Chapter 45: Lost Invitation
Nagtipon-tipon lahat ng Welshes sa Plaza ng Mystic Palace. Lahat nasabihan na sa pag-alis. Ayaw umalis ng ibang namatayan ng kamag-anak sa pakikipaglaban kanina pero wala rin silang nagawa. Nakapasok na ang vampires dito, meaning, nawasak na nila ang shield ng buong Mystic Palace kaya pwede silang bumalik dito anumang oras.
Habang papunta kami dito, nakita namin na sobra pala talaga yung paninirang ginawa ng Vampires sa buong Mystic Palace. Hindi lang sa Mystic Hall. Naglipana ang mga sirang bahay sa paligid ng palasyo, may mga patay rin at maraming sugatan. It's beyond repair. Kaya rin siguro napagpasyahan nilang umalis na rin dito.
Napaupo ako sa tabi ng mga Leaders pagkatapos kong kausapin yung mga nawalan ng mahal sa buhay. I know how if feels to lose someone you love forever kaya naman kinomfort ko sila. Para na rin makilala ko rin ang mga nasasakupan ko.
I sighed and looked up at the sky. Umaga na at hinihintay nalang namin ang go signal ni Master Hans para umalis. Hindi naman ako kumokontra sa mga nagiging desisyon ni Master Hans dahil mas matagal niyang nakasama ang mga Welshes dito. Alam kong alam niya kung ano ang mas makakabuti. While me? Halos ilang araw pa nga lang. Hindi ko rin matanggap na wala akong nagawa para tulungan sila kagabi. Kung hindi lang sana ako nagpadaig sa galit ko, hindi tumagal ang laban namin ni Roanna at natulungan ko lahat ng nasa Hall.
"Kumusta sila?" Syn asked while tapping my left shoulder. Nakaupo kami sa isang putol na sanga ng puno na tumumba dahil sa laban kanina. Lahat kami wala pang tulog kaya lahat rin kami ay pagod.
"Malungkot." I sighed for the nth time. How many times do I have to feel unsafe? Ni hindi ko nga rin alam kung sa pagbalik ba namin sa Lairhart, magiging ayos na ang lahat. It's just everything is uncertain.
"It's normal, Zy. Makakamove on rin tayong lahat sa mga nangyari." She assured me but I shook my head.
"We can't just move on, Syn. Kailangan nating gumanti sa ginawa nila." I said, gritting my teeth. Hindi ko na pwedeng palampasin ang ginagawa nila sa mga kalahi ko. Tama na 'yung pinatay nila ang mga magulang ko at ang nangyari kanina. Tama na 'yun.
"I know." She said, nodding. Like she understands how I feel. "But not now. Kailangan muna nating makabawi. Hindi tayo makakalaban dahil mas marami rin sila sa'tin."
She's right. Kumpara sa mga sumugod kagabi, kakaunti kami. At sigurado akong hindi pa lahat ng vampires ang sumugod samin. Meron pa. Marami pa sila.
Tumango nalang ako. But no. Hindi ako papayag na hindi makaganti sa kanila agad. Kailangan ko ring makuha yung vampire book ko. Alam kong sobrang importante ng vampire book na 'yun sa kanila kaya nila 'yun kinuha dito. At kung kinakailangang ako lang mag-isa ang pumunta sa Arunafeltz Kingdom para lang kunin 'yon. Gagawin ko.
"Heiress, bukas na raw ang portal. Pwede na tayong pumasok." Yana said. Napatayo ako sa pagkakaupo, ganoon rin si Syndrie. Naglakad kami papunta sa unahan kung saan may isang malaking bilog. Napaiwas ako ng tingin dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling sa malaking bilog na 'yun. Marami kaming aalis kaya hindi kami pwedeng basta basta maglakbay sa labas. Siguradong marami kaming makakasalubong na Vampires.
Hindi na namin pwedeng isaalang-alang ang buhay ng ibang Welshes kaya napagdesisyunan ni Master Hans at ng ibang Senior Leaders na gumawa nalang ng portal papunta sa Lairhart. Pero ang sabi nila, hindi daw abot sa mismong loob ng Lairhart ang portal na 'to dahil buhay pa rin daw ang shield ng buong kaharian hanggang ngayon kaya sa labas lang daw kami nito dadalhin. Maglalakad pa kami ng konti para makarating sa mismong palasyo.
Nauna ang mga kawal na pumasok habang huli naman ang Senior Leaders. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa maliwanag na portal ay hinanap na muna ng mata ko si Mishie. Nakita ko siya sa isang gilid habang nakatingin samin. I walked towards her.
Magsasalita pa sana siya nang bigla ko siyang yakapin. She can't go to the Lairhart Kingdom dahil kailangan niya raw umuwi sa Mortal World. "Mag-iingat ka, okay?" Paalala ko sa kanya.
She chuckled and hugged me back. "Of course, Zy. Babalik rin naman ako. Sira ka talaga." Biro niya. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya at saka nagpout.
"I'll miss you. Basta balitaan mo kami ha? Pakisabi rin kay Cyrus at Nijel na miss ko na sila." Ngumiti siya at tumango. "At sabihin mo kay Master A ang mga nangyari dito." Mukhang nagtataka siya sa inutos ko pero tumango nalang rin siya.
I hugged her once again at saka umalis.
--
"Woah! Ang laki!" Manghang-mangha na sabi ni Riley pagkarating namin sa harap ng Lairhart. Isang napakalaking grey na gate ang bumungad sa'min. May mga nakaukit dun na hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin habang may malaking L sign sa pinakataas ng gate na may korona. Gaya nung birthmark ko. Nandito na nga kami.
"Takte tol! Dapat pala dati palang pumunta na tayo dito!" Mangha ring sabi ni Exl. Napailing nalang ako at napangiti. Miski kasi ako, namamangha rin sa sobrang engrande ng gate na 'to. Paano pa kaya kapag nasa loob na kami?
"Yung mga bunganga niyo pakisara. Maraming naglipanang pixies dito baka pasukan yan." Seryosong sabi ni Syn. Bigla namang nanahimik yung dalawa. Pati tuloy ako napalunok nang dahil sa sinabi niya.
Biglang natawa si Jae Kyline pati na rin yung magkapatid. Napatingin sa kanila sila Exl at Riley pati na rin ako. Bakit sila tumatawa?
Bigla ring tumawa si Syndrie. "I'm just joking." She said. Napasimangot naman yung dalawang Wolves.
"Napakasama talaga ng ugali mo, Wilward." Nakasimangot na sabi ni Riley pero nagsmirk lang si Syn sa kanya kaya natawa nalang kami.
"Atleast ugali lang ang masama. E ikaw masama na ang ugali, dinamay pa yung mukha." Mas lalo kaming natawa nang dahil sa sinabi ni Syn.
"Ano?!" Paasik na tanong ni Riley kay Syn at akma yatang dito pa sila mag-aaway. Ibang klase talaga silang mag-asaran dalawa. Akala mo naman hindi sila sweet kagabi. Buti nalang medyo malayo kami kila Master Hans, kung hindi baka napagalitan na kami. Hinihintay nalang kasi yung iba para makatawid bago kami pumasok.
"Ano? Pati ba tenga mo, nabingi na ngayon?" Nang-aasar pa rin na sabi ni Syn. Tahimik lang kaming nakikinig sa pag-uusap nilang dalawa.
"Alam mo ikaw, kung hindi ka lang babae, pinatulan na kita." Naiinis na sabi ni Riley sa kanya. Mukhang pikon na pikon na itong isa kaya kinalabit ko na si Wren para awatin yung dalawa.
"Ano?" Masungit na tanong nitong isa. Ngumuso ako sa direksyon nung dalawang kanina pa nag-aaway at bumalik ang tingin ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sakin. Hindi niya ba nagets? Bakit ba walang paki-alam sa mundo 'tong isang to? Hindi manlang ba niya alam na nag-aaway na yung dalawa? Magsasalita na sana ako nang unahan niya na ako. "Kinalabit mo ko para humingi ng kiss?" He said, smirking
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha ng asong ito! Inirapan ko siya. "Alam mo, kung gusto ko mang humingi ng kiss, hindi a--" napahinto ako nang marealize ang gusto kong sabihin. Geez! Nakakainis! Dapat pala hindi ko nalang siya kinalabit.
Tumango siya bigla. "Alam ko, Zeira. Nagbibiro lang ako." Seryosong sabi niya at saka naglakad palayo. Nakonsensya naman ako. Bakit ko ba kasi sinabi 'yun? Mukhang nagalit tuloy si Wren. "Riley." He said with a monotone voice. Napahinto naman si Riley sa pakikipag-asaran nang makitang badtrip si Wren. Ano ba naman 'yan! Nakokonsensya talaga ako.
"Kumpleto na ba?" Narinig kong tanong ni Master Hans kaya napatingin ako sa kanya. Nasa pinakaharap siya ng gate. Sumagot naman ang Welshes na kumpleto na daw kaya nagready na kami para pumasok. Nagsihilera ang mga Senior Leaders at itinaas ang mga wands nila. Marahan nilang idinikit ang mga dulo nito sa malaking gate ng Lairhart. Bigla itong umilaw ng puti at nakarinig kami ng pagclick mula malaking gate. Hindi lang isa kung hindi marami na parang marami itong lock sa loob.
Nakatingin lang kami dito hanggang sa unti-unti itong bumukas at bumungad samin ang isang napakahabang daan sa gitna ng maraming puno. Pumasok kaming lahat at kusang sumara ang pinto. Namangha ako nang makitang ang daming makukulay na puno dito. Tapos may iba pang puno na nag-iiba iba ng kulay. May ibang puno na nakalutang sa ere. Hindi na ako magtataka kung may makita akong puno na nagsasalita dito.
"Ang ganda pala ng kaharian niyo, Heiress." Napatingin ako sa gilid ko nang makita yung ibang wolves na kasabay ko na palang maglakad. Napatingin ako sa likod at nakita dun si Wren. Nakatingin lang siya sa paligid at parang badtrip pa rin. Nasa unahan naman namin yung ibang Welshes.
Nginitian ko nalang itong mga katabi ko. Hindi ko rin naman kasi maalala kung ano'ng meron sa kaharian namin. Ngayon ko lang rin nakita ang mga bagay na nakikita nila ngayon rito.
"Heiress." Napatingin ako kay Sade nang bigla niyang banggain ng balikat niya ang balikat ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"May LQ ba kayo ni Leader?" Nagtatakang tanong niya.
"Oo nga, Heiress. Nabubugnot na naman kasi si Leader." Si Ean naman ang nagtanong na nasa kanan ko naman. Nakita kong nakikichismis na rin yung ibang Wolves samin.
"LQ?" Natatawa kong tanong sa kanila. Mukha kasing curious na curious sila sa mga nangyayari. Tumango silang lahat. "Saan niyo naman natutunan ang salitang yan?" Tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang lahat. "Sa Mortal World, Heiress. Naririnig namin 'yun kay Milo e." Sabi ni Oliah. Napailing ako. Bata pa si Milo ah? Alam na agad niya ang salitang LQ.
"Oo, Heiress. Sinasabi niya yun samin kapag nag-aaway kaming dalawa ni Exl e. May LQ daw kami." Riley said. Mas lalo akong natawa. Mukhang pinagti-tripan sila ni Milo.
Napailing ako habang tumatawa. "Hindi naman kami nag-away ni Wren." Sabi ko sa kanila. Sabay sabay naman silang napatingin sa likod kung nasaan si Wren kaya napatingin rin ako.
Pero Pare-parehas rin kaming napatingin ulit sa dinadaanan namin nang tignan kami ng masama si Wren. Sungit!
"Wooh! Alam niyo mga tol, siguro kailangang bilisan na natin ang lakad." Suggestion ni Winston. Nagsitanguan naman ang iba bukod kay Eight.
"Bakit naman tol? E ang sarap pa ma-- aray ko! The fuck!" Binatukan siya bigla ni Leifer pero hindi ako dun natawa kung hindi sa way ng pagmumura niya. Para kasing hindi niya alam ang ibig sabihin kung sabihin niya kaya binatukan ko rin siya. "Aray ko naman, Heiress." Parang nahihiya pa siyang sabi.
"Masama yung sinabi mo, Eight!" Sabi ko sa kanya pero nagpout lang siya kaya mas lalo akong natawa.
"Hoy tanga, tara na." Biglang hinila nila Leifer at Valter si Eight para tumakbo paalis. Napalingon ako sa magkabilang side ko at lahat sila, wala na. Napailing ako. Mga siraulo talaga 'yung mga 'yon. Iwan ba naman ako dito?
Napalingon ako sa likod ko at nandun pa rin si Wren. Nahuli kong nakatingin siya sa'kin pero hindi naman siya umiwas ng tingin. He's looking at me intently na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Why is he acting like that?
Nagmamadali akong maglakad dahil hindi ko na nakikita yung ibang Welshes sa harap. Kaming dalawa nalang ang nandito pero napahinto ako nang unahan akong maglakad ni Wren.
"Hoy aso!" Malakas na tawag ko sa kanya at saka sumabay ng lakad. Nakalagay sa magkabilang bulsa niya ang mga kamay niya. Patuloy lang siya sa paglakad at hindi ako kinikibo. Nakakainis naman 'to. Nang dahil sa pang-i-snob niya sakin ay nakaisip ako ng pwedeng gawin. Nagtiptoe ako habang naglalakad at itinapat ang labi ko sa tenga niya. "Wren!" I shouted at the top of my lungs.
Mabilis siyang napalayo sa'kin at napahawak sa damaged nyang tenga. Napangiti ako ng malapad nang tumingin siya sa'kin ng masama.
"Tangina! Kailangan bang sumigaw?" Inis na inis na tanong niya sa'kin. Napasimangot naman ako dahil dun.
"Hindi mo kasi ako pinapansin!"
"Napakapapansin mo naman!"
"Ako? Ang kapal mo ha! Nakakasakit ka na!" Dire-diretso kong sabi. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa'kin. I gulped. Uh-oh. Wrong choice of words, Zeira. Wrong choice of words.
"Ikaw ba hindi?" Seryoso na namang sabi niya. Hindi ako nakasagot kaya bigla siyang umalis sa harap ko. Nakatingin lang ako sa papalayo niyang likod. Nakokonsensya na ako. Nakakadalawa na ako ngayong araw! Hindi ko na nga muna siya kakausapin!
--
Hinatid ako agad ng mga taga-bantay sa sinasabi nilang magiging kwarto ko rito sa Lairhart pagkarating namin. Tahimik lang ako simula kanina dahil sa tampuhan namin ni Wren. Nakokonsensya kasi talaga ako. Isabay pa na sobrang hindi mawala sa isip ko yung Vampire Book. At kung paano ko kukunin sa mga vampires 'yun. Kaya naman wala akong ganang maglibot.
Pilit ko nalang itinutuon ang atensyon ko sa kagandahan ng Lairhart. Kulay white at gold lang halos lahat ng makikita sa loob pati na sa mga kwarto. Nakakatakot pang maglikot masyado dahil baka may mabasag ako. Mukha pa namang mamahalin lahat ng gamit.
Marami rin palang natirang Welshes dito. Karamihan ay Elves at Sorcerers. Sila ang nagbabantay ng kaharian simula nung salakayin kami ng mga Vampires. Sila rin ang nag-ayos ng buong palasyo dahil sobrang nasira daw ito dati. Gusto ko sanang itanong kila Master Hans kung bakit hindi pa sila lumipat dito dati kung maayos naman na, kaso parang alam ko na rin ang sagot. Dahil hinahanap nila ako.
Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa malaking balkonahe ng kwarto. Katulad ito ng kwarto ko sa Mystic Palace pero mas malaki ito ng limang beses dun. Isang kurtinang transparent lang ang pinto. Nakikita ko kung sino ang mga nasa labas pero hindi nila ako nakikita dito sa loob. Nasa harap ng pinto ang balkonahe habang nasa gilid naman ang kama. May bookshelf rin doon na sabi nila, mga librong gamit ko raw dati. At ilan pang gamit na hindi pamilyar sa'kin.
Nagbilin ako sa mga kawal na wag magpapasok ng kahit na sino dito dahil gusto kong magpahinga. Wala pa kasi talaga akong tulog.
Pinagmasdan ko lang ang magandang tanawin mula dito sa kwarto ko. Puro puno ang natatanaw ko mula rito kaya ang sarap sa pakiramdam. Dahil dito, mas narealize ko lang na ang layo layo ko na talaga kila Mimi.
2 days later
Dalawang araw na ang nakakalipas nang huli kaming mag-usap ni Wren. Hindi niya pa rin ako pinapansin hanggang ngayon. Hindi ko rin kasi siya mahagilap. Dalawang araw na rin simula nang ituloy ko ang pagte-training ko kasama ang mga leaders. Naturuan na ako ng lahat ng Leaders except kay Wren dahil hindi nga siya nagpaparamdam sa'kin.
So far, maayos naman ang pagtira namin dito sa Lairhart. Walang kakaibang nangyayari. Dahil alam namin na hindi pa alam ng mga kalaban na bumalik na kami rito. Mas mabuti na rin 'yon para mas mapaghandaan namin kung sakaling sasalakay ulit sila.
"Ano'ng subject ko ngayon, Syn?" Tanong ko sa kanya na nakaupo sa kama ko. Nagpatulong ako sa kanyang i-zipper yung dress na suot ko ngayon. Simple white dress lang ito na bigay ng mga elves. Sila na yata ang official designer ko rito sa palasyo.
"Potions and Spells, Zy." Napatango ako. Ano na naman kayang mangyayari sa Potion and Spell Class ko? Nung nakaraan kasi parang gusto na akong batukan ni Jae Kyline dahil hindi ko sinusunod ang mga sinasabi niya, kaya naman iba ang nagiging kinakalabasan ng ginagawa kong potion. Kung hindi lang daw ako prinsesa baka pinalayas na raw niya ako sa Potion Room. Tinawanan ko nalang tuloy siya. Hindi naman mahigpit si Jae kaya nag-e-enjoy rin ako sa mga lessons niya.
"Hindi pa ba nakakabalik dito si Mishie?" Tanong ko sa kanya habang itinatali ang buhok ko. Umiling lang siya. "Kailan kaya babalik ang babaeng 'yun?" I asked more likely to myself. She shrugged.
"Busy siguro sa Mortal World."
"Siguro nga."
Sabay kaming lumabas ng kwarto ko. Lahat ng madadaanan naming Welsh ay binabati kami at ganun rin kami ni Syn sa kanila. Nagmadali akong pumunta sa Potion Room dahil late na ako sa usapan namin ni Jae Kyline.
Naghiwalay na kami ni Syn bago pa man makarating sa Potion Room dahil may aasikasuhin pa raw siya.
"Jae?" Tawag ko sa kanya pagkapasok ko pero walang sumagot. Nagulat ako nang makita ang itsura ng Potion Room. Nagmukha itong malawak na battle field kesa sa usual nitong itsura. Inilibot ko pa ang paningin ko para hanapin siya at saka ako napadapa nang makitang nakasakay siya sa broomstick niya at papalapit sakin.
"Muntik na 'yon!" Naiinis na sabi ko. Kailan ba ako masasanay sa mga ginagawa nilang surpresa kada training namin? Nakakainis!
Natawa siya pero nawala rin 'yon agad. "Late ka na naman, Heiress." Naiiling na sabi niya at saka bumaba. Nakita kong hawak niya ang broomstick niya. Ang sabi ni Yana dati, invisible ang broomstick ni Jae Kyline which is true. Pero madalas kong nakikita yung broomstick nya kapag nagsasanay kami. Siguro sinasadya niyang ipakita sa'kin.
Tumayo ako sa pagkakadapa sa sahig. "May inasikaso lang." I said saka nagpeace sign sa kanya. Kung kailan kasi wala ako sa school, sa naman ako naging late comer.
Lumapit ako sa kanya nang makita kong nakaupo na siya sa isang table at nakitang may hawak siyang mga papel, ballpen at isang baso ng tubig pati isang spell book. "Ano'ng lesson natin ngayon?" Nagtataka kong tanong. Napansin ko rin na bumalik na sa dati ang Potion Room na plain white lang na may cauldron.
"Wala naman. I'll just teach you kung paano makipagcommunicate sa mga Welsh o tao na malayo sayo." She explained and motioned to the paper and pen na nakapatong sa isang table. Bigla akong nexcite. Sigurado akong magagamit ko ito ng madalas!
"Okay, ano'ng gagawin?" Umupo ako sa tabi niya.
Inilagay nya sa harap ko yung pen at papel. "Write a letter first."
Sinunod ko ang sinabi niya. Sinulatan ko agad sila Cyrus.
'Hey Cy! Kamusta na kayo diyan? I missed you so much! Nagti-training ako ngayon kasama si Jae Kyline. Tinuturuan niya akong magsend ng letter sa mga malalayo. I do hope na mabasa mo ito! I love you all so much. -Zeira'
Pagkatapos kong magsulat ay ibinigay ko iyon sa kanya. She crumpled it at inilapag sa table. Nagulat ako nang bigla niya itong buhusan ng tubig na nakalagay sa isang baso. Pero mas nagulat ako nang bigla niyang itapat ang kamay niya rito at bigla itong umapoy.
Pinagmasdan ko lang yung sinulat kong letter hanggang sa tuluyan itong matupok ng apoy. Tumingin siya sa'kin nang maging abo na 'yun. "Ilahad mo yung kamay mo, Heiress." She said and so I did.
Dinampot niya yung abo gamit ang dalawang papel at inilagay sa palad ko. "Now, recite this habang iniisip mo yung location ng pagpapadalahan mo ng letter." Itinapat niya sa'kin yung libro at nakita ko yung spell na sasabihin ko. Tumango ako.
"Letare om nila imune." I said. Pumikit ako at inulit pa 'yun habang iniisip ang bahay nila Mimi. "Letare om nila imune." I chanted again.
Napadilat ako nang biglang uminit ang mga palad ko hanggang sa makita ko yung mga abo na nilipad sa ere at tuluyang nawala sa hangin.
Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Jae Kyline. "Message sent!" She said.
--
Pagkatapos ng training ko kasama si Jae Kyline ay dumiretso naman ako sa klase ko kay Yumi and Yuki. Pagkatapos nun, lumabas naman ako ng palasyo para makipagkulitan sa mga batang Welshes.
Ganun lang ang everyday routine ko dahil wala naman akong ibang makakausap. Saka nakakatuwa rin naman kasi yung mga bata habang nag-aaral silang gamitin ang mga Light nila. Naiinggit nga ako e. Ganun rin kaya ako nung bata pa ako?
Dumiretso agad ako sa kwarto ko nang dumilim na. Sa sobrang dami kong ginawa ngayong araw, napahiga ako agad sa kama ko dahil sa sobrang pagod.
Matutulog na sana ako nang biglang may narinig akong nahulog. "Ano yun?" Napabangon ako at tinignan kung saan nanggaling yung tunog. Tumayo ako at naglakad papunta sa balkonahe ng kwarto nang makakita ng isang papel dun. Na-excite ako dahil baka sumagot na si Cyrus sa letter ko kaya kinuha ko agad 'yun pero nadisappoit ako nang makitang hindi naman 'yun sakin nakapangalan.
Actually mas mukha pa nga itong invitation kesa letter. Binasa ko yung pangalan na nasa likod ng envelope na maliit.
Mishiena Brent.
Kay Mishie? E bakit sa'kin napunta? Napakunot ang noo ko at agad na binuksan 'yon. Alam kong hindi lang basta co-incidence na sa akin ito naipadala dahil malayo si Mishie mula dito sa palasyo.
Mas lalo akong nagtakha nang mabasa ko yung mga nakasulat sa loob.
You are cordially invited on the Grand Blood Feast Celebration this 14th of September at exact sunset. It will be held at the Kingdom's Great Hall. Wear your best dress and tuxedo with your mask.
Once marked, always belongs to Arunafeltz Kingdom.
Kinilabutan ako nang mabasa ko yung Grand Blood Feast. Isa pala itong Masquerade Party. September 14. Bukas yun ah? At bakit may ganitong invitation si Mishie? Kilala ba siya ng mga vampires?
Hindi kaya pinadala niya sa'kin ang invitation na 'to para pumunta ako dun?*****
Add me for updates! :)
FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The HeiressLove,
Jin
BINABASA MO ANG
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasíaTwo kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafeltz-affected generations of creatures in the Otherworld, a place where sorcerers, witches, wizards, elves, werewolves, and vampires exist. M...