Chapter 11 - " Migraine "

8.5K 166 20
                                    

"Hoy tatlong ungas! Handa yung almusal kumain na kayo dito. Aba, anong oras na baka malate kayo sa pagpasok sa trabaho.Ano ba? Bilisan nyo magsikilos!"

Ako yan,he he he, kay aga-aga binubungangaan ko yung tatlo ko kaibigan para bilisan ang pagkilos at ng makapasok sila sa trabaho ng maaga.

************************

Yes, my three gorgeous best friends have their new world, the corporate world. After their graduation, more than a month din muna sila nagpahinga at nagrelax bago sumabak sa bagong mundo nila. We spent mostly with out of town vacations, kasama siyempre ang mga girlfriends namin, at hindi rin, of course, mawawala ang mga panakaw moments namin ni Kentot ko sa aming vacation escapades. Ganun talaga, kailangan pumaparaan  din para magkamoments din kami ni Ken privately.

After which, nagsimula na sila pasukin ang mundo ng negosyo at komersiyo. Hindi naman naging mahirap for them to look for their jobs. Sabi ko nga buhat sila sa mayayamang angkan na may existing  businesses na. Nakaantabay na sa kanila ang mga posisyong hahawakan nila after they will graduate from college.

Marc's family owns a chain of furniture shops all over the country at maging sa ibang bansa, mostly, sa Europe. Although, may iba pa silang businesses na hinahawakan  ng mga kapatid ni Marc. But mas concentrated ang dad ni Marc na itrain sya sa kanilang furniture shop dahil sooner he will be handling their branches in Europe.

Enzo, on the other hand, is working at their computer related business, kung saan sila ang nagsusupply mostly ng mga computers o any gadgets or parts na related sa computers. Although ang main office nila ay nakabase sa Australia, dito muna sa Pilipinas sya hinahasa ng dad niya bago siya papuntahin ng Australia to manage and handle their business there with his dad.

At si Ken, as usual, sa kanilang textile manufacturing business ang kanyang work place. So far he is doing a feasibility studies on creating a clothing line as part of their business expansion since doon sya masyado expose at may knowledge-know-how kasi nga naging in-house model siya ng isang sikat na clothing line. Kaya alarm na niya ang pasikut-sikot sa ganitong kalakalan. We even made our promise to him na maging image models ng itatayo niyang clothing lines kapag ready na siya to launch it.

Si ako? Estudyante pa rin , he he he, I still have a year though to finish my Marketing course. After which,  I will pursue my studies sa isang culinary school, maybe a year or two, depends on the kind of modules I'm gonna take up with para maging isang ganap at legit na akong chef.

***********************

"Ano ba ? Hindi pa ba kayo lalabas dyan? Aba'y anong oras na? Kebabagal kumilos alam na male late na sila sa trabaho. HOY!!!" muli kong sigaw sa kanila mula sa kusina habang pinagtitimpla ko sila ng fave coffee namin, Kopiko 3-in-1.

I saw Marc rushing out of their room na binubutones pa ang polo nya at nagmamadaling naglalakad papunta sa dining.

"Whoa! Whoa! Whoa! You sounded like a nagging mom Jay!" reklamo ni Marc habang papaupo sa dining  table.

" Oo nga! Pwede ba tantanan mo kami ng kakabunganga mo sa umaga Jay! Buset ka! Ang  lakas mo makataranta. Daig mo pa nanay ko!" segunda na naman ni Enzo na naglalakad kasunod lang ni Marc patungo sa dining table habang inaayos ang kanyang necktie.

Pinandilatan ko lang sila ng mata sabay smirk bago..

"Hala! UPO! KAIN!" panindak kong sigaw sa dalawa na kinatakot naman nina Enzo at Marc kaya agad na napaupo sa table at sumandok ng pagkain.

"At nagrereklamo kayo ganun? Gusto ko lang naman na maging responsable kayo lalo pa at dun kayo mismo sa mga companies ninyo nagwowork. Sooner or later kayo na ang magmamanage nun so I just want you to be a role model to your subordinates when it comes to panctuality, na kahit kayo ang may ari ng company, that doesn't give you the leeway to come to the office ng late. Kaya tinatataranta at nagnanag ako para you can easily absorb it." paliwanag ko sa kanilang dalawa habang inaasikaso ko ang pagkain nila.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon