Dedicated to my friend UNO MARICON
KUNG minsan may mga pangyayari o mga karanasan sa ating buhay na hindi natin inakala na maaaring maganap at magpabago sa klase ng existence na gusto natin tahakin sa mundong ating ginagalawan. Nasanay na tayo na tanggapin at yakapin na ang simpleng nakagawian at nakasanayan ay sapat ng dahilan upang masabi nating nakaayon tayo sa kulturang ginagalawan ng lipunan.
PERO paano kung ang isang taliwas at hindi katanggap-tanggap na relasyon sa paningin ng ibang tao at sa estado ng lipunan ay iyong mararanasan ng dahil sa kaway ng pag-ibig? Bagamat batid mo sa sarili mo na ikaw ay ganap at tunay na lahi ni Adan ngunit alam mo rin sa kaibuturan ng iyong puso na ikaw ay nagmamahal sa katulad mo ring galing sa lahi ni Adan. Magagawa mo bang suwayin ang dikta ng damdamin at umayon sa nakagisnang paniniwala ng nakakarami? O hahayaang sumibol pa ang pag-iibigan at harapin ang konsekwensya ng pagpapalaya ng damdamin?
Makakaya mo bang manindigan at salungatin ang katotohanang ikaw na tunay na lalaki ay sadyang nakalaan sa isang babae kung ang bawat tibok ng puso mo ay nagsusumigaw ng marubdob at maalab na pagmamahal at pagtatangi sa kapwa mo ring tunay na lalaki?
Ganyan din ang mga tanong na umukilkil sa aking kamalayan mula ng buong puso at tapang kong tinanggap sa aking sarili na mahal ko nga ang lalaking kasangga ko at kasama sa pakikibaka sa buhay. Ang lalaking hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay pilit na pinadama sa akin na kahit sa kanyang paglisan may pangalawang glorya pa ring naghihintay sa akin na kanyang pinaghandaan.
Halika kaibigan...tunghayan mo't damhin ang bawat tuwa at ligaya., lungkot at dusa, ang sakit at paghihirap, ang pagkalugmok at pangungulila, ang muling pagbangon at any muling pagsilay ng mga ngiti..na aking naranasan sa kakaiba kong buhay pag-ibig ..dahil ako si Arman Jaymes..at ito ang aking kwento.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
Roman d'amourSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...