(Episode 1 - The Acceptance)
Naging madali ang naging pagtanggap ng pamilya ko sa inamin naming relsyon ni Ken. Thanks to my Mom who explained everything in detailed to my siblings. Although nung una hindi solve si Kuya Jack sa aming relsyon ni Ken kasi naman may pagkaconservative yung kulokoy kong kuya, pero with the help of mom ay naliwanagan din naman siya and in the end accepted Ken and our relationship.
Higit na natuwa ang kakambal ko, kahit na binatukan ako nyan nung malaman nya. Kasi ba naman kaibigan at kaklase lang naman niya ang gitlfriend kong si Cecil kaya kahit paano eh nakisimpatya ang magaling kong kakambal sa "panloloko" ko raw sa kaibigan niya.
I humbly admitted naman to Joanne my being unfair with Cecil. Yun nga lang wala pa talaga akong lakas ng loob magsabi sa kanya kahit na recently eh napifeel namin ang coldness namin sa isat isa simula ng dumating siya from Canada.
Ganunpaman, happy pa rin ang linsyak kong kakambal na isa pa lang fanatic ng bromance ekek. Kaya ganun na lang kung kiligin ang lintek sa amin ni Ken dahil pala doon. Isama mo pa ang Ate ko na tamang ewan din kung kiligin sa ginawang pag-amin namin ni Ken sa kanila.
Kwento nga ni Ate Jeanne after mom told them about us ni Ken, na hindi siya nagkamali ng sapantaha. Although she was avoiding that nasty thoughts naman daw kasi baka namamali lang daw siya ng obserba sa amin ni Ken knowing na we're really close best friends.
Paano naman daw kasi masyado daw kaming sweet ni Ken pag nasa sa bahay to the point na pagdududahan mo nga raw talaga kami kwento ni Ate. May times pa nga raw na nakikita niyang nakayakap sa akin si Ken o ako ang nakayakap kay Ken pag pumapasok siya sa room ko sa umaga para gisingin kami. Hindi nga lang niya masyado binibigyan daw ng malisya kasi nga nakikita rin niya sina Marc at Enzo na either nakadantay sa akin o kay Ken na katabi rin naming matulog sa kuwarto ko.
But what really made her to doubt daw ay nung makita niyang nakapatong ang isang hita ni Ken sa hita ko at nakaakbay ako kay Ken at nakikipag-inuman sa mg kapatid ko! Saan ka daw makakakita na magkaibigan lang pero sobra naman daw sa kasweetan pati ang pagpatong ng hita sa isat isa ay napakanormal lang daw. Biruin mo yun! Napansin pa pala yun ng Ate ko?! Hahaha..
Nonetheless, it was a bliss knowing my family accepted my relationship with Ken kahit punumpuno sila ng pagtataka at pagkabigla. Thanks to my mom and dad who taught us to be open-minded sa lahat ng bagay. At least, Ken and I will only be minding his family, and of course, our two best friends. Although, tulad din ng advice ni mom, my siblings have the same notion of not to hurry things up with regards to our relationship. If we can keep it as secret as possible for the meantime then let it be. And that's exactly what Ken and I intended to do.
Basta we're happy dahil maayos kaming tinanggap ng pamilya ko kaya naman nabawasan kahit papaano ang tinik ng agam-agam sa dibdib namin ni Ken. We just let fate worked our relationship's way para sa family ni Ken at sa dalawa naming mahal na kaibigan.
"""""""""""""""""""""""""""""
(Episode 2 - The Rite, The Celebration, The Gifts & The Shocking News)
THE RITES
"Hoy Arman Jaymes ano ba? Hindi ka pa ba tapos dyan baka malate naman tayo. Bilisan mo nga dyan! " sigaw ni Mom na kahit alam kong nasa ibaba siya ng bahay ay dinig na dinig ko pa rin ang kanyang talak sa aking kwarto na minamadali ako sa aking pag-aayos.
"Hey, masyado ka ng pogi Jaylog ko para magtagal ka pa sa harap ng salamin" bungad na salita ni Ken na biglang pumasok sa kwarto ko na kinagulat ko naman.
"Hinayupak ka talaga! " gulat kong sambit.
"Pwede naman kasing kumatok muna di ba? Para hindi nakakabigla" pagsusungit ko kay Ken.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
RomanceSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...