Chapter 13: He Is My Beast

105 7 4
                                    

Chapter 13: He is My Beast

<Sierra's POV>

3 araw lang si mama dito sa Pilipinas dahil marami pa daw siyang kailangan tapusin. Gustuhin ko man talaga ang patagalin pa siya dito, alam ko namang hindi makakabuti sa aming dalawa iyon. 

"Shi, auditions are open na pala para sa roles for the play for Culture Week." Napatingin naman ako sa dinaanan naming bulletin board nang sinabi iyon ni Liz. Ako ang drama club president, pero wala akong kaalam-alam tungkol dito. Well, sina Ms. Sanchez at ang administration naman talaga ang namamahala dito, so hindi na iyon nakapagtataka.

"Oo nga no..." Napahinto na ako sa paglalakad nang mabasa ko ng mabuti ang plyers na nakapaskil sabay dukot ng kinakain kong junkfood. Huminto na din sina Arianne, Dianne at Jajah para makabasa na rin. 

"Susme! Magpapa-audition pa sila, eh alam naman natin kung kaninong beauty lang talaga ang babagay diyan." Jajah commented sabay tingin sa akin ng sandali with a wide smile at tumingin ulit sa mga kaibigan namin. Sino kaya tinutukoy ng babaeng ito?

"Tama ka diyan sis!" At talagang nagkaintindihan pa sina Dianne. Actually pati sina Arianne at Liz umOo. Seriously? Bakit parang ako lang ang walang alam sa kanila? Do they have some kind of mental telepathy?

"Sino ba ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin. Did I say something wrong? 

"At nagtanong ka pa talaga." sabi pa ni Dianne sa akin, sabay irap. What?! Kasalanan ko bang wala ako ka ide-ideya kung sino ang tinutukoy nila? Eh sila naman itong hindi nagbanggit ng pangalan, diba?

Magsasalita na nga sana si Jajah eh, pero natigilan siya nang may marinig kaming mga pamilyar na boses. Actually, hindi lang pala siya. Kaming lahat natigilan. "Babe, simula na pala ng auditions for the school play para sa Culture Week natin... Audition tayo babe ha. For sure, we would be " 

"Sige babe..." Ang boses na iyon, ang tagal ko nang hindi narinig ng ganito kalapit sa akin. It sent sweet tingling sensations in me. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ganito pa rin pala talaga ang epekto ng lalaking ito sa akin.

"Art, nandiyan pala kayo!" Si Arianne ang bumati sa kanila.

"Oh hi guys!" Bati niya sa amin. That's why I decided na lumingon na din, trying to suppress whatever feeligns I have for him.  Ngumiti ako kahit nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Nakapulupot kasi ang kamay ni Joanne sa  braso ni Art habang naka-entertwine naman ang mga kamay nila sa isa't isa. 

"Sierra, hi..." At talagang pinansin pa ako ng babaeng iyan. Just what does she want?  

"Hi..." tipid kong sagot sa kanya. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kaya nakatingin na lang din ako sa kanya, baka kung ano na namang ikalat ng babaeng ito kapag tumingin ako kay Art. 

"Mag-o-audition ka for the play?" Asking the obvious. May gustong patunayan ang babaeng ito sa akin. I smiled sweetly and briefly answered, "Of course, lagi naman eh." 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon