Chapter 18: Gaston Vs The Beast

44 3 0
                                    

Chapter 18: Gaston Vs The Beast

Beep! Beep!

Ugh! Kanina pa talaga nag-iingay ang baliw na ‘yan ha. Gustong-gustokong bumalik sa pagtulog pero away niya talagang magpatulog. Tinakpan ko na nga ng unan at kumot ang mga tenga ko at pilit na ipinikit ulit ang mga mata ko, pero sa tuwing malapit na akong makatulog ulit…

Beep! Beep!

Ayan na naman ang ingay na iyan. Aish!

Bumangon na ako mula sa pakakahiga at padabog na nagpunta sa may bintana. Hindi na ata alam nito kung ano ang disturbance to the public peace and order ang nagagawa ng kabilawan niya, eh. Sino ba naman kasing ipinunta niyan at ayaw naman din gumising na para makatulog na ako ng mahimbing.

Handa na sana ako para sa mala-SONA kong speech, pero nang makita ko ang kanina ko pang tinatawag na baliw, umurong lahat ng salita at pangugusap na nabuo sa utak ko.

“Good morning!” Nakangiti at nakatingin siya sa akin.

My ever so handsome prince…

“Buti naman at naisipan mo na ring gumising!” …with his dwarf.

“Good morning!” … scratch that. My prince and the 5 dwarves pala ang dumistorbo sa aking beauty sleep.

“Kahiya ka! Hindi man lang nanhilamos.” Kahit kailan megaphone na megaphone ang dating nitong si Dianne. Inannounce pa talaga sa buong neighborhood. Kahiya! Minus ganda points tuloy ako.

“Don’t worry princess, wala pa ring nagbago…” Ang sweet naman talaga nitong si Arthur ko. “… besides, ilang beses ka na naman naming naabutan na ganyan ka… hahahahaha”Or so I thought. Inasar lang din niya pala ako. Inirapan ko na lang talaga ang mga loko.

“Pumasok na lang muna kayo ng bahay…” sabi ko sa kanila.

“Of course papasok talaga kami… aba, naamoy ko na luto ni Manan Ysa no…” sabi ni Jajah. Luto lang ata talaga ni Manang Ysa ang ipinunta nito dito ngayon. Akala mo naman hindi marunong magluto ang mama niya, when in fact head chef sa isang restaurant si tita.

I wonder kung sinabi kaya nito sa kanila ang mga sinabi ko sa kanya kahapon? Matapos ang iyakan at drama namin kahapon, pinangako niya sa aking hindi niya sasabihin sa kanila and I really trust his words.

************************************************************************************

After 1 hour natapos na din ako sa pagligo. Alam ko masamang magpahintay ng matagal pero sa tingin ko nag-eenjoy naman din kasi silang kumain at manuod muna ng TV. Feel at home na feel at home lang talaga ang mga kaibigan ko no? Well, we practically grew up together so they basically treat this as their second homes along with all the other houses our friends have.

Looking at them, ewan ko ba kung bakit ako nagdadalawang-isip na lumapit sa kanila ngayon kahit alam kong hindi binali ni Jajah ang pangako niya sa akin na hindi niya ipagsasabi ang tungkol sa sakit ko, actually hindi naman talaga iyon ang bumabagabag sa akin ngayon. Much more like I feel guilty. Sinali ko pa kasi itong si Jajah sa mga kabaliwan kong ito, when in fact the burden should rest on me alone.

“Hay naku! Ang lalim na niyangbaka malunod ka pa…” Jajah snapped me out of my thoughts, hindi ko man lang napansin nakalapit na pala siya sa akin. Tiningnan ko siya. “Oi, bruha akala ko ba best actress ka? Umayos ka nga, role ko pa naman best supporting actress lang baka kabog ka sa acting ko.”

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon