. Rinig na rinig ko pa ang mga tawanan nila sa labas.
"Magsilayas kayo dito! Mga gunggong!"
Napatingin ako kay Wren na nakatalikod na sakin ngayon. Sesermunan ko sana siya nang makita kong sobrang namumula yung batok niya. Imbis tuloy na magalit kasi binato niya yung unan ko, natawa pa ako. Kinikilig ba ang isang 'to?
"Bakit ka tumatawa? Baliw ka ba?" Cold na tanong niya habang nakatalikod sa'kin. Nagstop ako sa pagtawa dahil alam kong napapahiya na siya. Nakangiti nalang ako ngayon. Pero hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. Pulang pula pa rin yung batok at likod ng tenga niya.
Mas napangiti ako nang may maisip ako. Lumapit ako ng konti sa kanya. Kinalabit ko siya pero hindi pa rin siya humaharap sa'kin.
"Bakit ka ba kalabit ng kalabit? Tigilan mo ko, mangkukulam." Ayan na naman yang tawag niya sakin! Nakakainis ha! Siya na nga 'tong inaamo, siya pa 'tong maarte.
Tumayo nalang ako at lalabas na sana pero naramdaman ko ang kamay niya sa wrist ko. Aba! Ngayon naman pinipigilan niya ako?
"Galit ka na nyan?" May halong lambing na ang boses niya. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung kami na ba ulit o hindi. Ang slow naman kasi ng isang 'to e. Hindi naman sa minamadali ko yung bagay na 'yun pero basta. Ang yabang yabang tapos slow naman pala.
"Ang arte mo kasi." Naiinis na sabi ko.
Bigla siyang tumayo at iniharap ako sa kanya. Pilit niyang inaangat ang tingin ko sa mukha niya pero iniiwas ko lang. Naiinis talaga ako.
"Sorry na." Ngayon magso-sorry sorry siya? Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang isang 'to! Hindi ko pa rin siya kinibo kaya napabuntong hininga siya. "Tatanggapin mo yung sorry ko o hahalikan kita?" Seryosong tanong niya.
Napatingin naman ako sa kanya ng masama. I looks could kill, siguro nakalambitin na 'to ngayon sa kisame habang may lubid sa leeg.
"Ano? Seryoso ako. Hahalikan kita o hahalikan kita?" Nakasmirk na siya ngayon. Naiinis ako sa kanya pero kapag nakikita ko yung ngiti niya, parang nagmemelt down talaga yung galit ko. Gusto kong ngumiti pero hindi pwede. Inis ako sa kanya.
"Bakit biglang nagbago yung tanong?" I crossed my arms in front of him. Bigla naman siyang lumapit sa'kin pero hindi ako umatras. Pero wrong move pala 'yung hindi ko pag-atras.
Bigla nyang kinurot ang magkabilang pisngi ko kaya napahawak ako sa magkabilang kamay niya. Ini-strech niya bigla yung pisngi ko! Ang sakit! "Hshxak! A-shc ba!" Hindi tuloy ako makapagsalita ng maayos. Mas nainis ako nang bigla siyang tumawa habang pinagti-tripan ang mukha ko. Moody!
"Ano? May sinasabi ka?" Natatawa pa rin niyang tanong. Nang-iinis talaga siya!
"Shahvi ko--" magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. And the next thing I knew, my lips were already sealed with his. Unti-unti ring bumaba ang kamay niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko. Gusto ko siyang batukan dahil naisahan niya ako. But all I did is to savor this moment. Ipinikit ko ang mga mata ko.
Pakiramdam ko, biglang nagwala ang mga laman loob ko dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Ipinulupot ko rin ang mga braso ko sa leeg niya para kumuha ng lakas. Nanghihina at nanginginig kasi ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko, kapag binitawan niya ako, bigla nalang akong malulusaw sa sahig.
Napangiti ako habang hinahalikan niya ako. I feel so happy. Pakiramdam ko, wala nang mas sasaya at mas i-special sa nangyayaring ito ngayon. I can already feel it. I mean, alam ko namang mahal niya ako at mahal ko rin siya. Pero totoo nga yung sabi nila. Action speaks louder than words. And his kisses speaks a lot of things specifically his unconditional and undying love for me.
Kusa kaming naghiwalay nang makaramdam kami ng hingal. Pinagdikit niya ang mga noo namin kaya kitang kita ko yung ngiti sa labi niya. It was so full of love. Napangiti rin ako. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Tangina! Wala talaga. Kahit ano talagang gawin kong pagpigil sa sarili ko, mahal na mahal pa rin talaga kita." Ramdam ko ang pag-iling siya.
Natawa ako at saka siya niyakap pabalik. "That's great. Because I'm so in love with you, too." Sincere na sabi ko.
I felt him stiffened. Hindi niya siguro ineexpect na sasabihin ko 'yun. Pero nakamove on na talaga ako kay Viex. Kung hindi nga ako sobrang nasaktan kay Viex dati, iisipin kong si Wren lang talaga ang minahal ko.
Bahagya siyang humiwalay sa pagkakayakap sa'kin at kitang kita ko ang pamumula ng buong mukha niya. Mas natawa ko lalo. Pero hindi niya pinansin yun. "T-talaga? Sigurado ka ba diyan? Walang halong biro? Mahal mo na talaga ulit ako? Ibig sabihin tayo na ulit? Magsalita ka--" dahil sa dami ng tanong niya, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sagutin so I just give him a peck on the lips.
Ngumiti ako pagkatapos at saka tumango. "Ang dami mong tanong, oo lang naman ang sagot ko." Imbis na mainis, niyakap niya lang ako habang nakangiti ng sobrang lapad.
"Tangina. Mahal na mahal kita." Masayang sabi niya. Pansin ko lang, bakit ang dalas na niyang magmura ngayon? Epekto ba yan ng pagsi-stay niya sa Mortal World?
"I love you so much too. From then and now." Nakangiti ring sagot ko.
Magkayakap lang kami ng biglang may tumikhim mula sa likod kaya napatingin kami dun. Si Exl pala. Nakangiti siya ng nakakaloko samin ni Wren kaya pakiramdam ko, namula ako sa sobrang hiya. Wala namang reaksyon si Wren nang makita ko yung mukha niya. "Heiress. Dumating na pala yung mga Vampires galing sa Dark Neriva na tutulong satin." Sabi niya at mabilis na tumakbo paalis. Minura pa siya ni Wren bago tuluyang makalayo samin. Kaya tumawa nalang ako bago kami lumabas ni Wren sa kwarto.
Nandito na pala yung mga tunay na vampires from Dark Neriva. Tutulong rin kasi sila samin para bukas. And I'm really thankful of that.
--
The night of the wedding
Nasa labas kami lahat ng Arunafeltz. Nakapalibot kami sa buong palasyo at nagtatago. Hindi kami naririnig mula sa loob dahil gumamit kami ng spell kung saan maitatago ang presensya naming lahat. May mga kakampi kaming nasa loob ng palasyo at sila ang unang kikilos. Kabilang dun ang ibang taga-silbi na kabilang race namin. Pati na rin mga elves na kinuha ng mga vampires para gawing alipin. Lahat sila nakausap na ni Roanna at Viex.
Ang sabi samin ni Roanna, mag-uumpisa ang seremonya sa paglilipat ng trono sa kanya. Tapos, magchi-cheers ang lahat para sa bago nilang Reyna. At yun nga ang nangyayari ngayon.
Nakatingin kaming lahat sa isang nakalutang na malaking Messenger Bubble dito sa pinagtataguan namin. Nakipag-ugnayan kami sa mga sorcerers na nasa loob para makita rin namin lahat ng nangyayari sa loob ng palasyo. Naipasa na ang korona kay Roanna. Ibig sabihin siya na ang Reyna ng Arunafeltz. At wala pa ring ideya si Leo Arunafeltz sa nakatakdang mangyari ngayon.
Ngumiti siya sa lahat habang hawak ang isang wine glass na may lamang dugo. "I was never expecting to receive so much trust from my father at this age. Lalo na at buong Arunafeltz Kingdom ang ipinapasa niya sa'kin. But makaasa kayong lahat na gagawin ko ang buong makakaya ko para pamunuan kayo. At para maipagpatuloy ko ang nasimulan ng mga magulang ko. Lalo na ng Mommy ko." Nakangiti niyang sabi at saka itinaas ang hawak niyang wine glass. "Let's all cheers for this special occasion." She said with finality.
I smirked. Nakita ko kung paano nila ubusin ang mga dugong nasa wine glass nila. Maraming uminom, pero mayroon ding mga hindi. Maraming malalakas na vampires ang dumalo ngayon. Pero alam kong mas marami pa sila.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang biglang magkagulo sa loob ng palasyo dahil sa isang Vampire na biglang napahiga sa sahig. Nakita ko kung paano ito nangisay at mabilis na naging abo. Ganoon rin yung ibang mga uminom. Kitang kita ko ang takot sa mukha ng mga nakaligtas na vampires.
Natatawa akong napailing. "You drink the wrong blood." I murmured. Dugo ko ang ininom nila. Nagbigay ako kahapon sa mga Vampires galing Dark Neriva ng ilang plastik ng dugo ko kaya nagpahinga lang ako kanina buong maghanapon. Binigay nila yun kanina sa mga tagapagsilbi para ihalo sa iinumin ng mga Vampires sa Transferring Ceremony. And credits to Roanna for telling me that.
Mas nagulantang ang lahat nang sumigaw ang isang kawal na kakapasok lang sa Great Hall nila. "We're being attacked!"
Napatingin ako sa mga kasama namin nang marinig ko yun. "Magready na ang lahat. Papasukin na natin ang buong palasyo. May the odds be ever in our favor!" Sigaw ko. Sa sobrang dami namin, alam kong sasapat na kami para pasukin ang barrier ng Arunafeltz.
Ang mga Senior Leaders ang babasag ng barrier ng Arunafeltz kasama si Daddy. At sa oras na magawa nila yun, lahat kami ay papasok na sa loob ng palasyo.
Dahil mas naging alerto ang mga vampires, nagpasabog sila ng ilang kanyon. Nung una, hindi ako naiinis dahil nakakaya pa ng ilang spell-casters na salagin ang mga 'yun. Pero dahil ang ibang kalahi namin ay kumampi na rin sa kanila, ginamitan nila iyon ng mga spell na nakakabutas ng mga shield spell. Nakakainis dahil hindi nalang basta Light ang ginagamit nila ngayon. They're using it along with Fire or Dark Magic kaya mas nagiging malakas ito.
"Kailangan namin ng pwersa dito!" Rinig kong sabi ng isang kawal.
Napatingin ako kila Zero. Hinawakan niya ang kamay ni Yana bago sila tumakbo papunta sa mga sugatang kawal dahil sa mga pinakawalang kanyon ng Arunafeltz. Napatingin ako kila Daddy at konti nalang, mababasag na nila ang barrier.
Tatakbo na sana ako papunta sa kanila nang maramdaman ang hawak ni Wren sa kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan. "I'll see you later." He said. Ngumiti ako at tumango bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.
Ang mga Wolves at ibang kawal ang haharap sa mga Werewolves na sumanib sa masasamang Vampires. Habang si Jae Kyline naman ang namumuno sa mga Witches at Warlocks na susugod sa aerial space ng buong palasyo. Alam naming hindi lang basta Vampires ang mga dumalo. Siguradong magtatawag pa sila ng ibang creatures na kakampi nila sa ibang bayan dito sa Otherworld.
Lumapit ako kila Daddy habang patuloy nilang pinatatamaan ng Light ang Barrier. Nagka-crack na ito.
"Zeira, bakit ka nandito?" He asked. Ngumiti lang ako at itinaas ang kamay ko. Nag-ipon ako ng lakas at nang matiyak kong sapat na 'yun ay inilabas ko yun sa palad ko. Napangiti ako nang mawala ang barrier nang tumama yung pinakawalan kong energy don.
Tumingin ako sa likod ko. "Pasukin na natin ang palasyo!" Sigaw ko. Nagsigawan naman sila bago kami tuluyang pumasok. Tahimik ang buong palasyo nang makapasok kami sa gate nila. Lahat kami nag-aabang lang na may sumugod samin. Napatingin ako sa paligid at pilit na inaalam kung saan sila nagtatago at nang malaman ko na ay tumingin ako sa likod ko kung nasaan ang ilang mga kawal pati na ang mga Senior Leaders. "Sa likod!" Sigaw ko. At parang kusa silang naglabasan para atakihin ang lahat ng nandito. Hindi na nakapalag yung ibang kawal dahil sobrang bilis nila pero bago pa man sila makalapit samin ng mga Seniod Leaders at ni Daddy ay nagamitan na namin sila ng spell. "Petrimon sikolo!" I chanted nang makita ko ang isang vampire na balak atakihin si Daddy.
Tumalsik ito at tuluyang naging abo na sumabay sa hangin. Napangiti si Daddy sa'kin. "Sige na, Zeira. Pumasok ka na sa palasyo. Kami na ang bahala dito." He said.
Tumango ako. "I love you, Daddy. Mag-iingat kayo." Sabi ko at saka siya niyakap.
"You too, princess." He said softly. Bago pa ako maiyak ay tumakbo na ako papunta sa palasyo.
Halo-halong katawan ng bawat races ang nadadaanan ko. Lahat sila halos wala nang buhay. Nalungkot ako nang makitang marami ring mga kawal namin ang kasama dun. Kakasimula lang ng War pero sobrang dami nang namamatay.
Napahinto ako nang makarinig ako ng pagyanig ng lupa. Napalunok ako agad. "Zy! Umalis ka dyan! Guguho yung lupang kinatatayuan mo!" Napatingin ako sa taas nang makita ko si si Zy, kasama si Jae Kyline. May pag-aalala sa boses nila. Aalis na sana ako dito pero bago pa ako tuluyang makahakbang palayo, bigla na itong gumuho. Kinakabahan ako pero nagconcentrate pa rin ako. Hindi ako pwedeng mamatay ng ganito. Pumikit ako at inisteady ang paghinga ko. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarili kong sumasabay sa hangin. Nakaya ko! Nakalipad ako!
Napatingin ako sa baba ko at nakita ang napakalaking butas dun. Halos nasama na nga yung mga patay na punong nandun dahil sa sobrang lawak nung pagguho. Pero hindi ako dun nagulat kung hindi nang kusa itong gumalaw. Napaiwas ako dahil biglang umangat yung lupang gumuho kaina. Nagform ito ng isang ulo at halos mawala lahat ng lupang nandito nang magtransform ito bilang isang higante. Para itong tubig na biglang nagspread para bumuo ng isang higante.
Kusa akong napatingin sa tuktok ng palasyo nang makarinig ako ng mga nagcha-chant dun. Sorcerers. Sila ang kumokontrol ng higanteng lupa
"Heiress, kami na ang bahala dito! Umalis ka na!" Jae Kyline said. Nakasakay sila sa mga broomstick nila kagaya ng ibang Witches at Warlocks. Napatingin rin ako kay Syn at tumango siya sa'kin kaya lumipad ako paalis dun. Kitang kita ko kung paano sila atakihin ng higanteng lupa pag-alis ko. Pero malaki ang tiwala kong makakaya nilang talunin yan.
Pagkababa ko sa kabilang parte ng lupa ay nakasalubong ko si Yana kasama si Zero. Nilapitan ko kaagad sila. Sila ang namumuno sa mga Sorcerers at Wizards na papasok sa likod ng palasyo. Dahil nandun ang ibang mga Sorcerers na kailangan nilang iligtas. She looks worried nang lapitan ko siya.
"Nailigtas niyo ba sila?" I asked. Kailangan kasing iligtas yung mga Sorcerers, Witches at Elves na nandito. Umiling siya na ipinagtaka ko.
"They're being compelled to fight against us, Heiress. Yung mga Elves lang ang nailigtas namin dahil kaya nilang i-repel yung compulsion." Malungkot na sabi niya.
"Kasama yung Daddy mo?"
Malungkot siyang tumango. Nag-isip ako sandali bago siya kausapin. "They're at the top of the Palace. Kailangan mo lang silang pabalikin sa mga senses nila, Yana. That will help para makawala sila sa compulsion. At para rin hindi na sila makagawa ng mga bagong kaaway." Sabi ko at tinuro ang higanteng kalaban nila Jae Kyline. "Cheer up. Maililigtas natin ang Daddy mo." Nakangiti kong sabi. Tumango siya at ngumiti.
"Thank you, Heiress."
--
Ang mga Elves ang may dala ng mga White Dragons para dalhin sa ligtas na lugar ang mga na-save naming Elves. And thank God dahil halos lahat ng Elves, nailigtas na. Sila Yumi at Yuki rin ang namumuno sa kanila. Sila rin ang gumagamot sa ibang mga kasamahan namin na sugatan. Kaya hangga't kaya nilang wag sumali sa laban ay ginagawa nila. Mas kailangan namin ang Healing Power nila para magamot ang mga kayang gamutin. Nakita kong i-sinave nila sila Master Lucio at Mistress Herina kanina. I just hope na safe ang Daddy ko at ang lahat ng masa panig namin.
Puro katawan lang ng mga Vampires at sira-sirang mga gamit ang nadatnan ko sa loob ng Great Hall pagpunta ko dun. Lahat sila, patay na. At sigurado akong nasa labas na yung iba. Nakakita pa ako kanina ng mga lumilipad na apoy na parang may buhay. At kusang umaatake sa mga kakampi namin. Hindi ko pa rin nakikita sila Mishie, Roanna at Viex. Pero alam kong lumalaban rin sila kasama ng ibang Vampires na kakampi namin.
"Very well." Nanindig ang lahat ng balahibo ko nang may nakakatakot na boses ang nagsalita. Napatingin ako sa harap ng Great Hall kung nasaan ang trono. Nakaupo dun si Leo Arunafeltz habang naka-de-kwatro at may hawak na baso na may lamang dugo. Napatingin siya sa'kin nang nakangiti. "Manang-mana ka sa ama mo. Parehas kayong tuso." Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya.
"I know, right?" Mapang-asar na sabi ko. Napahawak ako agad sa likod ko. Suot ko ang cloak ko at nandun yung Neb wood.
Natawa bigla si Leo na ipinagtaka ko. "Aren't you gonna talk to me first before you kill me?"
"My time's limited, Leo Arunafeltz. I have no time for some chitchats." Sabi ako at saka dinukot ang weapon na makakapatay kay Leo Arunafeltz. Mukhang nagulat siya kaya bigla siyang napatayo. Magsasalita pa sana siya pero mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Nang makapunta ko sa kinatatayuan niya kanina ay bigla siyang nawala. Napalingon ako likod ko nang marinig siyang tumawa.
"Nagkamali ako. Tanga ka rin gaya ng iyong ama." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak niya si Wren. May silver dagger siyang hawak at nakaturo yun mismo sa left chest ni Wren.
Halos mabitawan ko ang hawak kong Neb wood dahil don.
"W-wren. Ano'ng g-ginagawa mo dito?!" Puro sugat na si Wren dahil sa pakikipaglaban niya sa mga kalahi niya. Nakakainis! Bakit ba kasi siya pumunta dito?
"I-I'm sorry, Z-zeira." Nanghihina na rin siya dahil sa pagkakasakal ni Leo Arunafeltz sa kanya.
"You're too weak kaya naman mas madali kang paikutin." Leo Arunafeltz smirked. Napasigaw ako nang unti-unti niyang itarak sa dibdib ni Wren yung dagger.
"Aahh!" Hindi ko kayang marinig ang sigaw ni Wren. Pakiramdam ko, ako yung sinaksaksak sa sobrang sakit. Konti palang yung nakatarak sa kanya pero alam kong sobrang nasasaktan siya. Dahil yun ang makakapatay sa Wolf na gaya niya.
"Stop it!" Sigaw ko. Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap kay Wren. Nagshrug siya at tinanggal yung dagger. Nakahinga ako ng maluwag ng gawin niya yon. Pero rinig ko pa rin ang bawat hirap ni Wren sa paghinga.
"W-wren." I mumbled pero parang hindi niya ako naririnig. Puro dugo ang katawan niya at hindi ko siya kayang tignan kaya napaiwas ako ng tingin at saka pinunasan ang luha ko.
"Give me that weapon, Heiress of Lairhart." Napatingin ako kay Leo nang bigla niyang sabihin yun. Mas lalo lang humigpit ang hawak ko sa Neb wood. Gustong gusto ko nang itarak ang bagay na 'to sa puso ni Leo Arunafeltz pero hindi ko magawa dahil sasaktan niya si Wren. "Ayaw mo?" Tanong niya at saka ako umiling.
"Wren!" Mas nanghina ako nang bigla niyang saksakin sa tyan si Wren. Isang malakas na pagsigaw mula sa kanya ang narinig ko. Napakadaming dugo ang lumabas sa kanya nang tanggalin ni Leo Arunafeltz yung dagger sa tyan niya.
"Sa saktong puso na niya tatarak ang bagay na 'to kapag hindi mo pa rin binigay ang hawak mo." May pagbabanta na sa boses ni Leo. Bibitawan ko na sana yung Neb wood nang may sumigaw.
"Wag, Zeira!"
Napatingin ako sa taong yun. Si Roanna, Viex at Mishie. Hawak sila ng mga Wolves na kumampi kay Leo. Puro dugo rin sila Roanna at Viex habang walang malay naman si Mishie.
"Tsk tsk. My little traitor daughter. Sa umpisa palang naghinala na ako sayo. Hindi ko inaakalang pagtataksilan mo ang sarili mong ama." Leo's voice was full of hatred and disappointment at the same time. Napatingin sa kanya si Roanna.
"You deserve to die, Dad. Lalo na nang patayin mo si Mom sa mismong harap ko. Wala kang awa! Dapat kang mamatay!" She said.
But Leo just smirked on her. "Kung mamamatay man ako, isasama ko kayong lahat sa hukay." Pagkatapos niyang sabihin yun ay parang kusang gumalaw yung mga wolves para saksakin si Roanna. Narinig ko pang sumigaw si Viex pero pati siya sinaktan rin. "Come on, Zeira Lairhart. Naghihintay ako." Sabi niya.
"Z-zeira w-ag--ahh!" Sinaksak ulit nung Wolf si Roanna gamit yung kahoy na hawak niya hanggang sa nawalan ito ng malay.
"Stop the fuck it!" Viex shouted. Pero pati siya, sinaksak ng isa sa mga ito.
"Pakawalan mo sila! Ibibigay ko ang Neb wood kung pakakawalan niyo sila." Naiiyak na sabi ko. Halos magmakaawa na ako para lang pakawalan niya ang mga kaibigan ko.
Napangiti siya. "Pakawalan niyo sila." Sabi niya. Agad naman itong sinunod ng mga Wolves. Binitawan niya rin si Wren kaya napaluhod ito. Lalapitan ko sana ang mga nanghihinang katawan nila pero nagsalita agad si Leo.
"Not so fast. Ibigay mo muna sa'kin ang Neb wood na hawak mo bago mo malapitan ang mga taong mahal mo." Sabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip at pinalutang na ito agad sa ere papunta sa kanya. Nang makuha niya na 'yon ay mabilis akong lumapit sa kanila. Pero bago ko pa yun magawa ay nakuha na niya si Wren at saka ito dinala sa kabilang bahagi ng Hall. Halos mapamura ako sa isip. Pinaglalaruan niya lang ako!
Napatingin ako sa kanya ng masama pero tumawa lang siya. Aatakihin ko na sana siya gamit ang kapangyarihan ko nang bigla niyang iharap ang mukha ni Wren sa mukha niya. "Kill Zeira Lairhart. And don't ever stop until she also kills you." nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. He's compelling Wren, for Pete's sake!
Biglang tumayo ng matuwid si Wren na parang wala siyang saksak. Ibinigay sa kanya ni Leo Arunafeltz yung Neb wood. Nanghihina akong tumingin sa kanya. Napatingin rin siya sa'kin pero wala na akong makitang emosyon sa mga mata niya. Mas lalo akong napaiyak nang sugurin niya ako. "Wren!" Nanginginig na sabi ko. Nakaiwas ako agad nang tangkain niya akong saksakin gamit yung wood. Pero hindi pa rin siya tumigil.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko siya kayang labanan!
"Wren! Don't do this to me!" I cried but I got no reply. Ang demonyong tawa lang ni Leo Arunafeltz ang narinig ko. Prente siyang nakaupo sa trono habang pinagpatuloy ang pag-inom ng dugo. Sa sobrang inis ko, pinatamaan ko siya ng Air Blades ko kaya nabasag ang basong hawak niya. Natamaan rin siya nito sa mukha kaya nagkagasgas siya. Napailing siya sa sobrang inis at tumingin kay Wren.
"What are you still doing there?! Kill that bitch!" He said. Mabilis naman siyang sinunod ni Wren. Sinugod niya ako agad at dahil hindi ko iyon napaghandaan, nadali niya ako. "Ahhh!" Napasigaw ako sa sakit nang masaksak niya ang kaliwang braso ko. Buti nalang nakaiwas ako. Papatayin niya talaga ako. Wala na akong choice kung hindi ang lumaban.
"Aeriso lumos!" Nagpakawala ako ng isang Light Bomb na sumasabog kapag nadidikit sa katawan ng tao. Tumalsik siya dahil don at saka niya nabitawan yung Neb wood. Kukunin ko na sana pero nakaramdam ako ng tao sa likod ko. Si Leo. He snaked his hands on my neck na naging dahilan kung bakit nahirapan akong huminga.
"Akala mo ba mapapatay mo ako?" He said gritting his teeth. "Tumayo ka dyan, Wolf!" Sigaw niya kay Wren na agad naman nitong sinunod. Mabilis itong lumapit samin hawak yung yung Neb wood.
Pumikit ako nang may maisip ako. Nahihirapan akong huminga dahil sinasakal niya ako pero makakaya ko pa rin namang magchant ng spell gamit ang isip ko. 'Taranspin ferilon.' I chanted in my mind. Isa iyong spell na kayang patagusin yung Neb wood sakin. Since nasa likod ko si Leo, siya ang masasaksak non.
Napadilat ako bigla at nakita kong bumalik na sa sarili niya si Wren. Ngumiti ako sa kanya pero biglang tumulo ang luha niya.
"Z-zeira." His voice cracked bago niya tuluyang hugutin ang Neb wood samin ni Leo. Narinig ko ang pagkalabog ng sahig dahil sa pagbagsak niya. Pero kasabay nun ay ang pagbagsak ko rin sa sahig. Nanginginig si Wren na nilapitan ako. "Z-zeira! I'm sorry! Patawarin mo ko!" Napangiti lang ako sa kanya nang bigla niya akong niyakap. Nakasalampak ako sa sahig at pakiramdam ko, unti-unti na akong nagiging abo.
Oo, nagawa kong patagusin sa sarili ko yung Neb wood. Pero bago pa man yun mangyari, nasaksak na rin ako ni Wren. Unti-unti kong nararamdaman ang paghina ng tibok ng puso ko. Narinig ko ang paglapit ni Viex samin pero hindi ko siya pinansin. Nagfocus lang ako sa mukha ng taong pinakamamahal ko. Sino nga ba namang mag-aakala na isang araw lang kami tatagal?
"Zeira! Hold on! We're going to heal you." Narinig ko rin ang panginginig ng boses ni Viex habang hawak ang isa kong kamay. Marahan akong umiling.
"I-I'm s-sorry." Sabi ko sa kanila. Napatingin ako kay Wren. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Alam kong ngayon, sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari. Pero hindi naman niya kasalanan. Sana, kapag nawala na ako, hindi niya parusahan ang sarili niya. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang mga bagay na alam kong isisisi niya sa sarili niya pero hindi ko na kayang magsalita. Paulit-ulit na mura ang naririnig ko sa kanya.
"Sorry, Zeira. Please! Wag mo naman akong iwan." Bigla niya ako ulit niyakap at paulit-ulit siyang nagsorry. Bahagya ulit akong umiling at pilit itinapat sa tenga niya ang bibig ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagiging abo ng katawan ko at ang pagsama nito sa hangin.
"I-- love y-you, Wren. S-so much." I successfully said. Napapikit ako at napangiti. May sinasabi pa si Wren pero hindi ko na naintindihan. Gumawa ako ng isang malaking magic circle sa isip ko at nagchant ng spell para patayin lahat ng mga kalaban na nasa buong Arunafeltz. 'Diatus mongre suen si nor.'
Nakarinig ako ng matitinding pagsabog bago ako tuluyang malagutan ng hininga. I know we're all bound to die. Nauna lang siguro ako. But I'm glad I'm with the person I love the most when I met my end and that's Wren Wolf.*****
Add me for updates! :)FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The HeiressLove,
Jin
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...