Chapter 24: Vampire's Bite

62.5K 1.4K 58
                                    

Chapter 24: Vampire's Bite

I just looked at my bestfriend, blankly. Hindi ko alam kung ano'ng irereact. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Paano ko siya naging Alistair? At geez! Paano'ng hindi ko nalaman na may kakaiba sa kanya? For pete's sake! Buong buhay ko, kasama ko na ang babaeng ito.

“Pero simula pagkabata, kaibigan na kita. Ibig bang sabihin nun, kasabay kang ipinadala sa mortal world, kasama ko?” I asked curiously. Pero ang pagkakaalam ko, ako lang mag-isa ang dinala dito ni Queen Hermione, ng totoo kong mommy. Kaya paano?

“Nope, Heiress Zeira—“ pinutol ko na agad ang sasabihin niya nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. Ayokong tawagin nila akong heiress. Kasi ayoko namang maging heiress nila. Okay na ako sa responsibilidad ko rito sa Finelry. At kaya ko naman sigurong ipaghiganti ang mga magulang ko sa demonyong Leo na yon kahit hindi ako maging prinsesa ng Lairhart.

“Quit the Heiress thingy, Syn! It creeps me out.”

“But you’re the lost heiress and I’m just your servant.” she gave me a faint smile. That's not true. She's my friend. Saka bakit ba bigla nalang nagbago ang pakikitungo at tawag niya sa'kin? Hindi naman porket ako ang Lost Heiress ng Lairhart, kakalimutan na niya na kaibigan niya ako.

“I’m your friend, okay?”

“Pero—“

“No buts!”

“As you wish, Zy.” She sighed. Sa pagkakasabi niyang yun, parang napipilitan lang naman siya. Ngumiti siya bigla. "You're really humble."

I smiled back. “Okay, continue.” Sabi ko nalang.

“As I was saying, bago ka pa man maipadala ng mga magulang mo dito sa mortal world, nandito na rin ang pamilya ko. At nakita ng Mama ko si Queen Hermione nang dalhin ka niya dito. My mom saw you first bago ka pa man makita ng Mimi mo, Zy.”

“Pero bakit hindi ang mama mo ang kumuha sa’kin? At saan niya ako nakita?” ayokong alamin ang mga bagay na ‘to pero hindi ko mapigilan ang magtanong. I can't get away with the truth. I know that.

“My mom was a powerful witch, Zy. Isa siya sa mga naging apprentice ni Queen Hermione, she was also her Alistair, to be exact." So kilala pala ng Mommy ko ang Mommy ni Syn? At Alistair niya rin ito? "Natakot siyang madamay pa kami sa away ng mga Vampires at Sorcerers. Sinabi ko sayong namatay ang papa ko sa pakikipaglaban diba?" I nod. Natatandaan ko pa na sinabi niya yun samin nang una namin siyang nakilala ni Mishie. Parehas kasi kami ni Mishie na sinundo ng mga sari-sarili naming Daddy pagkatapos naming maglaro pero walang sumundo kay Syn. "My dad wasn't a soldier of this country. He was a warlock pero napatay siya ng isa sa mga vampire. Ayaw na ni Mama na maulit ang nangyaring yun kaya dinala niya ako sa mortal world. I was still a baby back then. Weeks later, nakita niya si Queen Hermione na may karga-kargang bata. sa subdivision natin, sa Gatewoods. Do you still remember that scary part in our subdivision?" Tumango ulit ako sa tanong niya. "Nagtago siya dahil nahihiya siyang makita siya ni Queen Hermione. Kaya nakita niya rin na iniwan ka ng reyna sa ilalim ng pinakamalaking puno sa Gatewoods at saka ito umalis." Pakiramdam ko kinilabutan ako nang banggitin niya ang malaking puno na yun sa gatewoods. I know that tree. Hindi ko yun makakalimutan.

"Kukunin ka sana ng Mama ko pero biglang dumating ang Mimi mo, Zy. She looked so happy that she saw you. Nung oras na yun alam ng Mama ko na yun talaga ang tadhana mo. And she doesn't want to interfere for it meant breaking the rule of nature." She paused but then continue. "Being the Lost Princess, kailangan mo ng guardian na poprotekta sa'yo, lalo na't hindi mo alam gamitin ang kapangyarihan mo. Gustong bumawi ng Mama ko sa Reyna kaya ako ang ginawa niyang Alistair mo. Pwede rin naman yun dahil siya ang alistair ng mommy mo. That's the time na naging magkaibigan tayo."

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon