Chapter 17.1 - Sugal kay Kamatayan ( Taking A Chance )

5.6K 159 45
                                    

A/N
Sorry po for the delay of UD guys. I just got back from a month-long vacation somewhere across the ocean. Anyways, to compensate from your long waiting , I will post my updates faster and sooner than you expected. Insipired lang to write dahil na rin po sa magandang receptions at feedbacks na binibigay ninyo sa story ko. Hope you continue to ignite the flame of my conviction to write and share with you people my story, by giving me pa rin your comments and votes.

Thank you and happy reading everyone... :)

*******************************

Isa sa naging struggle ko ang tanggapin ang tunay na kalagayan ni Ken about his health. Somehow may bahagi pa rin ang utak ko ang ayaw tanggapin ang katotohanang may malubhang sakit ang taong pinakamamahal ko at ang mas lalong masakit tanggapin ay may taning na buhay niya.  Kung minsan  natatanong ko ang Diyos sa mga gabing nagdarasal ako bago matulog, kung bakit si Ken pa ang dinapuan ng ganoong klaseng sakit. Ken has been a good person to everyone. Oo nga't may mga kalokohan din naman siya sa katawan pero sa kabuuan ng kanyang pagkatao ay pinalaki siya ng kanyang mga magulang bilang isang mabait at mabuting tao. He's still at his prime and its unfair for him to be deprived of what is in store in his life being a yuppie. At iyon ang hindi ko matanggap kasi ang bata pa niya at marami pa siyang mga pangarap. At kung anuman ang dahilan ng Diyos why Ken has to suffer with  that kind of ailment  hindi naging katanggap-tanggap sa akin yun kahit na Ken has been consistent in telling me not to question God's plan for us.

Sabi nga niya maybe we're being put into a test para malaman ang katatagan namin hindi lang bilang indibidwal kundi bilang dalawang taong pinagbuklod ng aming pag-ibig para maging iisa.  Ken has a strong conviction with true love at naniniwala siya sa dakilang kapangyarihan ng tunay na pag-ibig. Kaya naman iyon ang pinanghahawakan niya at ginagawang kalasag upang muling labanan ang mabuhay uli na minsan na rin niyang isinuko nang mamatay si Ito Aris, his dad.

"Arjay may problema ka ba anak?" Mom asked me one morning while I'm at my office  doing some client proposals

"Huh?" nabiglang sagot ko kay Mom "Ano po yun Mom?" patanong kong sabi sa nanay ko para muling kong malaman ang kanyang sinabi o tinanong sa akin

"I said do you have a problem? Or is there something bothering you? pag-uulit ni Mom ng sinabi niya sa akin na hindi agad pumasok sa utak ko

"My God Arman Jaymes! Ano ba nangyayari sa iyo? Ilang araw ko ng napapansin na parang wala ka sa sarili mo. Lagi kang nakatulala na parang may malalim na iniisip. Gaya ngayon, I' ve been here talking to you and yet you never noticed me. Nakatulala ka lang diyan sa harap ng computer. Now will you please tell me what's bothering you? Is it Ken? May problema ba kayong dalawa?"mahabang litanya ng nanay ko sa akin  bagamat nanatili lang akong nakamata sa kanya assessing myself whether to tell her about Ken's condition or to shut my mouth up  on the matter.

"ARMAN JAYMES!" pasigaw na tawag sa akin ni Mom sa buo kong pangalan na isa lang ang ibig sabihin, seryoso siyang nagtatanong sa akin kaya naman obligado akong sagutin siya ng matino kung ayaw kong makatikim ng kurot galing sa kanya.

"Mom, nung mamatay si Dad ano ang naramdaman mo? And how did you handle that?" biglang tanong ko sa kanya na pinagtakhan niya base na rin sa reaksyong nakita kong nakarehistro sa kanyang mukha.

"Ha? Ano ba yang pinagtatanong mo? At bakit sa akin napunta ang usapan, ikaw itong tinatanong ko." naguguluhang bwelta sa akin ni Mom

"Just answer me first please, and I will tell you everything after." sambit kong nakikiusap sa kanya.  I have decided to tell my Mom everything at alam kong malaki ang maitutulong niya sa akin, sa amin ni Ken dahil naranasan na niya ang mga pangyayaring nararanasan ko ngayon when my dad was diagnosed with colon cancer na itinago nilang mag-asawa sa amin na mga anak nila.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon