Chapter 19.2 - The Journal

8.5K 248 159
                                    

A/N *******

Kumusta na ang mga kaibigan kong patuloy na nag-aabang, sumusubaybay, at sumusuporta sa aking kwento? Muli ang aking paghingi ng paumanhin kung natagalan ang pagpopost ko ng update ng PG. Bukod sa sobrang busy po ng inyong lingkod sa aking trabaho at pamilya ay minarapat kong pansamantalang wag muna ituloy ang pagsulat ng aking kwento dahil alam ko pong hindi ko maibibigay ng buong puso ang emosyong nararapat na ilangkap ko sa aking paglalahad. Hindi po dahil muling nawala ang aking gana para muling sumulat, kundi dahil ang puso ko po ay napupuspos ng labis na kaligayahan at tuwa dahil sa magagandang pangyayaring naganap sa akin at sa aking pamilya.
Bilang isang manunulat, nakabatay sa kung anong emosyon ang kasalukuyang nararamdaman ng aking puso ang klase ng paglalahad na maipaparating ng aking kwento. And i guess it would be very unfair to all of you who never stop supporting my story kung hindi ko maibibigay sa inyo ang tunay na emosyon na dapat ko ilagay upang mabigyan kayo ng isang kwento ng kabanata na muling tatagos sa inyong mga puso at titimo sa inyong mga kamalayan.
I have always wanted to give you chapter story that will move you and even touched your hearts and the past weeks that passed my way everything was ecstatic and overwhelming. And i know hindi magiging makatarungan ang aking paglalahad kung itutuloy ko ang aking pagsusulat gayong napupuspos pa ng sobrang kaligayahan ang aking puso.
Una ay dahil sa pagdating ng bagong miyembro ng aming pamilya.. Si Nathaniel Ivan Jr. na produkto ng artificial insimination ng sperm ni Harold thru a surrogate mother based in Canada. Secondly ang pag-expand ng aming business na kinailangan ng personal manning lalo at naging abala si Harold sa pag aasikaso ng mga papeles si Nathe sa Canada. At panghuli ay ang pag-uumpisa ng pagsusulat ng aking kwento para maisalin ito sa isang libro, being sponsored by the members of an LGBT community.

Magkagayonman nais ko pa rin ibahagi sa inyo ang kakaibang kwento ng pag-ibig na aking naranasan na nagsilbing inspirasyon ko sa aking buhay.

Muli ang aking walang sawang pasasalamat sa patuloy na pagsubaybay sa aking kwento kahit na ito ay natatagalan sa pag update. So let my story continue.....

***********************************************

"Jaylog ko? " panawag pansin sa akin ni Ken matapos lumabas ng aking kwarto si Mom karga si Ely upang matulog sa kanyang silid

" Huh! Yes Kentot ko" nagulat kong sagot sabay baling sa screen ng aking computer dahil nakatuon ang aking mata that time sa aking nanay at anak na palabas ng aking kwarto.

Sa muli kong pagtingin sa screen ay nakita ko si Ken na may tangan na parang isang may kalakihang notebook na sadya niyang ipinapakita sa akin.

"Ano yang hawak mo Ken? " tanong ko sa kanya.

"This is my journal Jay. " sagot naman nya.

"Journal? " balik tanong ko. "Para saan? "

"Yeah my journal. My compilation of my happy and sad memories that i dont want to forget in my life" sagot niya na kinanuot ng aking noo dahil hindi ko nakuha ang ibig nya ipahiwatig.

"Baby ko I'd be honest with you, " pagpapatuloy ni Ken " my doctor told me na dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari sa gagawing operasyon sa akin sa susunod na araw. "

"Una I may not be able to survive the operation at tuluyan na kitang maiiwan kayo ni Baby Ely"

"And secondly if ever I'd survive the operation baby ko, i will be in coma for the meantime at nakasalalay sa aking strong will at determination kung gugustuhin ko pang gumising o tuluyan na rin bumigay ang katawan ko hanggang sa ako ay mamamatay. " paliwanag niya sa akin na nagpasimulang magpatulo uli sa aking luha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon