Chapter 8: Do I Like You?

164 10 16
                                    

Chapter 8: Do I Like You?

<Sierra’s POV>

#OOTD

Uggh! Pati ba naman ang pagsuot ko ng sunglasses ngayon pinagkaguluhan nila? Ganoon na ba talaga sila ka ignorante na pati shades ko nag-buzz over the net.

Tsk! Seriously, what’s wrong with this people?

At pagkarating ko pa sa classroom, sinalubong ba naman ako ng nakakalokong tingin at ngiti ng mga kaklase ko, kaya ayun nakatayo ako sa may pinto, naka-cross arms at nakataas ang kilay. I know I’m gorgeous, but what’s with the look?

At mukhang na-gets ni Dianne ang mensahe ko kais binigyan niya ako ng “tingin ka kaya sa likod” look with matching taas kilay at smirk pa ang bruha.

Ako naman itong si uto-uto, tumingin naman ako sa likod ko at lumuwa talaga ang mata ko (should be thankful to my sunglasses), jaw drop open.

Shoot! Ang hot niya… Ngayon lang siya nagsuot ng uniform ng school at super bagay talaga sa kanya. Even with the white polo with grey necktie, navy blue blazer at dark brown pants, ang HOT niya talaga. And I know mas hot pa talaga ‘to, ‘pag hinubaran ‘to ng uniform… hehe… Yuck! Sorry, hormones!

Then he reached for my chin, I could feel my heat wildly drumming. Sh*t! Is he going to kiss me in front of the class? I could feel heat and blood rushing to my face, habang papalapit ng papalapit siya sa akin. Wala na akong ibang nagawa kundi ipikit ang mata ko at ang mga kaklase naman namin tutok na tutok sa aming eksena.

This hot man is melting me.

Then, I felt his breath not on my lips but on my ear? Ba’t doon? Kaya I opened one eye and saw him smirking.

“Ayyyyyiiiiieeeee!!!!” Ang mga kaklase ko yan, parang mga loka-loka. Tss.. Wala namang nangyari ha. Pero pakialam ko sa kanila, eh this guy kept me at trance. Kahit nakasuot siya ng sunglasses kaya ko, hala his eyes still made me focused only to him.

“Dahan-dhan sa pagbukas niyan baka kung ano pang pumasok.” He whispered, yung boses niya parang nang-tetempt. Then he slowly closed my mouth.

Aish! Hindi pala siya hot, bakulaw siya! Bakulaw! Umayos siya ng tayo at pumunta sa kanyang upuan, leaving me still agitated. Ang mga kaklase ko naman nakatingin lang sa kanya. At nang nakaupo na siya, tinanggal niya ang glasses niya at umub-ob na siya sa desk niya na parang walang nangyari. Ang mga kaklase naman namin, binaling ang atensyon nila sa akin.

Lahat sila nakakaloko ang mga tingin. Kaya ako pumunta na lang din sa aking upuan na katabi ng kanya. Kawawa ako no?

“Hoy Bruha! At ba’t matchy-matchy kayo nitong si hottie?” Intriga nitong si Dianne sabay nguso sa seatmate kong bakulaw. Ang mga chismosa ko namang kaklase nagkumpulan sa amin.

“Ano’ng matchy-matchy?” sabi ko habang nilalagay ang bag ko sa upuang nasa harap ko.

“Ta’s saya pa talaga kayong dumating… Yiieeee!!!” sabu ni Charice, isang kaklase ko.

“Ta’s nagkiss pa talaga kayo sa may pintuan… Kyaaahhh!!! Kinilig ako, princess!!” ngawa naman nung si Gail.

“Kayo na ba, Princess? Bilis ha…” Sabi nung si Janice. Ano bang pinagsasabi ng mga ito?  

Tss… Sabay? Eh mas nauna naman ako kesa dun ha. Halik? Hindi naman natuloy ha… disappointed? Hindi no. Tss… Ta’s kami? Paano naman mangyayri yun? Napalingon ako sa tabi ko, naka-ubob pa rin siya sa kanyang desk. Tulog siguro?

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon