Chapter 7 : The Kiss

211 16 19
                                    

<Cloud’s POV>

Napatingin ako sa kanila.

Ang lapad lapad ng ngiti niya habang umupo sa tabi ng lalaking yun. She looks so beautiful when she smiles, specially when she smiles because of him. Nagti-twinkle kasi ang mga mata niya habang nakangiti siya na abot hanggang langit. How I wish ako na lang, peor parang impossible yan. Laging nakabusangot mukha niya sa akin, eh.

May nagawa ba ako? Wala naman diba?

“Hey!” May biglang kumalabit sa akin kaya ayun lumingon ako sa likod ko. Babae. She has a black wavy hair, has dark eyes, ‘di gaano kataas at morena. Sino nga ba siya? I think isa ‘to sa mga laging kasama ni Sierra.

Tiningnan ko lang siya. Ano ba kasi gusto nito sa akin? “Uhmm… tayo ang pinair ni Mrs. Sanchez para sa drill.” Nahihiyang sabi niya sabay smile.

Oh… so siya pala pinair sa akin. Sana si… Tsk! Huwag ko na nga lang ituloy tong nasa isip ko. Pinair na nga yun kay Mr. Hot Shot, diba?

Ini-explain niya sa akin ang instructions, narinig ko na naman yun kanina so hindi na alng ako nakinig sa kanya, rude ba? Ayaw ko lang talaga kasi ng pa-ulit ulit eh. Kaya ayun napatingin na naman ako sa kanila and for some unknown reasons, nakatingin din pala siya sa akin. I mean sa amin.

Kaya ayun nagtitigan kami. Walang may gustong bumitaw sa aming dalawa. Or ako lang talag ang ayaw bumitaw ng tingin sa kanya?

Tsk!

Then...

<Sierra’s POV>

Syempre ang saya-saya ko ngayon, ba’t naman hindi ako magiging masaya, diba? Ikaw ba, di ka magiging masaya na kapartner mo lang naman ang crush mo… Lalandi na naman tayo, teh, hehe (pero siyempre slight lang)

^____^v

Pero, honestly I expected na siya talaga ka-love team ko sa drill na ‘to. We’re talking about Mrs. Sanchez here ant number one fan ‘yan ng Golden Pair. Hindi yung Golden Pair ng Seigaku sa Prince of Tennis na sina Keikumaru at Oishi ang sinasabi ko ha, I’m talking about the “golden pair” of our school. Sierra Marie Taviel, ang magandang si ako at si gwapong crush ko na itago natin sa pangalang John Arthur Gray. Bongga diba?

Well, si Mrs. Sanchez naman kasi gumawa ng love team na ito, noong freshmen pa lang kami. I played Ariel and he played Eric, that was the first major school play I starred, “The Little Mermaid.” Our team up was a hit kaya ayun nagsunod-sunod na ang plays na kaming dalawa ang bida.

“Arianne, your pair would be Cloud.” That was the last pair announced. Napatingin naman ako kay Arianne na naglalakad na papunta sa kinauupuan nung bakulaw which was at the other side of the stage. She was doing all the talking while si Cloud nakatingin lang sa kanya, expressionless at parang walang pakialam.

Ang malas naman ng bff ko sa bakulaw pa napunta. Kung ako siguro nasa posisyon niya ako ngayon pinatay ko na ang bakulaw na yan. Ugghh! He’s such a sore.

Ta’s biglang lumingon si Cloud sa akin. Kaya ayun nagkatitigan kami. At kahit gustong-gusto ko nang bumitaw sa mga titig niya, ewan ko kung ba’t di ko kaya.

He kept me at trance with his deep hazy blue eyes… At habang tinututukan ko siya, images of a scene flashed in my thoughts. Ito’y mga eksenang pilit kong ibinaon at pilit kong kinakalimutan, pero sa hindi malamang dahilan hindi ko talaga kaya.

Waves crashing just below the rocks I was walking on.

The night was beautiful with the moon in a perfect crescent and the stars twinkling brightly, like small expensive studs.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon