"Ken? Please naman kumain ka and take some rest. Two days ka ng walang kumpletong pahinga at tulog,maging ang kumain tinatanggihan mo. Please Ken, do it for me. Im dead worried to you Kentot. " mabining pakiusap ko kay Ken ng lapitan ko siya sa kanyang kinauupuan sa tabi ng kabaong ng kanyang ama.
It was the second day of the wake's vigil matapos na maasikaso ni Kuya Kurt sa tulong nina Tito Larry at Tito Manny ang funeral service ng labi ni Tito Aris. Buong puso naman ang ginawang pag-agapay sa mommy ni Ken ng aming mga mothers nina Marc at Enzo sa pag-aasikaso mula sa amerikanang damit na susuutin ni Tito Aris hanggang sa preperasyon ng gagawing paglalamay. Tanging si Kuya Kurt lang ang masasabing nasa tamang kundisyon ng pag-iisip dahil iniisip niyang sa kanyang balikat nakaatang ang responsibilidad, ngayon at pumanaw na ang haligi ng kanilang tahanan. At kailangan niyang magpakatatag lalo't nasasadlak ngayon sa matinding kapighatian at in the state of denial pa rin ang kanyang ina, bunsong kapatid at higit lalo si Ken sa biglaang pagkamatay ni Tito Aris.
Si Ken ang higit na naaapektuhan sa pangyayaring ito dahil mula ng iburol si Tito Aris sa chapel ng funeral home ay hindi na ito umalis pa sa tabi ng kabaong ng ama. Aside from being in grief , depression has stricken Ken na hindi ko lubusang maintindihan kung bakit siya humantong sa ganoong uri ng estado. Given that he's the closest to Tito Aris among the siblings yet I can not decipher where did the strong-willed and courageous Ken go that I used to know. Bakit napakabilis niyang nagpasakop sa depressions. Siguro nga dahil mahal na mahal lang niya si Tito Aris kaya hindi niya agad matanggap ang pagkawala nito.
Masakit sa akin ang makita ang mahal ko sa ganitong miserableng kalagayan lalo pa at parang naglagay ng harang si Ken sa kanyang sarili para sa ibang tao including his family. Bukod tanging kaming tatlo niyang kaibigan ang hinayaan niyang makapasok sa sistema niya ngunit kung minsan ay iniignora niya sina Marc at Enzo kaya naman lahat sila ay sa akin umaasa para maalalayan ko ng lubusan si Ken.
"Jay hindi ako nagugutom lalong hindi ako inaantok. Just want to be with Dad. Okey lang ako dito sa tabi ni Dad. Please Jay, ayaw ko iwan si Dad...dito lang ako Jay." umiiyak na sumamo sa akin ni Ken na kababakasan ng sobrang pighati at sakit sa kanyang mga mata na animoy nagmamakaawa sa akin na siya ay aking pagbigyan.
Kumuha ako ng isang silya at tumabi akong naupo sa kanya habang buong suyo ko siya inakbayan at ihilig ang kanyang ulo sa aking balikat. I looked up upang pigilan ang mga luha kong nagbabadyang umagos sa tindi ng awang aking nararamdaman sa taong pinakamamahal ko. Kung sana ay magagawa kong akuin ang sakit at pighating nararamdaman ni Ken ay ginawa ko na huwag lang maging ganito kamiserable at kahelpless ang Kentot ko.
I looked at Enzo and Marc sitting at the front pew of the mortuary, bakas sa mata ng dalawang kaibigan ko ang awang kapareho ko ring nararamdaman para kay Ken. Tinanguan lamang nila ako para ipabatid na hayaan ko na lang muna si Ken sa kanyang kagustuhan. Ngunit hindi iyon ang gusto ko mangyari. Kailangan ni Ken ng pahinga at kung kinakailangang lansihin ko siya ay gagawin ko makapagpahinga lang siya kahit saglit lang.
"Ken do you think Tito Aris will be at peace seeing you like this? " pakonsensya kong tanong sa kanya using Tito Aris, hoping it wll make him be awaken
Ken just looked at me and staring at his teary eye made me to emphatize more with him. Nagsisi tuloy ako why did i have to use Tito Aris dahil ito ang lalong nagpabagbag ng kanyang kalooban dahil nababakas lalo sa kanyang mukha ang labis na pagdurusa sa pagkakabanggit ko sa pangalan ng yumaong ama ni Ken.
"Jay please let me just stay at Dad's coffin. Ayaw ko siya iwan Jay please lang, parang awa mo na pagbigyan mo na ko. ' pagmamakaawang sabi ni Ken sa paos na boses dahil sa labis na pag-iyak at kawalan ng tulog habang mariin niyang pisil-pisil ang aking dalawang palad na animo'y dito niya binubuhos ang kimkim na sakit na nararamdaman ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
Storie d'amoreSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...