Chapter 11: He Wiped My Tears

118 7 4
                                    

Chapter 11: He Wiped My Tears

 Nung gabi ding yun tinawagan ko si Art at habang nagriring pa ang kanyang telepono, hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ewan ko nga paano ko nagawang ma-idial ang kanyang numero, eh.

[Shi, napatawag ka?] Halata ang gulat at pagtataka sa boses niya. Madalang na din kasi akong tumawag sa kanya, simula noong summer.

“Busy ka ba?” Yun ang bati ko sa kanya.

[Hindi naman… pero kahit busy pa ako, you know I’ll drop everything I’m doing just for you.] If I wasn’t too bothered   by the possible fact na siya ang mystery caller ko, then my heart would probably be jumping up and down now. He always has that effect. Him and his sweet talks.

[Is there something wrong?] Paano niyang nahulaan? It’s not really totally something wrong, just something bothersome. I wanted to ask him kung siya ba talaga ang mystery caller ko. At kung siya nga I want to know why. Ba’t niya pa kailangan maging isang faceless hero when he can always be Art my frog prince?

[Shi?] I wanted to ask, pero hindi ko magawa. Ewan ko kung bakit. Gusto kong magsalita, pero ayaw lumabas ng mga salitang iyon mula sa bibig ko.

[Shi, what’s wrong?] Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Out of frustration, maybe?

“Nothing, just wanted some company, hindi ako makatulog, eh.” My voice croaked, hopefully hindi niya nahalata ang pag-iyak ko. “I hope I’m not disturbing your plans with Joanne.”

[Nope, you’re never a disturbance… Kahit magdamag pa ako dito sa phone, sasamahan kita hanggang sa makatulog ka.] I could imagine him smiling, that cute genuine smile. Walang halong kahanginan, just that sweet smile na so far sa pagkakaalam ko ako pa lang ang nakakakita. [Gusto mo ba kantahan kita?]

“Gusto ko yan… pwede ba?” The excitement I’m feeling right now is genuine. Kahit umiiyak ako ngayon, talagang na-excite ako sa pagkanta niya. “Hindi naman siguro masyadong mahal ang talent fee mo, diba?” I heard him chuckle.

[Don’t worry, affordable lang ‘to para sa’yo kayang-kaya mong bayaran ‘to.] This time, it was my turn to giggle. Alam ko mukha akong baliw ngayon, tumutulo ang luha habang tumatawa. Wala, eh, ganyan siguro talaga nagagawa ng playboy na ito sa akin. [Teka, set-up ko muna gitara ko]

Narinig ko siyang tumayo at nagpunta siguro sa kanyang cabinet para kunin ang gitara niya. I wonder kung ginagawa niya rin ‘to kay Joanne. I hope not.  Selfish na kung selfish, pero ganyan talaga ako. This is one of those special moments na kami lang ang nakakaalam at one of those magical moments that he never fails to make me special. [Ito na ready na…] He came back and then I heard him strumming his guitar and then he started singing Lifehouse’s You and Me. Tears continued falling.

I cried as he sang and played the song. My tears just won’t stop falling as I reminisced all our bitter-sweet memories.  Right now, gusto ko talaga siyang puntahan at yakapin pero something inside me hindered me. Alam ko naman kasing walang You and Me, eh. It’s just him and Joanne and I am just part of the other people, a shadow in the dark.

I didn’t speak nang matapos niya ang kanta.  Pinapakinggan ko lang talaga siya from the otherline. [Shi? You still there?] I held my breath, takot na baka sa paghinga ko may masabi pa ako sa kanya na hindi ko talaga dapat masabi. [I guess tinulugan mo na talaga ako. I know magmumukha akong tanga nito dahil nagsasalita ako ng walang taong kinakausap, pero sanay na ako lagi mo naman talaga akong pinagmumukhang tanga, eh.  Shi, whether you are ever hearing this or not gusto ko lang talaga sabihin na above everyone and everything else, you are the most important person in my life and I’ll do everything for you, my princess… kahit maging frog pa. Well, goodnight.] I heard him turn off his phone after that. I cried all the more dahil sa mga sinabi niya.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon