Chapter 1- " KEN-TOT "

41.1K 359 100
                                    

Tulad ng mga nagdaang araw, maaga ako bumangon with a bright smile on my lips and went straight to my window para salubungin ang isang napakagandang umaga. Yes indeed, this is really a very special day for me. Matapos ang aking morning routine at tingin sa salamin para bistahan ang aking mukha....

"He he he...ang gwapo mo talaga Arjay!" parang tanga lang na pagkausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Ganun daw yun naalala kong sabi ng mom ko nung buhay pa sya, dapat daw ikaw ang unang magbibigay ng magandang comment sa sarili mo sa pag gising mo sa umaga para positive vibes ka agad. Ewan ko ke mom kung san nya napag-alaman yun pero nauto nya ko dun kasi kasama na yun sa naging rituals ko sa umaga at inpernes epektib, at tuluyan ng lumabas ng kwarto in my sando and boxer shorts.

I headed for the kitchen para gumawa ng aking favorite kopiko black 3-in-1 coffee. Oo favorite ko yan at may sentimental effect sa buhay ko ang kopiko instant coffee. I saw Nanay Linda, our beloved kasambahay at yaya since we were kids

"Morning nay" bati ko sa kanya.

"Ano po niluluto nyo?" - dagdag tanong ko sa kanya.

"Morning jay. Malamang pagkain anak." Balik sagot ni Nanay Linda sa akin habang nakangisi.

Yan ang yaya namin sa edad na 58 ay malakas pa ring mang alaska at mambasag! No wonder mahal na mahal ng pamilya ko si yaya dahil hindi na namin sya tinuring na iba. Cool si yaya at tinuring na kaming magkakapatid na anak nya kasi wala na rin naman sya naging pamilya. At mahal ko yan kahit madalas Vice Ganda lang ang peg nya.

"Cge nay pagpatuloy mo yan para ikaw na susunod na mailuluto ko!" Pagpatol ko sa kanya sa paraang pabiro din in devil grin siyempre...

"Hahaha..ikaw talaga Arjay." Sabat ni nanay Linda

"Manong dumuon ka muna sa sala at tawagin ko na lang kayo pag handa na ang almusal.Ke aga aga eh napipikon ka.." Dagdag nya na talagang may kasama pang pang inis.

"Haist.." Tugon ko.

"Teka nay bat ang tahimik ata? Asan ang mga tao? Tanong ko kay nanay

"Hindi ko pa napansin baka tulog pa" sagot naman nya

"Andun lang ako nay sa garden." Pahabol kong bilin kay nanay Linda habang palabas ng kusina bitbit ang aking mug ng kape. Dinampot ko na rin ang netbook, tablet, pad papers at pens na nadaanan ko sa mesa sa aming sala habang palabas ng pinto going to our mini garden.

Our mini garden is my favorite place sa bahay pag gusto ko magrelax. Maganda sa mata at nakakawala ng pagod yung makita mo ang naggagandahang ornamental plants at yung different varieties of orchids nasadyang kinulture pa ni mom before at akin namang inaalagaan ngayon after she died. Kinuha ko sa aming family house at inuwi sa aking bahay para personal na maalagaan.

Muli, isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang napagmasdan ko yung isang flower box na tinataniman ng white roses. May mga nakabukadkad ng mga white roses pero mas marami pa rin ang pabukadkad pa lang. Hinimas ko ang petal habang inaalala kung ano ang kaugnayan ng mga puting rosas na ito sa aking pagngiti at syempre sa espesyal na araw na ito.

Binalikan ko ang aking kape sa maliit na marbled round table at naupo na rin sa isang silya dun sabay higop para namnamin ang sarap ng aking fave na kopiko black coffee habang kinakalikot ang aking tablet. Ngayon ko kasi planong umpisahan gawin ang isang hilig ko na matagal ko na rin naman nakalimutan gawin. And because something really got me my interest, my passion, napalabas din ng bagay na ito ang willingness ko na muling magsulat...

Oppsss...sorry. Ang dami ko na kwento hindi pa pala nagpapakilala ang gwapong narrator nyo. He he he...sakyan nyo na lang ako mga pards...ako bida dito kaya wala kayo magagawa..hahaha...minsan lang ako magbuhat ng sarili ko kadalasan ibang tao ang gumagawa sa akin nun...wahahaaha...Biro lang mga pards maya I comment nyo pa mahangin ako. He he he.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon