Chapter 15: I lied

63 2 0
                                    

Chapter 15: I lied

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman ngayong nandito si Art sa harap ko.  Ang alam ko lang, my body reacted on its own nang marinig ko ang boses niya  na isinambit ang pangalan ko at  nang nakita ko siya kanina. Para niya akong hinila papunta sa kanya and nothing else seemed to matter but him. Hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos kay Cloud dahil nang naalala ko siya at nilingon ulit kung saan ko siya iniwan, wala na siya doon. Ite-text ko na lang siya mamaya. Sa ngayon, I have to face Art.

Nandito na kami ngayon sa sala, nakaupo sa tabi ng isa’t isa. I took a deep breath, just to put on a strong facade. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya. “Ano ginagawa mo dito?”Tanong ko sa kanya, giving him a half-smile.

“I’ve missed you.” Hindi ko inaasahan yun ha. And he looks really serious. Gusto ko talagang umiyak at sabihing namiss ko din siya, but as much as I want to say that out loud  kailangan kong gumawa ng pader sa pagitan namin. Kailangan kong protektahan ang sarili ko sa sakit na puwede niyang maidulot na naman sa akin. “Shi, hindi ko na kayang malayo pa sa’yo ng ganito. Not talking to you for the past days and weeks was purely torture at kung  ipagpapatuloy pa natin ang ganito, baka mamatay pa ako. Namimiss ko na talaga ang prinsesa ko.”

Akala niya siya lang ang tinotorture? Aba mas malala pa yata sa sakit ng torture ang nararamdaman ko sa nangyayari sa amin.

“Art…” Pinigilan ko ang sarili kong tawagin siyang frog prince dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon, hindi ko na kakayanin pang pigilan ang mga luha ko sa pagbagsak mula sa mga mata ko.  “Namiss ko din ang lahat ng mga ginagawa natin together, hindi kompleto ang barkada kapag wala ka, pero ayaw ko ng gulo… As much as possible, ayaw ko na maging hot topic na naman ng underground website natin. May girlfriend ka and it wouldn’t be nice if ganoon pa rin ang treatment natin sa isa’t isa. We’re still friends Art, alam mo namang hindi ko din kayang mawala ang isang kaibigang katulad mo.”

Hindi ko alam kung paano ako nagkalakas ng loob sabihin iyon na walang luhang bumabagsak mula sa mga mata ko, pero I somehow did. “Art, let’s just limit ourselves with hi’s and hello’s.  Hintayin muna nating maintindihan ni Joanne na magkaibigan lang talaga tayo at hanggang doon lang talaga tayo. Ayaw ko makasagasa ng isang taong hindi ko naman talaga sinasagasaan.” Pero hindi lang iyon tungkol kay Joanne, tungkol din iyon sa sakit ko at sa nalalapit na pagkamatay ko. At naramdaman ko lang, Joanne was the best excuse. May dapat din pala akong ipagpasalamat sa impaktang iyon. I should remember that when I die.

“Princess, listen…” Alam kong may gusto pang sabihin sa akin si Art, pero alam kong any second now papatak na talaga ang luha ko. 

 

“Art, let’s talk some other time. Kailangan ko na talagang matulog. Pagod na ako…” Pagod na pagod na ang puso kong masaktan. Those were in my thoughts. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumalikod sa kanya. “Pakilock na lang ang gate pag-alis mo.” Pagkatapos ko iyong sabihin, umakyat na ako sa kwarto ko at hinayaan ang sarili kong umiyak.

************************************************************************************

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon