Chapter 10 - The Unexpected Gift ( Part 1 )

8.8K 196 21
                                    

"Hey Enzo, how's your thesis? Okey na ba ? I can help you pag may problema ka pa? I asked him habang kumakain kami one weekend na apat.

We have decided na wala munang uuwi sa amin that weekend para makapagboys night out kami. Tabla muna mga girlfriends namin dahil we missed going out na kaming magkakaibigan lang. With exception, of course, sa amin ni Ken na until now eh wala pa rin kaming  lakas ng loob na u,mamin sa mga kaibigan namin kahit umabot na ng taon ang lihim naming relasyon. We remained discreet about it. Sabi nga namin ni Ken come what may na  lang...bahala na si Batman..ang importante mahal na mahal namin ang isa't isa at yun muna ang mahalaga sa ngayon.

"No worries, Jay. Okey na lahat. I'm more than prepared for my defense and I think, I can handle it well naman." sagot ni Enzo habang patuloy ang pagsubo ng pagkain namin. I cooked kasi one of my original recipes ( Pork Strip Fillet in Lemon Buttered Cream Sauce) na noong matikman nilang tatlo ay naging instant favorite nila. Kaya kapag  gusto kong sabay-sabay kaming kumain apat, niluluto ko lang yung recipe na yun. Kaso para namang mga halimaw ang mga ito kung magsilamon..hahahaha...sa sobrang gana magsikain. At least I'm happy that they appreciated my cooking.

"Hindi bawal magsalita habang kumakain, paalala ko lang senyo." ako yan nagpapansin sa tatlo to talk to me. Paano naman kasi parang walang kilala ang mga ungas na ito habang lumalamon. Walang pansinan talaga. And this is the irony, I don't eat the food that I cooked! Ewan ko ba siguro naumay na ko kakatikim kaya wala na rin ako gana kainin.

"Shut up Jay! Just eat will you? We're busy eating here can't you see?" Pasupladong sagot sa akin ni Marc habang sige ang nguya ng pagkain. Yung dalawa, deadma talaga ako.

I just contentedly looked at them enjoying the food while I eat the bacon and fried egg that Ken cooked for me kasi nga hindi ako nakain ng luto ko. Ang sarap tingnan ng tatlo kong kaibigan na maganang kumakain. Biglang nagtaas ng mukha si Ken at napatingin sa akin sabay kindat at nagpout ng lips na parang  hahalik. Napangiti ako sa  gestures ng mokong na yun . Kahit kelan talaga, he never fails to amuse me that everyday can't help but to fall in love wth my Ken-tot. Hahaha...ang lakas maka-bakla, pero kay  Ken lang.

BURPP... BURPP...BURPP...

Ang tanging ingay na narinig ko nang matapos kumain at uminom ng tubig ang tatlo kong masibang kaibigan.

"Sarap! The best ka talaga Arjay! Nabusog ako, grabe!" si Marc yun, ang unang pumuri ng niluto ko habang hinihimas ang tiyan sa sobrang kabusugan.

"Whew! Grabe Jay! Sarap! Hindi ko talaga pagsasawaan tong luto mo." sabat naman ni Enzo habang pumapapak pa rin ng tirang ulam.

"Panalo sa sarap, Jay! Tama si Enzo hinding-hindi namin pagsasawaan luto mo lalo na ako, hanap hanapin ko talaga toh! Tama lang talaga na you pursue the culinary course after graduating from a business course Jay. Hindi bagay sa galing mo ang maging cook lang, dapat may class may dating. You ought to be a certified chef Jay." Puri naman ni Ken na may kasama pang kindat  while seducing me with his killer smile.

"O sige na, tama na ang pambobola nyo. Nabusog kayo di ba? Pwes, kayong tatlo ang bahala sa kitchen. Make sure everything is clean and washed off." balik utos ko sa kanila na tila kinagulat pa nila.

"Me angal?" tanong ko sa kanila nang hindi sila sumagot sa utos ko.

"Wala!" chorus na sagot ng tatlong makong na kinangisi  ko ng lihim seeing their faces in dismay.

"Good! Bilisan nyo ha. I'd be  at the sala watch muna ko TV habang wait ko kayo" sabi ko habang tumatayo ako sa mesa at naglakad patungong sala. Habang yung tatlo ay parang natulala sa sinaqbi ko.

"Hoy! Kumilos na kayo dyan. Wala kayong dinner  mamaya sige kayo." panakot na sigaw ko sa kanila habang nakaupo pa rin sa mesa at  nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon