Naging maayos naman ang naging takbo ng buhay naming apat na magkakaibigan ng mga sumunod na buwan. At naging pangako ko na sarili na akuin ang responsibilidad na asikasuhin silang tatlo sa umaga bago sila pumasok sa kanilang work. I always make sure that I prepared them breakfast na Hindi lang ikakabusog nila kundi makakabigay din sa kanila ng positive aura to start their day right. At hindi naman ako nabigo pag dating sa bagay na iyon dahil sinusuklian naman din nila ng mga papuri ang mga pagkaing hinahanda ko sa tatlo kong kaibigan.
Syempre Hindi pa rin mawawala yung pagnanag ko sa kanila sa umaga pero minsanan na lang yun pag gusto ko silang pagtripan. He he he. Well, kung binubusog ko sila sa umaga, ganoon din pag darating sila sa gabi from work. Bagamat bihira na kaming apat kumain ng dinner ng sabay-sabay ( kami lang ni Ken ang laging sabay kasi yun ang gusto ng baby ko kaya hinihintay ko talaga siya dumating muna tsaka kami magdidinner na dalawa), sina Marc at Enzo kasi Hindi consistent ang pag-uwi sa gabi from work. But I always make sure na may madaratnan silang masarap na pagkain na nakahain sa dining table namin na magtatanggal ng pagod at stress nila from all day work.
Yun lang kasi ang kaya Kong ibalik sa kanilang tatlo for their sacrifices na samahan pa rin ako sa condo kahit na napakalayo nito sa kanilang respective work places. Although they assured me naman na Hindi naging problema ang layo ng binabiyahe nila going to work dahil gusto nila na magkakasama pa rin kaming apat.
Of course, its a different thing naman when it comes to Ken, I know naman kahit lumipat na uli sina Marc at Enzo sa mga bahay nila, my Kentot will surely be staying with me. Dahil yun naman ang lagi niya sinasabi sa akin during our private moments sa aming kuwarto,not to mention his promises of unconditional love for me na sinusuklian ko rin naman ng mas mainit pang pagmamahal ko sa kanya. Ewan ko ba, in more than 2 years ng aming patagong pagmamahalan, I have realized that I love him more and accepted that Ken's the one I wanna spend my life with. At ganoon din naman si Ken sa nararamdaman sa akin. I'm just waiting for the right time to break up with Cecil dahil Ken just did his part, nakipaghiwalay na sya kay Andrea. But the two still remain friends though.
And speaking of Ken, naging okey naman siya nitong nakalipas na buwan bagamat may mga migraine attacks pa rin siya na nararanasan, pilit niyang itinatago sa amin yun lalo na sa akin dahil ayaw daw niya ako masyado nag-aalala sa kanya baka Hindi na raw ako makapagfocus sa studies ko.
You can't blame me naman, di ba mga parekoy, kung mag-alala ko ng sobra sa kalagayan ng Kentot ko? Its not only because of my love for him but the idea of being helpless seeing the one you truly love suffers in pain yet you can't do anything to help your loveone ease that pain...mas masakit yun at ang bigat sa pakiramdam ng ganoong bagay na wala kang magawa para tulungan siyang maibsan ang sakit. At dun ako nagwoworry mga pards, na mag-isa lang siyang lumalaban sa sakit at mag-isa lang siya na iniinda ang kirot.
Somehow,Ken managed to hide from me his migraine attacks pero not those when he collapsed or fainted out sa sobrang sakit. Although I was with him when he had his medical check up and was able to speak with his doctor on the condition of Ken based from his diagnosis, still part of me was not convinced that it was really migraine. Ewan ko ba, pakiramdam ko may iba pa other than migraine. Hindi pa rin talaga ako kumbinsido bagamat I never again said that to Ken, I mean my doubts. Mahirap na maging big issue pa sa amin yun kaya sinasarili ko na lang. Sana nga lang talaga mali ang gut-feel ko....
*******************
Magkaganunpaman, hindi lang ang pagkakaibigan naming apat ang mas lalo pang tumibay at tumatag, kundi maging ang samahan at pakikitungo ng aming mga magulang sa isa't isa. Somehow our families tied a certain bond that would help one another not only on a personal matter but also in business thing para patuloy na umangat at umasenso ang aming negosyo sa estado nito sa mercado.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
RomanceSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...