Chapter 16: In A heartbeat

29 1 0
                                    

Chapter 16 :In A Heartbeat

Monday - If I had the choice, I would skip this day entirely, but I had no choice just like having no choice but to wake up each day knowing that you would soon die, and at the same time not knowing if that would be the exact day you would actually die. 

Grabe ang gulo ko no? Aba ang gulo din kaya ng buhay ko. At alam ko hindi ito ang magandang paraan sa pagbati ng pag-uumpisa ng araw, pero may sakit ako at kahit binigyan na ako ng taning ng doktor para makapaghanda ako sa pagtatapos ng buhay ko hindi pa rin iyan kayang paghandaan. I mean meron  talagang isang tao dito sa mundo na tunay na makapaghahanda sa araw ng kanilang kamatayan?

 Hindi naman kasi ina-announce ni Kamatayan ang pagdating niya, no.  Kapag nagkita na talaga kami, isa-suggest ko talaga sa kanyang  i-announce ang kanyang arrival nang hindi naman nakakahiya sa kanya at mapaghandaan siya ng red carpet, diba? At baka, ma-suggest ko na nga talaga ito sa kanya ngayon.

Sinugod na naman kasi nila ako sa hospital and right now nasa ER ako, my heart is actually beating slowly and no matter how much I try to fully wake up, hindi ko magawa. I simply managed to be half-awake, iyong naririnig mo ang mga ingay sa paligid mo and somehow kahit hindi ganoon ka linaw alam mo kung ano ang nangyayari.

Right now, naririnig ko ang unti-unting paghina ng mga beeping sounds mula sa machine na nagmomonitor ng puso ko. Naririnig ko ang boses ng mga doktor at nurses na nagbabatuhan ng instructions.

“Her heart’s failing…”Shit! Kailangan pa talagang isigaw iyan ng doktor ko, no? Eh matagal na naman talagang failure ang puso kong ito. I could feel they were pricking me with lots of needles, gamot siguro iyon, pero wala akong maramdamang pag-ease ng sakit sa puso ko.

Tit-Tit-Tit-Tit… Slow siya at unti-unti na siyang humihina. Lalong sumisikip at sumasakit ang puso ko. Siguro ito na talaga  iyon. Diba ito na iyong oras na biglang magfaflash back lahat lahat ng nangyari sa’yo? Pero ba’t sa akin hindi ganoon, instead…

Tttttiiiiiiiiiiiiiiiiiittttttt….. Nakakabingi ang tunog na iyon. I felt numb and everything went black.

*************************************************************************************

“Shiii… finally!” I could not believe what I’m seeing right now. Nandito ang buong barkada and when I say buong barkada, yes that would include Art at siyempre kasama niya ang girlfriend niyang impakta na dikit ng dikit sa kanya. Kahit umaarte siyang concerned rin sa akin, halata naman na tuwang-tuwa siya at nakahilata ako dito sa hospital bed at baka pa nga pinagdarasal ng impaktang ito na matuluyan na ako.  Pero, aside sa pagmumukha ni Joanne, ang mas bumabagabag talaga sa akin ngayon ay kung papaano nila akong napuntahan dito sa hospital?

“Uhmm, sino nagpapunta sa inyo dito?”Kumunot ang noo nila sa itinanong ko. I know I sounded rude and mean,  at alam kong nag-aalala lang silang sa akin, and I really appreciated it pero hindi pa ako ready para sabihin sa kanila ang tungkol sa sakit ko, eh. At ewan ko rin kung kailan ako magiging ready para diyan.

“Ai, princess… sa susunod na you make sakit, hindi na talaga kami magka-come and visit sa’yo…”   pagdadrama nitong si Liz at may kasama pang pout effect.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon