Chapter 10 : Is He The Mystery Caller?

164 9 9
                                    

Chapter 10: Is He The Mystery Caller?

Dilated cardiomyopathy - is a condition in which the heart's ability to pump blood is decreased because the heart's main pumping chamber, the left ventricle, is enlarged and weakened. In some cases, it prevents the heart from relaxing and filling with blood as it should. Over time, it can affect the other heart chambers. 

*********************************************************************************************

I could hardly breath, every time I try to inhale my chest burns like hell.

I tried opening my eyes, but no use, they still remain shut.

I tried to shout, but there was no voice coming out of me.

I tried to cry, but there were no tears at all.

The whole place was in a havoc.My doctor and my nurse were trying to revive me, but it was still the same. The  monitor still showed a constant vertical line. I could feel a little panic, but something kept me holding. There was that unfamiliar voice that kept saying, "Don't go... Please don't go now... wait a little longer, just a little more longer..." I could feel warm hands holding mine.

I wanted to hold on a little while longer, but I felt that life was slipping away from me...

My heart was making its last beat and then.

***********************************************************************************************

Pinilit ko ang sarili kong bumangon, pero hindi ko pa talaga kaya. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko. siguro dahil ito sa pinaglalalagay nilang gamot sa akin kagabi.

"Yaya..." mahina kong sambit kay Yaya Ysa na  nagtitimpla ng kape sa side table sa gawing kanan ng higaan ko. Agad naman siyang lumingon sa akin, halata sa kanyang mga mata na walang tigil siya sa pag-iyak kagabi.

"Sierra... bata ka, akala ko kung napano ka na..." At yumakap naman siya sa akin na para bang hindi na niya ako bibitawan. Takot nga din akong bitawan niya ako kasi feeling ko kapag bibitawan niya ako, talagang mawalan na talaga ako ng lakas. Si Yaya Ysa kasi ang isa sa mga maituturing ko talagang lakas ko. She was more than a yaya, somehow siya na ang tumatayong nanay ko nang umalis sina mommy at daddy papuntang States.  

"M-medyo okay na ako..." I stuttered, medyo paos pa ang boses ko. Pinakawalan ako niya ako, tiningnan at naiiyak na naman siya. Drama Queen talaga nitong si Yaya, nagmana sa akin.

"Buti na lang lang talaga at tinulungan ako ng kaibigan mo, wala pa naman si June kagabi..." Kaibigan? Eh, umalis na si Kent pagkahatid niya sa akin kagabi at nakita ko talaga siyang humarurot paalis. Bumalik kaya siya? Ba't naman siya babalik? At kung bumalik nga- Hala! Ang dami kong dapat i.explain sa kanila ngayon. 

"Si Kent ho ba?" Tanong ko kay Yaya, siya lang talaga ang naisipan kon eh at kilala naman din siya ni Yaya. Suki kaya yung lalaking yun sa bahay. Well, lahat naman siguro ng kabarkada ko suki talaga sa bahay. 

"Hindi ko kilala, eh." There was that sense of relief nung sinabi niya iyon kasi kung hindi niya kilala that means hindi isa sa mga kabarkada ko so safe pa ako. Hindi pa nila alam ang tungkol sa sakit ko. Pero sina naman kaya 'tong kaibigang tinutukoy ni Yaya? "Basta gwapo, hindi ko na masydong namukhaan, masyadong mabilis ang pangyayari at nag-aalala kaya ako sa'yo. Natatandaan ko lang talaga itim na jacket ang suot niya."

Could it be?

"May itim ho ba siyang motorsiklo na dala, Yaya?" Agad kong itinanaong. Ang puso ko biglang tumibok ng mabilis, ewan ko kung bakit. Nakatuon lang ang mga mata ko kay Yaya Ysa, seryoso at nagtataka. 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon