First day of my college life at andito ako ngayon sa harap ng gate ng isa sa mga exclusive coed universities sa Manila kung saan ako nakaenroll para mag-aral. Until now the idea of studying in this university still on the process of sinking in to my whole being. Bakit naman kasi eh eskwelahan lang naman kasi itong mga rich and famous! This is the school wherein kilala o dominated ng mga conio kesa sa mga simpleng estudyante. Conio yung tawag sa estudyante na mga sosyal kasi nabibilang sa mayayamang angkan at Hindi mo halos mariringgan magsalita ng Tagalog dahil puro English ang kanilang language with a perfect twang pa talaga.
Don't get me wrong, its not that I don't like them nor can get along with their social class standing but I'm not used to it I mean yung mag-aktong conio o magpasosyal. Although kung tutuusin kaya ko naman, physically may ibubuga at may ipangtatapat din naman ako. I have the look, the body, and the height na hinahabol din ng mga kababaihan. I also belong to a well-off family pero hindi cguro kasing yaman ng mga pamilya ng mga conio na ito. My parents owns a resto and a catering services after dad retired being the head cook at the US Embassy here in Manila. At kung IQ naman ang pagbabasehan, no doubt i can pass that with flying colors, class valedictorian lang naman kasi ako when I graduated from high school, aside from the many awards and citations I received both from my academics and extra curricular activities.
Kaya dealing with conios will not be a problem for me, pero sabi ko nga hindi ako sanay kasi nga pinalaki kami ng parents namin sa isang simpleng pamamaraan at pamumuhay lang. Although my parents can give us the luxuries in just a snap of a finger but they instead taught us to work hard for ourselves kung anuman ang mga bagay na gusto namin magkaroon kami. Kaya nga sa public high school lang ako nag-aral pero hindi basta public school kasi sikat at advance ang turo duon especially in math and science subjects na nasa Manila din.
Given a choice I would have been studying at the famous state university in QC now pero dahil I graduated nga with top honor isang privilege ang pagkakaroon ng scholarship galing sa isang institusyon o samahan. And because of that, andito ako ngayon sa school ng mga conio dahil dito pinili ng sponsor ko for my scholarship to study and finish my college degree.
Mabilisang lakad papunta sa building ng room ko for my first class. Its a good thing nag self touring ako sa buong university nung nag-enroll ako kaya alam ko na where the college of business administration building is located kung hindi malamang maliligaw ako sa laki ng school na ito. Ang dami estudyante ang nagkalat sa mga paves at hallways, with just a look at them masasabing mga conio to kasi sa klase ng pananamit nila at sa base ng usapan nila.May mga iba na natingin sa akin sa pagdaan ko lalo na yung mga girls na nagbubulungan pa at natawa. Gwapo ba naman kasi ang dumaan saan ka pa..hehehe
"Excuse me, is this the room of Intro to Psych 1 subject? tanong ko sa isang girl na nakaupo sa loob ng room.
"If that's what's written on your student form then this is it." sagot nya na may pagtataray kahit hindi tumitingin sa akin dahil siguro sa naabala ko sya sa ginagawa nyang pagtetext.
"I'm just confirming though that's why I asked. Thanks anyway" sabi kong pabalik na may diin letting her know that she should not mess around with me. At pumasok na ako ng room not waiting for her to reply and look for a seat although I can see at my peripheral view na nagtaas sya ng kanyang ulo at tumingin sa akin gaya rin ng iba ko classmates when I walked inside the room and went to the back row to sit.
Masyado pa maaga for our subject to start at wala pa din ang aming prof so I just make myself busy playing with my cellphone while waiting for our prof nang maistorbo ako sa lakas ng bulungan at bungisngisan ng aking mga kaklase especially the girls. And when I look up to see the reason, I saw three guys sa pinto na yung isa ay kausap din yung girl na napagtanungan ko kanina. No wonder these girl classmates are acting like kiti-kiti, puro gwapo ba naman yung tatlong mokong at ang lakas ng dating lalo na yung nakikipag usap kay mataray na girl na parang pusang naglalampong ngayon ang hitsura habang nagpapakyut sa guy. At dahil hindi ako interesado sa kanila balik laro uli ako sa phone ko.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
RomanceSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...