I decided to take my night shower bago pa man makatawag si Ken para wala na akong iintindihin sakaling tumagal ang aming usapan sa phone.
Wala naman kami sched ni Enzo na magskype tonight dahil busy siya doing some business functions. He went to Australia a week after Ken went to Singapore para tulungan ang dad niya sa business nila doon. Kaya naman kami halos ni Marc ang laging magkasama when our two best friends went out of the country. Pero when Marc learned that Ken will be coming na, nagpaalam siya sa akin that he has to go to Cebu para icheck ang branch nila doon. Minabuti ni Marc na hintayin munang makabalik si Ken bago siya pumunta ng Cebu para may makasama pa rin ako.
I told Marc na yayayain ko si Ken na pumuntang Cebu para naman may makasama siya doon habang inaasikaso niya ang furniture business nila doon na kinagalak niyang sinang-ayunan.
I was reading a book while lying comfortably on my bed when my cp rang and when I checked out the name of the caller on my screen, "my kentot" appeared kaya naman agad kong pinindot ang call accept button.
"Hello, kentot!" pambungad kong bati sa mahal kong si Ken
"Hey baby ko, I'm home na and still very much complete." sagot naman niya na nilangkapan pa niya ng pagbibiro.
"Hahaha!Baliw ka talaga Ken. But I'm glad na safe ka nakauwi. Have you talked to your mom already?" tanong ko sa kanya
"Yeah, the moment I arrived home, I went to Mom's room and asked why she wanted to talk to me." Ken said over the phone
"And?" tanong ko para ituloy niya ang pagkukwento kung bakit siya gusto kausapin ng mommy niya
" Nothing serious my Jaylog, as usual business matter" Ken replied with affirmity so as to dismiss the topic.
"Okidoki my Kentot." sagot ko bilang pagsang-ayon sa kagustuhan niyang huwag na namin iyon pag-usapan pa.
"Nga pala Kentot, Marc is in Cebu right now sabi ko sa kanya sasabihin ko sa iyo na pupuntahan natin siya doon para may kasama naman siya while checking their branch there." muli kong sabi ng wala akong nakuhang sagot mula sa kanya sa kabilang linya bagkus kundi malalalim na buntung-hininga lamang ang tangi kong naririnig buhat sa kanya.
"Ken? Are you still there? Are you okey my baby?" pauli kong tanong sa kanya.
" Huh? Okey lang baby ko." ang nabibiglang sagot niya galing sa kabilang linya bagamat narardaman kong may kakaibang nangyayari aa kanya base na rin sa timbre ng kanyang boses at sa akto ng pagsasalita niya.
"What about Marc nga uli Jaylog ko?" pamuling tanong niya at muli andun ang kakaibang dating ng kanyang pananalita na wari mo'y may pinipigilan.
"Are you okey Ken? Iba ang dating ng boses mo. May sumasakit ba sa iyo baby ko? Just tell me please." tanong ko sa kanya ng derecho to clear things that started to play on my mind.
"Ano ka ba baby ko? You're getting paranoid again. Walang masakit sa akin. Medyo sumusumpong lang uli ang migraine ko. Pero nothing to worry my baby its still bearable." sagot naman niyang pilit na pinapagaan ang kanyang nararamdaman at inaayos ang kanyang pagsasalita sa phone nang sa gayon ay maiparamdam sa akin na ayos lang ang kalagayan niya.
"Napapansin ko Ken nagiging madalas na naman iyang pagsumpong ng migraine mo. Baka kung ano na yan baby ko. Samahan kitang ipacheck up uli iyan." sabi kong nagpapaalala sa kanya.
"Wala ito baby ko, pagod lang siguro ako kaya nasumpong migraine ko. Ahhhh! Shit! " biglang napasigaw si Ken sa kabilang linya dulot marahil ng biglang pagkirot ng kanyang ulo dahil sa migraine.
"Kentot ko!?" sabi ko sa linya ko na nagsisimulang magpanic nang marinig kong ang bigla niyang pagsigaw dahil sa sakit na naramdaman
" Jaylog ko tawag ako sa iyo uli ahhh wait lang baby pahupain ko lang ang sumpong ng migraine. Id be okey baby dont worry please. I love you jaylog ko." sunud-sunod niyang sabi sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
RomanceSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...