Chapter 32: The Start of Change

53.8K 1.2K 76
                                    

Chapter 32: The Start of Change

Bahagya akong humiwalay kay Viex nang makarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa langit. I immediately look at the sky and I was amazed by those breathtaking fireworks. Nagsimula na pala ang fireworks display na sinet up ng ibang members ng FHCOL kanina. It really looks amazing but I’m not in the mood to appreciate how beautiful it is. Napatingin ako sa stage pero wala nang tao dun. Tapos na palang magperform sila Wren. I sighed at walang sabi-sabi ay tinalikuran ko si Viex saka naglakad palayo.

Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko but I didn’t bother to look back. Nahihiya ako sa kanya at the same time, naiinis ako. Hindi sa kanya o dahil sa ginawa niya kundi dahil sa sarili ko. Bakit ako naguguluhan ng ganito? Bakit pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa hindi ko naman malaman na dahilan? Pakiramdam ko, may kulang. Na parang hindi tama yung ginawa ko—namin. Oo. Nagustuhan ko ang ginawa ni Viex. It was my first kiss but I don’t think it was worth it. Yes, it is the best place to do something romantic but this is not the right feelings that I am supposed to feel. I should be happy yet I feel so much pain in my chest but I don’t know why. It feels so wrong.

Then suddenly, like it really was supposed to happen, Wren’s pained expression flashed in my head. Napatigil ako sa paglalakad at nagpalinga-linga. Pakiramdam ko kasi, malapit lang si Wren sa’kin. Pero wala naman akong nakitang nakakainis na wolf sa paligid. Napailing ako. Baka epekto lang ‘to ng pagkakatitig ko sa kanya kanina habang kumakanta siya. Siguro nagmark lang talaga sa utak ko yung itsura niya. Gaya ng nararamdaman ko dati tuwing malapit sa’kin si Viex. And that’s because of his eyes. Pero ngayon, wala na ‘yung epektong ‘yun.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just really need to think.

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin sa balat ko. Gabing-gabi na at siguradong isa-isa nang nagbabalikan sa mga dormitories ang mga students. Yung fireworks display na kasi ang signal na tapos na ang party.

Geez. Naiinis talaga ako sa mga nangyari. It was supposed to be an awesome day and I am supposed to be happy dahil tapos na ang matagal ko nang pinaghahandaan pero, wala. Nawala lahat ng ‘yon dahil lang sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko. I, myself, personally ruined my day. Great.

Naupo ako sa damuhan ng garden ng Finelry. Hindi ako madalas na pumunta dito dahil medyo tago ang lugar na ito pero ito yata ang tamang lugar para sa nararamdaman ko ngayon.

Napasabunot ako sa buhok ko. Ghad! Ngayon lang ako nafrustrate ng ganito. Nakakainis! Nakakaiyak! Lahat na yata ng pwede kong maramdaman, naramdaman ko na ngayong araw. Ano pa bang gusto ko? Ako lang naman kasi nagpapahirap sa sarili ko e!

“Your hair is not the one to blame when you’re upset, princess.” A voice joked.

Napatingin ako sa likod ko at bigla akong napatayo nang makita si Daddy. “Dad? What are you doing here?” Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon