Marc, Enzo and I decided na kaming tatlo ang magbabantay at mag-aalaga kay Ken while he is still confine in the hospital at habang inaayos ng mommy niya ang kanyang travel documents going to USA for his brain tumor operation. Although Ken wanted me to join him para ako daw ang maging personal nurse niya, Mom refused the idea baka raw kasi magtaka si Tita Lian pag sumama pa ako. At siyempre wala na kaming magagawa ni Kentot pag nagsalita na si Mom.
Kaya naman sinulit naming apat na magkakaibigan ang nalalabing araw ni Ken sa Pilipinas. Muli kaming gumawa ng masasayang ala-ala kaming apat na magkakaibigan dahil we dont know what will happen next. We knew the consequences of the operation that Ken will be undergoing ,it may let us have Ken back alive o isa ng malamig na bangkay!
At naintindihan naman iyon ng mga magulang namin, 3 weeks before Ken will fly to the USA, we decided na muling magsama-sama sa isang hindi malilimutang adventure kung saan isa-isa naming binalikan lahat ng lugar na naging bahagi ng aming nabuong pagkakaibigan. Although Ken was no longer that hype and active dahil mabilis na syang mapagod but I can sense in him the feeling of overjoyed lalo na ng puntahan namin ang dati naming eskwelahan.
Masaya siyang niyakap ng aming naging mga instructors and gave him words of encouragements . Yes, tears were visible in the eyes of all our college faculty members even our dean hindi na niya maitago sa tahimik na pagluha ang lungkot sa nangyari sa isa niyang estudyante na minsan na ring nagbigay karangalan sa aming college ng irepresent ni Ken ang CBA sa Mr. Campus Heartrob Pageant ng university at pagwagian ito. Ganunpaman, no one showed pity over Ken, lahat nakangiti bagamat lumuluha upang bigyan ng lakas ng loob si Ken sa kanyang brain operation.
We visited the unit ng Condo na tinirhan naming apat na siyang nagpatibay sa aming pagkakaibigan at siyang naging saksi sa pagsibol ng aming pagmamahalan ni Ken. Although may bago ng tenants ang condo unit namin before, naging mabait naman yung dalawang tenants nito sa pakiusap na rin ng owner na muli namin makita ang dati namin tinirhan matapos nilang malaman ang kalagayan ni Ken. The two guys were so hospitable and so kind na they invited us to stay there overnight na malugod naming tinanggap.
Halos wala kaming tulog lahat including Jake and Rodger na siyang tenants ng unit at naging instant friends din namin sa kwentuhan at alaskahan reminiscing our three years na pagtira sa condo na iyon and we shared it with our new found friends. I saw Ken overflowing with so much hapiness sa kanyang mukha. At kahit sinasabihan ko siyang magrest, umiiral yung pagiging bard-headed niya, nakikisabay din siya sa aming lima. Sinasaway nga ako ni Marc na umiiral na naman daw ang pagiging nagger ko, kaya ayun hinayaan ko na lang din magpuyat si Kentot dahil gusto niya at kaya naman niya.
Lastly, we went out of town, sa mga lugar na dati naming pinuntahan at naging espesyal sa aming buhay. From north as far as Ilocos hanggang south sa Batangas binalikan namin ang mga resorts na nagbigay ng masasayang alaala sa amin. At ang huli namin binalikan ay ang Boracay na maraming memories ang binigay sa aming apat.
It was an adventure of a lifetime for the four of us lalo na kay Ken na minsan ay nagiging emotional kaya nahahawa naman kaming tatlo. Mabuti nga Marc knew how to shift the gear of our emotions kaya yung sad at iyakan blues namin nauuwi sa walang harbat na halakhakan!
***************
" Buti pumayag si Tita Lian na mag-overnight ka dito eh bukas na ang alis mo papunta States" sabi ko kay Ken nang pagbuksan ko siya ng gate after receiving a call from him that he's outside our house na kinagulat ko dahil ang usapan nga namin eh sa airport na lang kami magkikita bago sila sumakay ng eroplano ni Kuya Kurt papuntang USA.
"Hindi ko kaya eh, namimiss kita Jaylog ko. I want to spend this last night with you bago ako pumunta ng US for my operations." paliwanag naman niya habang niyayakag akong nakaakbay papasok sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)
RomanceSi Arman Jaymes gwapo, matangkad, may nakakabighaning katawan, maraming kababaihan ang nahuhumaling, isang college student at kaschoolmate,dorm mate at best friend ni Kenneth Anthony. Nang dahil sa isang trip bunga ng kanilang kalasingan at pagkain...