Chapter 6: Side Court

185 12 12
                                    

Chapter 6: Side Court

After nung usapan namin sa rooftop balik na naman kami sa dati nitong si Cloud... Akala ko nga after nun magiging okay na kami... feeling ko mali ang term na okay, mas appropriate siguro gamitin ang term na better kasi feeling ko hindi talaga kami magiging Okay ng bakulaw na ito.  

Pero at the end of the day he was still a snob. Hindi pa rin niya ako pinapansin, eh seatmates nga kami. Tingin niyo hindi ba ako kapansin-pansin? Ang ganda ko para hindi pansinin ha, pero bahala na nga siya sa buhay niya. It's his BIG LOSS ANYWAY.

*****************************************************************************************

 I could hardly breath, every time I try to inhale my chest burns like hell.

I tried opening my eyes, but no use, they still remain shut.

I tried to shout, but there was no voice coming out of me.

I tried to cry, but there were no tears at all.

The whole place was in a havoc.My doctor and my nurse were trying to revive me, but it was still the same. The  monitor still showed a constant vertical line. I could feel a little panic, but something kept me holding. There was that unfamiliar voice that kept saying, "Don't go... Please don't go now... wait a little longer, just a little more longer..." I could feel warm hands holding mine.

I wanted to hold on a little while longer, but I felt that life was slipping away from me...

My heart was making its last beat and then.

BOOOGSH!!!!!

IIbinuka ko ang mga mata ko at nakitang isa isang lumapit ang mga classmates ko sa akin, pero ang pinakanapansin ko ay ang walang hiyang si Cloud Freal. Tumatawa siya. Ang cute niyang tumawa promise, pero Ugh! Ba't yan ba iniisip ko eh alam na alam ko namang ako ang pinagtatawanan nito.

Tsk! Kainis! Hindi na pala siya cute tumawa, mukha siyang.... mukha siyang... BAKULAW... tama, mukha nga siyang bakulaw

“Sa gilid ba naman ng court na may naglalaro ng basketball matulog? Kumusta naman yun? Hahahaha...” Hindi tumigil si Cloud sa pagtawa  ng malakas. Kaya tuloy tumawa na rin ang mga classmates ko, nadala din sa kademonyohan niya. "Miss Taviel, hindi sinasalo ang bola gamit ang ulo, kamay gamit, unless may lahing sea lion ka... hahahaha"

Ugh! Does he not have anything better to do?  Ako SEA LION? SABIHIN NIYO NGA MUKHA BA AKONG SEA LION?

I touched my head and stood up lazily. Tumatakbo sina Arianne at Dianne patungo sa akin, worry was all over their face. Saan naman kaya galing ang mga ito?

“Okay ka lang, Shi?” Alam kong pinipigil lang nila tawa nila. 

“Obvious ba? Sino bang magiging okay after matamaan ng bola? Ang sakit kaya… ” I whined, sabay pout. Ta's lumayo-layo doon sa pwestong iyon, si Cloud ayun tawa pa rin ng tawa sa gilid. Hindi naman yun ganun ka nakakatawa ha? Nakakatawa ba mukha ko nung natamaan ako ng bola? Hala sana walang nagvideo nakakahiya.

Ta's may narinig akong pamilyar na mga tawa. At ayun nga paglingon ko, hindi na napigilan nina Arianne at Dianne ang mga sarili nila, nakijoin na din silang tumawa. Hinampas ko ang dalawa. Tawa pa rin sila ng tawa. Akala ko ba, kaibigan ko ang mga ito… 

“Hay nako! Ano naman  kasing ginawa mo kagabi Shi?” naka-smirk na sinabi nitong si Kent, ang best friend ni Art.

"Wala..." Pa-inosente kong sabi.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon