Chapter 15B - Good and Bad with Happy and Sad ( A Trilogy Episode Part )

4.8K 164 73
                                    

"Sirain mo na kasi yung wrapper Jay para malaman na natin ang laman. " sabi ng epal kong kakambal na mas excited pa sa akin.

"Hahaha! Nagmamadali Joanne?  May lakad? "pambabasag ko sa kapatid ko na sumibangot at kinatawa naman ng aking mga bisita.

"Eto na oh" pambawi ko sa kanya kaya naman hiniklat ko ang gift wrap at tumambad sa akin ang isang silver lining box.  At dahan -dahan ko itong binuksan habang nagkakandahaba ang leeg ng apat kong kaibigan at ng kambal ko sa pagsilip dahil nakokoberan sila ng mga parents namin.

Tears started to flow in my eyes aftet seeing what's inside  the box.  Sa sobrang bigla at tuwa siguro kaya napaiyak ako sabay tingin sa mom ko na sobra ang pagkangiti gayundin ang mga parents ng aking mga kaibigan.

"Thanks mom! " sabay yakap at halik ko sa kanya na umiiyak at ganun din ang ginawa ko sa mga magulang ng kaibigan ko.

"Hala!  Ano nangyari?  Ano ba kasi laman niyan at napaiyak ka. Ang daya mo brod! Masyado mo kami pinapasabik.  Pakita mo na yan. " reklamo ni Marc na alam kong excited  rin.

Dahan dahan kong itinaas sa ere ang aking kamay kung saan nakatago ang regalo sa akin at ibinuka iyon upang tumabad sa kanila ang isang susi na isang kotse na nakalagay sa isang keychain.

"Whoa!  It's a car!  Wow!  Hahahaha.  Astig! May kotse ka na Jay! Hahaha! " sigaw ni Marc na tuwang-tuwa ganun din sina Enzo at Ken na nilapitan ako para igroup hug,  habang nagpapalakpakan ang mga bisita ko nandoon sa party ko.

"We have decided na isang bagong kotse ang hati-hati naming binili para sa iyo dahil you deserve it.  Aside of course sa chika sa amin ng Mommy Elvie mo that you longed wanted to have a car kaya,  hayan na siya.  Take care of your car Arjay" sabi ni Tita Ingrid  na buong-puso ko namang pinasalamatan.

"Hey,  hold your tears buddy."  Agaw naman ni Enzo sa mic para magsalita.

"If you think tapos na..wait there's more. " dagdag pa niya.

"Enzo is right Jay.  Kung ang mga parents natin ay may sorpresang binigay sa iyo,  kami pa ba namang matatalik mong kaibigan ang wala?  Siyempre hindi kami magpapatalo bunso kasi we love you and we're  proud to have you as our best friends.  So we let Ken here do the honor of giving you our special gift for you bunso. " Marc said doubly excited while handling the mic to Ken na pasumandaling umalis sa stage marahil to get their gift for me.

Ken took the mic from Marc habang may isang brown envelop na tangan na kinataka ko.  He looked at me full of passion at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niyang iyon sa akin bago ngumiti at nagsalita.

"Jay wala kaming maisip na magandang regalo na pede naming ibigay sa iyo kundi ito. " panimula ni Ken

"You have granted what your parents especially,  Daddy Rollie,  have hoped and wanted you to finish. And gusto naman naming best friends at buddies mo na kami naman ang magiging tulay mo for achieving your ultimate goal.  So eto ang natatanging regalo namin sa iyo. Congrats Arjay and thank you for being the very best friend at buddy sa amin ni Enzo  at Marc. " pagtatapos ni Ken sabay abot  sa akin ng brown envelop.

Tama nga si Marc,  my crying is not yet done dahil muling umagos ang mga luha ko nang ilabas ko ang laman ng envelop at isa yung certificate from Center for Culinary Arts  (CCA) , informing that i have a one year scholarship program in their institution sa lahat ng modules na gusto kong aralin at ang sponsor ng aking scholarships  sa culinary school ay ang aking tatlong mabubuting kaibigan!  Tumatawa kong umiiyak habang pinapakita ko sa mga nanonood sa amin ang certificate of scholarhips na bigay ng tatlo kong kaibigan. 

Isa-isa ko silang niyakap para magpasalamat sa napakaespesyal nilang regalo sa akin.  CCA has been my dream culinary school at alam ng tatlo kong kaibigan yun. And i know they spent hundred thousand pesos just to avail me a scholarship there dahil sadya naman talagang napakamahal ng tuition fee sa eskwelahang iyon. Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ko sa kanilang tatlo for being so generous and kind to me.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon