Chapter 2 : Suicide Attempt

322 18 18
                                    

Chapter 2: Suicide Attempt

“You know my name?” He smirked and sat beside me. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Inirapan ko nga sabay harap ng board at doon ko lang napansing nakatingin pa rin sa akin ang mga kaklase namin. Tsk! Mga chismosa’t chismoso talaga. I shot Sir Tan an “I’m in an uncomfortable, please help me here” look and I think he got what I meant.

“Okay class, intermission’s over… Let’s start business now.” At dahil obedient naman mostly classmates ko, tumingin na ulit sila sa board.

Nung akala kong wala nang nakatinging, I then looked his way. Siya naman nakatingin kay sir, nakikinig, siguro. “Hoy! Paano mo nalaman pangalan ko? Stalker ka no?”

Alam lang ang pangalan? Stalker agad? I know, masyado akong feelingera, pero malay natin. Kaduda-duda kaya ‘tong mukha niya. Mukha talagang stalker, hot na stalker to be exact.  Nakatingin lang siya sa akin.

“Tell me, kaya ka siguro lumipat ng school no? Dahil sa akin no?”

Alam lang ang pangalan? Ako agad ang rason ng paglipat ng school? I know, I’m too full of myself, pero malay natin, diba? He’s my stalker anyway. Nakatingin pa rin ‘tong mokong na ‘to sa akin.

“Sinadya mo talaga sigurong magpapansin sa akin kanina sa may principal’s office, no? I knew it!”  He gave me a smirk and got something inside his pocket.

Ta’s may inabot siyang familiar na card sa akin. Kinuha ko naman. At pagkatingin ko sa card na iyon, lumuwa talaga ang mata ko.

Identification Card ko.

“Feeling mo naman you’re worth all the fuss. Huwag masyadong maging feelingera…” He whispered, his voice full of mockery. I blushed. Nahiya ako bigla. 

*********************************************************************************

GRRRRRRRR…

“I hate his guts!” Namurder ko na ang ika-sampung pares ng kutsara’t tinidor. Paano ba naman kasi, lagi ko na lang naaalala yung nangyari kanina. Him and his stupid kayabangan. Idagdag niyo pa ang mga chismosa kong kaklase.

Tsk!

“Hot ba?” Tanong nitong baklang si Jaja, isa sa mga kaibigan ko. Galing kas siya sa ibang section kaya hindi niya kilala si Mr. Yabang.  Ayaw ko na ngang maalala, gusto pang gawing topic. Next time, remind me na maghanap ng ibang kasama sa canteen for lunch.

“Yup!” Excited na patango-tango naman itong si Dianne. Ang landi talaga.  

“Tsk! Hot parang impyerno!” sabi ko.

“Assuuusss…. If I know, pinagpapantasyahan mo yun…” Dianne teased. Mukhang hindi na lang kutsara’t tinidor ang mamu-murder ko ngayon ha.

“OMG! You make kwento about him, girl!” Isa pa ‘tong si Liz eh. Mumurderin ko din talaga ‘to.

“Akala ko ba excited ka sa kwento ko about my summer? Eh ba’t ngayon?” Ito nakarinig lang ng new hot guy kinalimutan na ang mga “I miss you, girl! Excited for your kwento this new school year” na text message kagabi.     

“Hello? That can make hintay, no! Besides… Princess, dearest, this is fresh hot news straight from the oven…” Straight from the oven? Ano ‘to cookies na binake? I’ve got the no. 1 intregreras as friends. 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon