Chapter 9: We Used To Be Best Buddies

238 9 5
                                    

Chapter 9 : We Used  To Be Best Buddies

“Promish ate, we will be the best of fwends, fow-evah. I love you!” Iyon ang boses na laging nagrereplay sa kanyang utak. Ang pangako na unti-unti nang  napapako sa bawat pag-ikot ng orasan.

<Sierra’s POV>

“Tapos ka na magsimba?” Papalabas pa lang ako ng bahay, pero siya papasok na ulit. Tiningnan niya lang ako at walang imik na umakyat papunta sa kwarto niya. Sinundan ko siya ng tingin, nakalimutan ko na nasa tabi ko pala si Dianne.

“Bru, gusto mo sapakin ko na yang kapatid mo nang bumalik sa dati?” sabi ni Dianne.

I looked at her and smiled, “Hindi ka pa nasanay dun. Hayaan mo na.”

“Hindi naman dating ganyan yan eh… Tsaka hindi pa ba nakaka-move on yan sa pagkamatay ni Ate Andrea?” Hindi lang naman kasi yun ang dahilan… Gusto ko sanang sabihin yun kaso hindi puwede, magli-lead lang yan sa marami pang tanong nitong si Dianne. At ayaw ko pang sumagot ng mga bagay na hindi ko kayang sabihin.

“Mahirap mag move-on… Ipagdasal na nalang natin tumino siya uli…” Hinila ko na si Dianne palabas ng bahay. Na-gets naman agad ng bruha na ayaw ko nang pag-usapan pa ‘yun kaya she completely dropped the subject at nagsimula pa ng isang topic na ayaw ko din sanang pag-usapan. Pero, with Dianne may mga bagay bang puwedeng iwasan? Wala ata.

“So, how was the date with Cloud?” Nagsa-sparkle ang mga mata ng bruha.  As if alam niyang may maganda siyang kuwentong makukuha mula sa akin. Well, iniwasan ko lang naman siya kagabi at talagang hindi ko  pinansin lahat ng tawag at text niya sa akin, akala niya siguro there’s a good story na ayaw kong i.chika sa kanya.

Well, meron nga. At ayaw ko nga talagang sabihin sa kanya o kanino man. “Come on tell me about the Date!” Ang kulit talaga nito.

“Date?” Nakangisi lang siya sa akin. And as if on cue, nagreplay sa utak ko ang sinabi niya.

“Do I like you?”

Ugh! To make matters worse ganoon pa rin ang nararamdaman ko ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko, ang tiyan ko parang ang dami-daming paru-paro sa loob, nararamadaman kong namumula ako at ang katawan ko tense. At kung hindi naman din talaga ako minamalas, napansin pa ni Dianne ang lahat ng ito.

“May nangyari ba Shi?” Mas lumapad pa ang ngiti ni Dianne.

“W-wala.” Nag-flash sa utak ko ang mukha ni Cloud na sobrang lapit sa akin. We were breathing in each other’s breaths. Mas lalo tuloy ako namula at mas lalong lumapad ang ngiti ni Dianne.

Tsk!

“May nangyari, eh… sabihin mo na.” Pamimilit ng bruha.

“Wala sabi, eh…” It was a lie, I could not conceal.Paano ko naman matatago yun eh, naalala ko na naman kung paano niya tinrace ang mukha ko gamit ang knayang hinlalaki at kung paano nanatili ang feeling na yun even after his thumb left my face . Lalo akong namula.

“Oh my gosh! Did you kiss?” Kiss? Ugh! She had to remind me of that.

“Kiss? Hindi naman niya tinuloy, eh.” I sounded disappointed. Wait?! What?!

“Ikaw?! Inayawan?” Gulat na sabi ni Dianne. Well, sino naman ang hindi magugulat, eh I’m the hottest girl in town at before pa ako maayawan ng kahit sino, ako una umaayaw. Pero those  are not my concerns now. I mean, did I really say that? Nasabi ko ba talaga yun ng malakas? Aish! “Tell me about it!”

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon